Destiny 12

15.7K 536 60
                                        

"PAPA tignan mo naka perfect po ako sa math quiz namin kanina."

"Wow! Talino naman ng anak ko." Natutuwang ginulo ni Hanzel ang buhok ni Milko. "Keep that up. Sa susunod na maka perfect ka ibibili kita ng kahit anong gusto mo."

"Talaga po?!" namilog ang mga mata ni Milko sa sobrang tuwa. "Kahit ano?"

"Yup, anything you want."

"Eh ako naman po Papa." Nagpakandong naman si Milky sa Papa nito. "Hindi ako perfect kanina pero isasali po ako ni teacher Grace sa declamation kasi daw po magaling daw po ako mag-memorize at mag-act."

"Wow! Talaga ba? Kailan 'yang langga? Sabihan mo kami ng Mama mo kung kailan para mapanood ka namin."

"Sa culminating po namin Papa." Milky giggled. "Support n'yo po ako ni Mama, ha?"

"Oo naman. Kayo pa. Proud na proud nga ako sa inyo."

Itinabi na ni Gail ang mga na plantsa niyang damit at isinalansan sa cabinet ang iba. Tahimik lang siya habang pinapakinggan sila Hanzel at ang mga bata.

"Mama saan po kayo matutulog ngayon?"

Nakangiting nilingon niya si Milko. "Hmm? Syempre katabi n'yo."

"Mama okay lang po kahit na kami na lang ni kuya Milko." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Milky. "Hindi naman po kami scared na matulog. Saka po, kawawa naman si Papa kasi wala siyang katabi matulog po."

Napatingin siya kay Hanzel. Halata namang nagpipigil ng ngiti. Batuhin niya kaya 'to ng plantsa. 'Yan malulungkot matulog? Mukha niya. Bwesit pa din ako sa kanya.

"Malaki na ang Papa n'yo. Kaya niya nang matulog mag-isa. Hayaan n'yo siya."

"Okay lang 'yan mga anak. Sanay naman na si Papa na laging iniiwan ng Mama n'yo." At talagang nagpaawa pa talaga ito sa mga anak nila. "Makakatulog pa rin ako ng mahimbing."

"Mama, kawawa naman si Papa." Naiiyak na sabi sa kanya ni Milky. "Samahan mo na po siya. Promise, magbi-behave po kami ni Milko saka sleep na po kami ng early."

"Opo Mama. Hindi na po ako magkukulit. Pumayag na po kayo."

Nang balikan niya ng tingin si Hanzel bumalik na naman ang nakakalokong ngiti nito na sa tuwing mapapatingin ang mga bata rito ay automatic na nagiging malungkot. Arggh! Kainis ka talaga Hanzel.

"Ayoko." Matigas niyang sagot. "Huwag ng makulit. Matulog na kayo. Bumalik ka na rin sa kwarto mo Han –" napasinghap naman siya nang bigla siyang hawakan ni Hanzel sa braso at hinila palabas ng silid. Binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak nito at sumilip sa hamba ng pinto kung nakikita ba sila ng mga bata.

"Ano ba Hanzel!" mahinang singhal niya rito nang masigurong hindi naman sila nakikita ng mga anak nila. "Magpakaama ka na lang sa mga anak natin. Huwag nang ganito –"

"Huwag na kitang ikama?" he teased.

Napamaang siya sa sinabi nito. Pero madali rin siyang nakahuma. "Tama!" Umayos siya ng tayo at hinuli ang tingin nito. "Huwag ng ganoon. Hindi 'yon kasama sa usapan natin."

"Wala naman tayong usapan ah. Wala tayong ginawang compromise. Ang sinabi mo lang saken kung gusto kung makaalala gawin ko 'yon." Lumapad ang ngiti nito. "But honey, you're the only key to my lost memories. That means," he crossed his arms over his chest. "Complete access of your life and more skinship."

Lalo lang kumunot ang noo niya. Bakit iba ang pagkakaintindi niya sa huling sinabi nito sa kanya. Bakit may himig ng kalandian at kamunduhan ang binabalak nitong si Hanzel para lang makaalala.

WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon