NAHULOG sa malalim na pag-iisip si Gail habang naghuhugas ng plato. Hinahanap kaya ni Hanzel ang totoong Gail? Hindi niya kilala ang Gail ni Hanzel pero alam niya ng itsura nito. Habang tinitignan niya ang album ng cell phone nito noon may nakita siyang picture ni Hanzel kasama ang isang magandang babae. Simple lang din ito at mukhang mabait. Hindi na nga lang siya nagtanong kung sino 'yon pero malaki ang kutob niyang 'yon ang Gail na tinutukoy ng attorney noon.
"Pasensiya na Ms. Grethel. Akala ko din ay ikaw ang tinutukoy ni Madame na Gail. Hanzel's fiance is also Gail."
"Fiance?"
Tumango ito. "I haven't seen her in person. I only knew her by name. Hindi pa nadadalaw sa mansion ng Sebastian si Gail dahil nga masidhi ang disgusto ni Madame rito."
"Pero na saan na siya? Dinalaw niya na ba si Hanzel?"
Umiling ito. "We haven't heard of her."
Iniisip niya sa kung nakalipas na ilang taon inalam ba ng totoong Gail ang nangyari kay Hanzel? O minsan ba naisip din nito ang huli?
"Gail!" nagulat siya nang biglang may humila sa kanya. Tila doon lang nabalik ang atensyon niya. Pag-angat niya ng tingin ay nakakunot na mukha ni Hanzel ang bumungad sa kanya. "Basang-basa ka na."
"Huh?"
"Umaapaw na ang tubig sa lababo." Napatingin siya sa may lababo.
Napasinghap siya nang makitang umapaw na nga ang tubig at basang-basa na rin ang sahig. Mabilis na binawi niya ang kamay kay Hanzel at pinatay ang gripo. Napabuntong-hininga naman siya nang mapansin na basang-basang na rin pala sa ibabang parte ng blouse niya.
Napangiwi siya. "Naku naman!"
"Are you okay?" lumapit ito sa kanya. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo."
"May naalala lang ako. Pasensiya na." Tipid na ngumiti siya. "Magpapalit lang muna ako." Iniwan niya na ito at dumiretso sa kwarto. Natigilan naman siya nang mapansin ang ilang mga nakatuping damit na maayos na nakasalansan sa itaas ng kama.
Kunut-noong sinipat niya ang mga 'yon hanggang sa mapansin ang isang sticky note sa tabi.
I know, you're welcome Gail. XD – Hanzel
Natawa lang siya. "Baliw talaga ang 'sang 'yon." Muli niyang tinignan ang mga damit. Magaganda at mukhang bago ang mga 'yon. Pero natigilan siya nang makitang may mga underwear pala na kasama ang mga 'yon. "Gosh!" nabitiwan niya ang ibang damit at marahas na inabot ang mga under wears.
Paano niya na laman ang sizes ko?!
NAABUTAN ni Hanzel na busy sa paggugunting ang mga bata sa sala. Wala si Gail dahil may kakausapin daw ito sa Sweet House kaya naiwan sa kanya ang mga bulunggit.
Lumapit siya sa dalawa.
"Oh anong ginagawa n'yo?"
"Hi Tito Hanzel," nakangiting bati ni Milky sa kanya.
"Ginagawan namin si Mama po ng paper roses." Sagot ni Milko sa tanong niya. "Quiet lang po kayo, ha? Iniisip kasi ni Mama na project namin 'to ni Milky sa school pero hindi po."
"Wala po kasi kaming money to buy flowers po. Kaya paper roses na lang saka letter. Ninang Mohana taught us how to make naman po eh." Dagdag pa ni Milky.
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...