"GANDA ng simbahan." Naibaling ni Gail ang mukha kay Hanzel. He glance at her and give her a smile. "Don't you want to get married here?"
"Lahat naman siguro ng babae sa mundo pangarap ang makasal sa simbahan. Kahit na simple, maganda man o sira-sira basta sa harap ng altar." Ngumiti siya. "Kayo manunumpa ng pagmamahalan. Halika na." Iniwan na niya si Hanzel. "Baka hinahanap na tayo ng kuya mo."
Natawa naman ito nang umagapay ng lakad sa kanya. "Iniiba mo talaga usapan."
"Hindi ko iniiba." Nakangiti niyang sagot. "Nakakahiyang sila pa ang nagbabantay sa mga anak natin."
"Sabagay," natigilan siya nang pinagdaop nito ang kamay nila. Hinila na siya nito. "Halika na, magsisindi pa ako ng mga kandila."
Natawa lang siya.
Isinama sila nila Crosoft sa outing nito. Nauna nilang binisita ang BIRHEN SA SIMALA. Isa 'yon sa mga simbahang binibisita ng marami. Ang simbahan sa Cebu na parang isang palasyo. Matagal na siyang hindi nakakabisita doon. Ngayon lang ulit siya nakabalik.
Sindya nila ang araw na wala gaanong tao para hindi gaanong mapansin sila Crosoft. Hindi naman masyadong naka-disguised ang mga ito. Simple lang na hindi nakakaagaw ng atensyon.
Naabutan nila ang mga bata at ang mag-asawa na tahimik na nagsisindi ng mga kandila habang panay naman ang pagpo-pose ni Danah at Milky sa tabi habang kinukunan ito ng mukhang naiinis na ring si Milko na siyang may hawak ng digital camera.
Napasinghap siya nang hilahin siya ni Hanzel palapit sa candle stand. Inilahad nito ang iba't ibang kulay ng kandila sa harap niya.
"Choose."
"Huh?"
"Nah, let's have orange, white, gold, red and pink." Ibinalik nito ang iba kay Crosoft. "Nakapunta ka naman na siguro dito, diba?"
"Ah oo, pero matagal na."
"You're not familiar with the meaning of the colored candles?"
"Wala pa yata niyan noon."
Ngumiti ito. "Orange," sinindihan niya ang kandila. "It means reconciliation between family, friends, wife, husband, enemy and love ones." He paused. "And I pray that God will both reconcile our hearts and that you will realize na meant to be talaga tayo." He chuckled. "
"Baliw." Natawa lang siya.
Isa-isa nitong sindihan ang mga kandila. "Pink, means thanksgiving and I thank God for leading me back to you. Gold, means healing, and that we may heal from whatever painful past we had so we can start anew. White, means enlightenment and guidance, and that HE may always guide us to whatever life would take us. And red, that He may always keep our love burning and alive. That He may keep the love to grow in our family."
Napatitig siya kay Hanzel.
"Thank you," tanging nasabi niya rito.
"I don't want to sound selfish with my prayers to HIM but I want God to grant my most prayed wish."
"Ang ano?"
"Ang pumayag ka na magpakasal sa akin kahit hindi ko parin naalala ang lahat." He glance at her. "Aaanhin ko ang masakit na nakaraan kung masaya naman na ako ngayon."
Tipid lang na ngumiti siya. Ako din Hanzel, kung pwede lang sana na huwag mo nang maalala ang lahat para 'di na ako matakot na mahalin ka.
"'Di na ko oy!" napalingon sila sa sumigaw na si Milko. "Pose kayo ng pose. Giniwa n'yo na akong camera man." Asar na ibinigay ni Milko ang camera sa batang lalaki na biglang dumaan. "Ikaw sa oh."
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...
