Destiny 16

13.3K 401 37
                                        

MUNTIK nang matalisod si Gail at mapasigaw kung hindi lang nakasunod si Hanzel at nahawakan siya nito. Kaso ang walangya buong mukha naman ang tinakpan nito. Imbes na mapagsalamat ay naiinis lang siya rito.

Asar na pinalis niya ang kamay nito at pinaningkitan ito ng mata.

"Huwag kang masyadong mag-ingay." Kumunot ang noo niya. "Napaka-sensitive ng mga tarsier. Kapag 'yan naasar sayo. Aakyan 'yan doon sa pinakamataas na sanga at tatalon. Sige ka, ikaw pa ang maging dahilan ng kamatayan nila."

"Ba't naman sila magpapakamatay?"

"Maliit lang mga utak nila. Masyado pang sensitive. Nai-stress sila ng sobra sa ingay, flash ng camera at kapag panay hawak mo sa kanila. Kapag stress out sila pinupukpok nila ang ulo nila sa cage or umaakyat sila sa taas para lang mag suicide."

"Ay ganun?"

Hanzel nodded. "Kaya huwag kang masyadong makulit dahil kahit ako nai-stress sa ka hyperan mo. Baka ang tarsier na lang ang mag-adjust para sayo."

Kumapit siya kay Hanzel. "Alis na lang tayo. Ayokong dumanak ang dugo ng mga tarsier dahil saken. Hindi ko kaya kakayanin 'yon."

Natawa naman si Hanzel sa kanya. "Baliw. But anyway, since nabanggit mo na rin 'yan. Pumunta na lang tayo sa chocolate hills saka sa man made forest." Inakbayan na siya nito. "Sa Loboc river cruise na lang din tayo kumain pagkatapos."

"Mauubos naman yata natin agad ang mga tourist spots dito."

"Ano ka ba, okay lang 'yan. Ang plano ko talaga, gumala tayo ng isang linggo tapos magkulong tayo sa kwarto ng isang linggo." Kinurot niya ito sa tagiliran. "Pak juice! Ang sakit naman nun." Ngiwi nito. "'To naman hindi na mabiro."









"HANZEL dali picture-ran muna ako habang wala pang dumadaan!"

Pumwesto agad si Gail sa gitna ng mga naghihigantihang puno na tila nagsilbing shade sa buong daan. Sa TV lang niya 'yon nakikita. Ang ganda pala ng man made forest sa personal. Malamig pa.

"Ang daya ikaw lang mag-isa?!"

"Salitan tayo. Pagkatapos ko, ikaw naman kukunan ko. Dali na baka may dumaan na bus." Lumingon pa siya sa likod bago itinaas ang dalawang kamay sa ere para sa gusto niyang pose. "Ready na ako."

Inihanda na ni Hanzel ang camera. "Handa ka na?"

"Oo! Dali na baka may dumaan!"

"Handa ka ng mahalin ako?!"

"Oo!" Kumunot ang noo niya sakto namang nakuhaan na siya nito ng picture. Napasimangot naman siya. "Ang daya mo! Ang pangit ko sa picture, noh?" Nilapitan niya si Hanzel at pinalo sa braso. "Ulitin mo."

"Uulitin ko kapag sinabi mong handa mo na akong mahalin." He teased. "Narinig ko sabi mo oo."

"Wala akong narinig." Kaila niya.

"Aysus! Ayaw pa umamin. Sabihin mo lang oo at pakakasalan kita ngayon din."

"Echosero 'to. Oh ikaw na pumwesto sa gitna." Itinulak na niya ito. "It's your time to shine." Pero sa halip na tumalima ay lumapit ito sa isa sa mga turista doon at mukhang naki-usap pa itong kunan sila ng picture.

"Halika na," hinila na siya nito papunta sa gitna pagkatapos. "Damihan mo pose mo dahil unlimited 'to."

Ang dami yatang picture nilang dalawa ni Hanzel. Ang kulit-kulit kasi. Ang daming pose ng loko. Pati siya nahahawa sa ka hyperan nito. Nag-enjoy lang din siya. Kanina madami din silang pictures sa Chocolate Hills. Napagod lang siya sa pag-akyat.

Bigla-bigla namang umulan. Mabilis na nagpasilong sila sa isang tabi. Hindi pa rin maalis ang saya sa mukha ni Hanzel kahit na nababasa na sila. Hindi niya naman mapigilan na pagmasdan ang mukha nito. Hindi niya namalayan na napapangiti na pala siya sa sayang nakikita niya sa mukha nito.

WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon