Destiny 10

15K 481 97
                                    

MAAGANG nagising si Hanzel.

Napangiwi siya nang biglang gumuhit ang matinding sakit sa sentido dahilan para mapahiga ulit siya. Awww! He cursed under his breath when his head hit something hard underneath. Doon lang naging malinaw sa kanya kung na saan siya. He's not in his room. He's in the f-ckin living room and he can't remember how and when did he end up sleeping on the couch.

Pagtingin niya ay naka unan pala sa gilid ng couch ang ulo ni Gail. Mukhang hindi naman yata niya ito masyadong nagambala dahil hindi niya ito nagising. Damn, he can't really remember a thing. Naalala niyang lasing na lasing siya kagabi at muntik nang makipagsuntukan kaya pinauwi siya doon sa bar at pinasakay ng taxi. Screw it, he doesn't want to remember that anymore.

He could not help but stare at Gail's face. Mahimbing itong natutulog at mukhang na pagod yata ito sa kanya kagabi. Hindi na niya muna ito gigisingin.

Maingat na bumangon siya sa sofa at binuhat si Gail. Iakyat niya muna ito sa itaas sa kwarto nito para naman makahiga ito ng maayos.

Naabutan niyang nagtutulakan pababa ng hagdan sila Milko at MIlky. Mabilis na sumenyas siya sa dalawa na huwag maingay dahil natutulog pa ang Mama nila. Sabay na tumabi ang dalawa at pinadaan sila. Pasimple siyang nakipag-high five sa dalawa nang hindi nabibitiwan si Gail.

Nang makaakyat sa itaas at makapasok sa silid nito ay maingat na inihiga niya ito.

"Hanzel..." ungol nito.

Natigilan siya at napatitig sa mukha ni Gail. Hindi niya alam kung bakit napangiti siya. Iba na talaga 'yan Hanzel. You're doing it again. Itinaas niya ang kumot hanggang sa dibdib nito. Well, falling in love wouldn't be such a bad idea.





NAPALIKWAS ng bangon si Gail.

"Gosh!" singhap niya nang mapansin na masyado ng maliwanag sa labas. "Anong oras na?" Inabot niya ang maliit na alarm clock sa bedside table at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. "Woah?! Hindi nga? Alas onse na!"

Nagkumahog siyang bumaba ng kama. Hindi niya alam kung bakit napunta siya sa kwarto niya. Saka na niya 'yon iisipin at baka kanina pa gutom sila Hanzel at ang mga bata. Napangiwi siya sa isip. Naman kasi! Bakit napasarap ang tulog ko?

Muntik pa siyang mamudmud nang pumunta siya sa dining area. Talagang nagulat at natigilan siya dahil nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Napahawak siya sa ulo at inayos ang tiyak niyang magulo niyang buhok. Saan galing ang mga pagkain?

"Mama good morning!" sabay na bati ng dalawa sa kanya.

"A-Ano... nakaluto na pala kayo?"

Lumabas mula sa kusina si Hanzel na may suot-suot na pink apron. Nginitian siya nito bago inilapag ang hawak nitong mga plato.

"Oh gising ka na pala," inangat nito ang mukha sa kanya. "Halika na kumain ka na."

"I-Ikaw ang nagluto?"

"Magtaka ka kung ako nga." He chuckled. "Rest assured, these foods are safe."

"Mama, nagpa-deliver ng food si Tito Hanzel." Dagdag ni Milky.

"Kaya eat na tayo Ma. Gutom na kami eh. Tagal n'yo po gumising." Segunda naman ni Milko.

"Ay ganun ba? Sorry naman, ha?" pabalang na biro niyang sagot sa anak.

"Mama naman eh."

Natawa siya. "Oo na, sige na kumain na kayo."

"Oh 'di ka pa ba kakain?" tanong ni Hanzel.

WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon