MABILIS ang mga kilos na itinakbo ni Hanzel si Grethel sa lobby ng resort dahil wala siyang idea kung na saan ang clinic ng resort na 'yon. Pagbaba niya ng tingin kay Grethel ay halos wala ng kulay ang mukha nito. Putlang-putla na ito.
"Tulong! Tulungan n'yo ko. Can someone call an ambulance."
Mabilis naman na dinaluhan siya ng mga staff at mabilis na nagpatawag ng tulong.
"Grethel?!" nag-aalalang sigaw ng Ginang na kung hindi siya nagkakamali ay siyang may-ari ng resort. Mabilis na lumapit ito sa kanya kasama ang isang lalaki na sa tingin niya ay anak nito. "Dios ko! Anong nangyari sa kanya?"
"She's so pale." Segunda nung kasamang lalaki nito. "C'mon, give her to me."
Sa halip na ibigay agad si Grethel sa lalaki ay inilayo niya ng bahagya ito rito. Hindi niya alam kung bakit but something is telling him not to give Grethel to that guy.
"Hijo, sige na. My son is a doctor." Pakiusap ng Ginang sa kanya. "We'll take care of her."
"I'm sorry but I have to take her in her room now." Mabilis na naagaw nito sa kanya si Grethel. "Mauna na ako Ma. Tell Menol to bring my things in her room. Sumunod na lang kayo." Bilin nito sa Ginang bago nito tuluyang ilayo sa kanya si Grethel.
"I'm very sorry for the trouble, Hijo but thank you. Kami na ang bahala kay Grethel. Magpahinga ka na." Akmang aalis na ito nang mag-salita ulita siya.
"Will she be okay?"
Ngumiti ang Ginang. "She'll be okay. My son Kevin will take care of her."
"Please take care of her."
"Of course, hijo. Salamat."
Naiwan siyang mag-isa sa lobby. Nahulog sa malalim ang pag-iisip at tila estatwang hindi makakilos. He was not sure but he felt hopeless and useless. Why was he on that island, anyway? Ano ba talagang plano niyang gawin?
Marahas na napabuntong-hininga si Hanzel. Naisuklay niya ang isang kamay sa buhok at nagsimula nang maglakad papunta sa beach. He needed some fresh air. He needed to breath dahil nasasakal na siya sa nararamdaman niya ng mga oras na 'yon.
Natigilan naman siya nang marining niya ang pamilyar na boses nila Milko at Milky. Sa kabila ng dilim at bahagyang liwanag na nagmumula sa mga lamp post ay naaninag niya ang mga mukha ng mga bata na magkahawak-kamay na tumatakbo.
"Milky dalian mo!"
"Milko tawagan na lang kasi natin si Papa."
"Milky wala na si Papa." Tumigil ito at hinarap ang kakambal nito. "Bakit ba ang kulit-kulit mo? Iniwan na tayo ni Papa. Hindi na niya tayo babalikan. Hindi niya na tayo mahal."
Natigilan siya sa sinabi ng anak. Sobra niya 'yong kinagulat at tila kutsilyo 'yon na itinusok bigla sa puso niya. Anong klase siyang ama?
Umiyak si Milky. "P-Pero sabi ni Mama... mahal tayo ni Papa."
"Sinabi lang 'yon ni Mama para 'di tayo masaktan. Para 'di tayo magalit kay Papa. Kaya Milky, huwag mo nang hanapin si Papa." Niyakap nito ang umiiyak na kambal. "Tahan na. Nandito naman kami ni Mama."
"P-Pero... pero..."
"Tahan na," kumalas ito sa pagkakayakap sa kapatid nito at muling hinawakan ang kamay nito. "Puntahan na natin si Mama. Kailangan tayo ni Mama."
Magkahawak-kamay na tumakbo ang mga bata hanggang sa tuluyan na ngang mawala sa paningin niya ang mga anak. Tila lalo lang bumigat ang nararamdaman niya sa loob. Damn it Hanzel! Now your kids are miserable because of you. You deserved this! F-ck you Hanzel!
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...
