KAHIT matanda na si Gail ay kinikilig parin siyang panoorin ang animated movie ng Beauty and the Beast. Ewan ba, pero kahit noong bata pa siya gwapong-gwapo na siya kay Beast. Iba talaga ang dating nito sa kanya.
Nakatulog na ang mga bata sa Disney Marathon nila. Gabi-gabi silang nagma-marathon ng mga Disney Classic Movies.
"Buti pa si Beast binalikan ni Belle." Napakunot-noo naman siya nang magsalita si Hanzel sa tabi niya. "May happy ending pa sila. Ako? Wala! At wala pa yatang planong balikan ako ng isang tao dito."
Binalingan niya si Hanzel. "May sinabi ka?"
"Huh? Ako? Wala ah. Sabi ko ang swerte ni Beast kasi binalikan siya ni Belle. Happy ending. Masaya ang buhay."
Gail's mouth twitched. "Ba't naman kita babalikan eh wala naman tayong nakaraan." Bulong niya sa kawalan.
"May sinabi ka Gail?"
"Wala," peke niyang ngiti. "Sabi ko matulog na tayo. Iakyat na natin ang mga bata para makapagpahinga na tayo."
"Maya na," bigla siya nitong inakbayan. Lumubog tuloy silang dalawa sa upuan nang isindal nito ang sarili sa likod ng sofa. "Wala naman ng pasok ang mga bata. Let's stay like this for awhile."
Patuloy parin ang pag-play ng theme song ng Beauty and the Beast na siya ring ending credit song ng movie. Naks! Lakas maka background music ah.
"Can I have one favor to ask Gail."
"Hmm?"
"Don't stop me from loving you." Nag-angat siya ng tingin rito dahilan para magtama ang mga mata nila. "Let me show you how much I care and love you. Don't stop me and please... don't hold back."
Pipiliin mo pa kaya ako kung maalala mo na ang lahat? Parang ayaw ko na ulit umasa.
"Tulog na tayo," pag-iiba niya. Tumayo na siya. "Inaantok na rin ako."
"MAMA! PAPA!"
Nagkumahog si Gail na lumabas ng bahay nang marinig ang pagsigaw ng dalawa. Panay kasi ang busena ng sasakyan sa labas kaya pinalabas niya ang mga ito para tignan kung sino ang nasa labas. Nag-abot pa sila ni Hanzel sa patio ng bahay at nang makalapit sa gate ay ganoon na lang talaga ang gulat niya sa kung sino ang mga bisita nila.
Pamilyar na pamilyar siya sa apat. Lalo na sa lalaki. Parang may kamukha itong artista. Hindi nga niya lang matandaan kung sino dahil sa suot ng mga ito na shades. Pamilyar din siya sa kasama nitong babae at sa dalawang bata na kasama ng mga ito.
Mayamaya ay biglang inalis nung lalaki ang suot nitong shades at talagang nanlaki talaga ang mga mata niya.
Napasinghap at natutop niya ang bibig sa gulat. Jus ko, may taping ba sa malapit? Bakit nandito si Crosoft at ang pamilya niya? Naingat niya ang tingin kay Hanzel na halatang gulat din. Pero tang na juice! Ang gwapo ni Crosoft sa personal. Pwede kayang magpa-autograph rito mamaya?
"Pak juice Hanzel Sebastian D'Cruze!" sigaw nito. "Buksan mo 'tong gate na gago ka kung ayaw mong sirain ko 'to."
"Ah... O-Opo Kuya."
Mabilis na tumalima si Hanzel at itinabi ang mga bata para mabuksan ang gate. Pero hindi nga? Tama ba ang rinig niyang tinawag nitong kuya si Crosoft? Nak ng ... HINDI NGA?
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...
