PUNO ng pag-aalala ang puso ni Gail nang pagpunta niya sa school nila Milko at Milky ay wala na ang mga ito. Walang makapagsabi kung na saan ang dalawa. Dios ko! Usong-uso pa naman ang pangi-ngidnap ng mga bata sa lugar nila.
Nanginginig ang mga kamay na tinawagan niya ang cell phone ni Hanzel pero hindi siya sinasagot nito. Ilang ulit na sinubukan niya itong tawagan habang sinusuyod niya ang buong eskwelahan pero hindi niya pa rin ito ma-contact.
Na isip na niya na baka sinundo nito ang mga bata pero bakit 'di man lang 'yon pinaalam sa kanya ni Hanzel? Kung gagawin nga nito 'yon sana man lang inimpora siya nito nang hindi siya nag-aalala ng ganito.
Tinawagan niya si Mohana.
"Bes relaks lang, okay? Baka naman kasi sinundo na ni Hanzel."
"Kung sinundo niya sana naman sinabihan niya ako 'di 'yong ganito." Natutop niya ang noo. Pawis na pawis at pagod na pagod. "Ako pa rin ang ina ng mga bata."
"Hindi ka parin ba niya sinasagot?"
"'Yon na nga eh," inis na sagot niya. "Hindi ko siya ma-contact. Mohana, nag-aalala na ako." Naiiyak na siya sa kaba. "Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nakokompirma na kasama nga ni Hanzel ang kambal."
"Tawagan mo ulit. Ang gagong 'yon. Banas na ako doon, ha?"
"Sige, bye na. Tawag na lang ulit ako sayo mamaya."
Pinutol na niya ang tawag at muling tinawagan si Hanzel. Nabuhayan siya ng loob nang sa wakas ay sagutin na nito ang tawag.
"Hello?" pero natigilan siya nang ibang boses ang marinig niya sa kabilang linya – boses ng babae. "Is this Grethel?"
Kinalma niya ang sarili bago sumagot. "Oo, nandiyan ba si Hanz –"
"Hi, si Gail 'to. Nasa loob pa ng mall sila Hanzel at ang mga bata. Naiwan kasi niya ang cell phone sa sasakyan. I'll inform him that you call."
Magkasama sila? "Ah teka lang –" wala na siyang narinig sa kabilang linya. Binabaan siya nito. Hindi niya maiwasang mainis sa inasta nito. Binabaan siya nito nang hindi man lang tinatanong kung bakit siya tumatawag.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa cell phone.
Hindi lang siya sa babae inis kung hindi pati na rin kay Hanzel. Ang kapal ng mukha nitong ipakilala ang mga anak sa babaeng 'yon! Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.
PINIPIGILAN lang talaga ni Gail na komprontahin si Hanzel nang maka-uwi ito at ang mga bata. Iniiwasan niyang mapansin ng mga bata na may problema silang dalawa ng ama nila. Kahit na sobra nang naninikip ang dibdib niya sa galit at inis rito ay nagawa pa rin niyang salubungin ng ngiti ang mga bata.
"Mama! Mama!" salubong ni Milky. "Tignan mo binilhan kami ni Papa ng new shoes at clothes." Masayang sabi sa kanya ng anak.
"At saka Mama, na meet po namin si Tita Gail." Dagdag naman ni Milko. Tila lalo lang 'yon dumagdag sa sakit na nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. "Same po kayo ng name Mama at saka ang bait niya rin po. Binilhan niya kami ng mga toys at saka kumain din kami sa isang magandang restaurant."
"Masarap po ang pagkain doon Mama. Kaso mukhang mahal. Pero mas masarap pa din po ang Jollibee."
"Talaga ba?" pinilit niyang pasiglahin ang boses kahit na sobra siyang nahihirapan. "Nag-thank you ba kayo sa kanya?"

BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...