NAPASINGHAP si Gail nang pagpasok na pagpasok niya sa kwarto ni Hanzel ay halos wala na itong saplot maliban na lang sa nakatapis na tuwalya sa baywang nito. Mabilis na tumalikod siya at nayakap niya ang feather duster na hawak. Ba't 'di ka kasi kumakatatok sa pinto?!
Mabuti na lang talaga at hindi siya napansin nito dahil nasa hamba pa naman siya ng pintuan. Tahimik na nagtago siya sa gilid at palihim na sinilip si Hanzel. Nakatalikod ito sa kanya at mukhang may kausap sa cell phone. Sino kaya ang kausap ni Hanzel? Hindi niya gaanong naririnig pero panay naman ang ngiti nito.
Hindi kaya girlfriend niya? Napasimangot siya. Ah ewan, wala ka na dapat pakialam Gail dahil unang-una wala kang role sa buhay ni Hanzel.
"Oo na, 'di wala na." Bulong niya sa kawalan. "Masaya ka na?"
"Sinong masaya?"
Nanlaki ang mga mata ni Gail nang marining ang boses ni Hanzel. Pagtingin niya sa gilid ay halos magdikit na ang ilong nila sa sobrang lapit pala nito.
"Sinong masaya Gail?"
"H-Huh?"
Tatakasan yata siya ng kaluluwa niya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya. Hoy kalma! Kumalma ka diyan at baka lumabas ka na diyan. Lihim siyang napangiwi sa isip.
"A-Ano... ano kasi..." ngumiti siya sabay hakbang sa likod. "Masaya ako." Masigla niyang sabi. "Ano, sobrang saya ko lang talaga he-he." Mukha akong tanga.
Kumunot lang ang noo ni Hanzel sa kanya.
Bumawi ka Gail. Bumawi ka. "Anong gusto n'yong ulam? Ipagluluto kita ng kahit ano sir."
Sa huli ay napangiti lang si Hanzel. "Kahit ano. I trust your cooking skills."
"Ah sige, okay. Maiwan na muna kita."
'Yon lang at mabilis siyang bumaba sa sala. Shuks!
Sino ba naman kasing nagsabi sayo Gail na umakyat ka sa taas. Wala ka naman pa lang gagawin. Hayan!
NAUHAW bigla si Hanzel kaya bumaba siya papunta sa kusina. Hindi na talaga siya masasanay na nasa bahay lang at puro research lang ang ginagawa. Marami na siyang nabasang article tungkol sa nangyaring aksidente sa kanya noon pero wala naman siyang nakukuhang impormasyon bukod sa summary lang ng kwento.
It's kind of weird but it feels like there is something missing in those articles. Para bang may nai-skip na bahagi sa nangyari. All names are mentioned including him but the names of the survivors were not mentioned in all news articles. At malakas ang kutob ko na isa si G sa mga nakaligtas dahil nagawa pa niyang iwan saken ang libro niya.
Napabugo siya ng hangin. It seems like it'll not be an easy job to look for that G, Hanzel. Pwedeng isa sa mga nabanggit na involved sa aksidente ang may-ari ng librong 'yon. Pero ang tanong, sino sa mga 'yon?
Nagulo niya ang buhok. "Damn,"
Natigilan naman siya nang marining niya ang malakas na tawa ni Gail mula sa kusina. Napangiti siya pero hindi niya alam kung bakit. For the first time narinig ko siyang tumawa. Tahimik na sinilip niya ang ginagawa ni Gail.
Nagpipigil man ng tawa ay hindi pa rin mapigilan nito ang tumawa. Nakaupo sa isa sa mga stool habang may kung anong pinapanood sa cell phone nito. Gail was just smiling and laughing na para bang wala itong pakialam sa mundo. Malayong-malayo sa Gail na kapag humarap sa kanya ay tahimik at naiilang.
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...