NAALIMPUNGATAN si Hanzel na nagising sa kalagitnaan ng gabi. Kumunot ang noo niya nang may marinig siyang mahinang iyak mula sa kung saan. Napabalikwas tuloy siya ng bangon. Hindi siya matatakutin pero f-ck! Ayaw niya ng mga ganitong biro.
Nakapatay lahat ng ilaw maliban na lang sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana. Bumaba siya ng kama nang mapansin na nakaawang ang pinto ng cr. Tang 'na Hanzel. Baka naman si Gail lang 'yan. Umayos ka diyan. Pero bakit nakapatay ang ilaw?
Nagsimula siyang maglakad palapit sa cr.
"Gail?!" halos pabulong na niyang tawag. "Gail, ikaw ba 'yan?"
He took a deep breath bago hinawakan ang seradura ng pinto at binuksan 'yon ng malaki.
"Gail?" mabilis na kinapa niya ang switch ng ilaw. "F-ck!"
Napaatras sa gulat si Hanzel nang makita si Gail na nakasalampak ng upo sa banyo. Dagdag pang halos hindi na niya makita ang mukha nito dahil sa nakatabing na buhok nito. Tatakasan yata siya ng kaluluwa niya. Tang'na!
"Gail! Anong ginagawa mo diyan?"
Hindi ito sumagot pero panay naman ang hikbi nito. Mayamaya ay tumaas ang isang kamay nito sa kanang pisngi nito. Kumunot ang noo niya.
"Ano?" ulit niya.
"M-Masakit...." She sobbed. "Masakit ang ngipin ko."
Napakurap-kurap siya. Naisandal niya ang katawan sa hamba ng pinto at natawa. Nak nang ang cute. Napakamot siya sa noo. Hindi niya alam kung maawa ba siya rito o matatawa. Ang cute lang talaga nito.
Hinawi nito ang buhok. She glared at him. "Anong nakakatawa? Nakakatawa bang makita akong mamatay na sa sakit sa ngipin, ha?" Tumayo ito at nilagpasan siya. "Palibhasa hindi naman ikaw ang nasasaktan."
Lumabas ito ng silid.
Pinigilan niyang mapangiti. Tumigil ka na diyan Hanzel. But Damn, why do she had to be that cute. Umayos siya ng tayo at sinundan si Gail pababa hanggang sa kusina. May kung anong hinahanap ito sa mga cupboard.
Siya na naman ang nagbukas ng ilaw at mukhang wala talaga itong balak mag-aksaya ng kuryente. Doon lang siya sa gilid. Sinusundan bawat lakad, galaw at kilos nito. Nababaliw na yata siya.
"Saan ko ba kasi nalagay ang mga 'yon?" sa boses pa lang nito mukhang masakit na masakit talaga ang ngipin nito dahil para itong maiiyak.
Tahimik na binuksan niya ang medicine cabinet sa malapit na nakalimutan yata ni Gail na nailipat na niya 'yon doon. Nilabas niya ang first aid box at inilapag 'yon sa mesa. Kumuha siya ng baso at sinalinan 'yon ng tubig mula sa pitsel na kinuha niya sa ref.
"Gail, halika na dito."
"Huh?" kunot-noong nilingon siya nito.
"Inumin mo 'to. Pain reliever, para mawala na ang sakit. Bukas na bukas sasamahan kita sa kilala kong dentist." Tumalima naman agad ito. Inabot niya ang gamot rito saka ang baso. "Huwag mong tiisin ang sakit kung 'di naman kaya. Let go."
Pabirong kinindatan niya ito habang iniinom nito ang gamot.
"Humugot ka pa." Nakanguso nitong sagot. "Salamat."
He give her a smile. "Huwag na huwag mo na ulit 'yon uulitin. Papanawan yata ako ng ulirat sa ginawa mo kanina. For pete's sake, magpa-ilaw ka. Ako naman ang nagbabayad ng kuryente kaya huwag kang magtipid."
"Sorry,"
Ginulo niya ang buhok nito. "Sige na matulog na tayo." Bumaba ang kamay niya sa isa nitong kamay saka niya ito biglang hinila palapit sa kanya. He then wrap one arm around her waist. Napasinghap ito sa gulat sa ginawa niya. "Pero kung sa kwarto lang naman tayo kahit huwag na tayong mag-pa-ilaw." Malanding bulong niya rito. "F-ck!"
![](https://img.wattpad.com/cover/43938872-288-k959176.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...