Destiny 22

13.3K 491 86
                                    

BUMABA ang tingin ni Hanzel sa hawak na brown envelope. Pinirmahan na ni Grethel ang annulment paper. Ilang segundong natahimik si Hanzel. Tila hindi makapaniwala.

"Ah nga pala," muli niyang naiangat ang mukha nang bumalik sa harap niya si Crosoft. "Asar na asar ako sayo. Sagad na sagad. Pasapak nga!"

Hindi niya napaghandaan ang sunod na ginawa nito. Malakas na sinuntok siya nito sa panga. Napahawak na lang siya sa nasaktang mukha nang malasahan ang dugo sa gilid ng bibig niya.

"Bwesit na bwesit ako sayo Hanzel! Hindi ko alam kung anong utak ang meron ka. Basta ang alam ko isa kang napakalaking TANGA. Kalimutan muna ang lahat pati ako pero huwag mong kalimutan na may mga anak ka na umaasa sayong tumino ka. Tang na juice ka! Ipagdadasal ko talaga sa lahat ng santo na pagsisisihan mo rin ang mga kagagohan mong 'to. Wake up Hanzel! You're not a kid anymore."

Nabitiwan niya ang envelope at gumanti ng suntok sa kapatid. "Ano bang alam mo sa buhay ko, ha? Sino ka ba, ha?" Marahas na hinawakan niya kwelyo ng damit nito.

"Tang'na ka! Ako ang kuya mo! Ang kuya mo na kinalimutan mo rin." Marahas na itinulak siya nito. Tumama ang likod niya sa pader. "You're not the same anymore Hanzel. Hindi na ikaw ang 'tang na juice kong kapatid. Tuluyan ka nang nilamon ng kagagohan mo."

"Madali para sayo ang lahat dahil 'di naman ikaw ang nasa posisyon ko!"

"Oo madali lang saken! Kaya nga ako naiinis. Nababanas ako kasi sobrang dali din para sayo na piliin ang babaeng 'yon kaysa sa mismong pamilya mo na nag-alaga sayo noong mga panahon na ni anino ng babaeng 'yon ay 'di man lang natin makita. Wala akong pakialam kung paano at kailan 'yan nagpakita sa'yo o kung siya ang nagpabalik ng mga peste mong memorya dahil wala akong pakialam sa inggratang babaeng 'yan. Makinig ka saken! Gago ako pero mas gago ka!"





"MAMA okay ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ni Milko kay Gail.

Hindi siya okay. Ramdam na ramdan niya ang kaba sa loob niya. Ngayon lang ulit siya nakasakay muli sa bus. Pilit niyang kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng ibang bagay. Relax Gail, walang mangyayaring masama. Makakabalik kayo sa Santa Fe ng ligtas. Humugot siya ng malalim na hininga.

May ngiting binalingan niya ang mga anak saka hinaplos ang mga buhok ng mga ito.

"Okay lang si Mama. Medyo pagod lang. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ng aksidenteng 'yon ay sinubukan niya uling sumakay sa bus para maka-uwi sa Santa Fe, nakaya niya naman pero nandoon pa rin ang takot niya. Kaya lang 'di na siya bumalik dahil wala na doon ang tatay at ang mga kapatid niya. "Huwag masyadong maglilikot."

"Mama saan po ba tayo pupunta?"

"Bakit 'di po natin kasama si Papa?"

"Pupuntahan po ba natin si Papa, Mama?"

Sunod-sunod na tanong ng kambal. Mapait na ngumiti siya sa mga anak. Hindi pa niya nasasabi sa mga ito na hiwalay na sila ng Papa nila. Humahanap pa siya ng magandang tiyempo para masabi ang totoo sa mga ito.

"Anak, uuwi tayo sa dating bahay namin. Sa Santa Fe. Sasakay din tayo ng barko pagkatapos nito." Unti-unti na ring nawawala ang takot niya. Pinaisod niya ng upo palapit sa kanya ang mga bata at inisang-brasong yakap. "Maganda doon. Asul na asul ang dagat." Magiliw na kwento niya. "Saka napakaputi ng buhangin doon. Pwede kayong maligo at lumangoy doon buong araw. Sariwa din ang hangin."

"Mas maganda pa po sa Boracay?"

Tumango siya. "Mas maganda pa doon."

"Nandoon din po ba si Papa, Mama?"

WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon