Chapter 1..

10.8K 218 9
                                    

Mr. Romantiko
By...emzalbino


"Nanay Elsa! Nanay Elsaa!!" dumadagundong na sigaw ni Vhal mula sa kanyang kwarto kaya naman halos magka patid patid na ang mga paa ng matandang yaya sa pagtawag ng kanyang alagang binata.

"Bakit iho ano bang kailangan mo?" hingal na tanong ni nanay Elsa kay Vhal.

"Nanay Elsa, I need now this shirt dahil may i me meet akong tao ngayon!" kunot ang noong sagot ni Vhal kay nanay Elsa.

"Eh okay naman ang t shirt na ito ah!" ani nanay Elsa saka binistahan nito ang damit.

"No nanay Elsa!" mariing tanggi nito....."Nakikita mo ba ang gusot na mga iyan? I don't want to wear this shirt like that! I want a clean and well ironed clothes! Ayaw ko iyong titingnan ako ng mga tao mula ulo hanggang paa na para bang pinipintasan nila ang suot ko!" maawtoridad na sabi ni Vhal.

"Eh anak sino ba kaso ang ka meet mo?" muling tanong ni nanay Elsa na kakamot kamot ng ulo dahil sa pagiging mainitin ng ulo ng kanyang alaga. 

"I gonna meet Darwin!" tanging sagot nito.

"Eh si Darwin lang naman pala anak eh! Okay na iyan dahilan hindi naman pintasero si Darwin" malumanay na sabi ng matanda.

"Nanay Elsa! My point is, iyong mga tao na makakakita sa akin and it's not Darwin! Kaya tawagin mo na si Minda upang plantsahin niya ang aking t shirt dahil aalis na ako at late na ako sa oras na usapan namin ni Darwin!" may pagmamadaling utos ni Vhal kay nanay Elsa.

"Anak naman! Diba pinaalis mo na si Minda kahapon dahil lang sa natagalan siya sa pagkuha ng ice para sa iyong iinumin na wine?!" pagpapaalala ni nanay Elsa sa kanyang alaga......."Hamo ako nalang ang mag uunat ng gusot na iyan at ng makapag ayos kana" dagdag na turan ni nanay Elsa at kukunin na sana niya ang t shirt ni Vhal ng pigilan siya ng binata.

"Never Mind nanay Elsa, the only obe you can do for me ay ang ihanapan mo ako ng katulong na makapagtitiis sa kanyang trabaho at ayaw ko iyong kukupad kupad na parang pagong!" ani Vhal saka nito isinuot ng walang magawa ang kanyang t shirt na sinasabing gusot ngunit hindi naman gaanong halata.

"Eh saan naman ako maghahanap ng ganoong uri ng babae anak? Halos nakuha na yata natin lahat ng mga kababaihan dito sa Kamaynilaan para magsilbi sa bahay mo ngunit lahat sila'y ni hindi man lang nakaabot ng isang buwan! Bakit hindi mo kasi bawas bawasan ang pagiging masungit mo anak? Hindi ka naman ganyan dati eh, mag move on kana sa nangyari sa mga magulang mo iho. Matagal na silang patay at hindi nila gusto ang nakikita saiyo na pagmumukmok sa kalungkutan at kung makakapagsalita lang sila ay tiyak na se sermunan ka nila  dahil kilala ko ang iyong yumaong ama na ayaw na ayaw niyang nakakunot ang iyong noo, ang gustong gusto niya saiyo ang ay pagiging esmarte mo ngunit biglang nawalang parang bula ang dating malambing na alaga kong si Vhal ng dahil sa pagkawala ng mga magulang niya." malungko na sabi ni nanay Elsa at napabuntong hininga lang naman si Vhal....." Andito pa naman si nanay Elsa anak, bakit ayaw mo narin ba akong makasama?" may tampong tanong ni nanay Elsa.


"Don't be silly to talk like that nanay Elsa! Hinding hindi ka aalis sa tabi ko dahil ako lang naman ang anak mo diba?" sagot ni Vhal saka niyakap ang matandang yaya na siyang nagpalaki sa kanya mula pa ng noong bata palang na walang ka muwang muwang sa mundo at itinuring niyang pangalawang ina.

"Alam ko naman iyon eh kaya nasasaktan din ako na nakikita kang ganyan dahil na mi miss ko ang dating Vhal na anak ko, ang malulutong nitong tawa na halos dumadagundong sa buong mansiyon, ang ngiti nitong parang  nang aakit sa mga kababaihan, at ang palaging paglalambing mo sa akin kada aalis ka ng bahay at sa tuwing   darating ka. Lahat ng iyon ay parang biglang bulang naglaho, ngunit hindi pa naman huli ang lahat anak. Kaya mo pang ibalik ang dating ikaw, iyong dating anak ko na nakilala ko mula sa kanyang kamusmusan hanggang sa nagkaroon ng sapat na isip at alam kong kayang kaya mong ibalik ang dating ikaw basta tuluyan mo ng kalimutan ang nangyari sa nakalipas, ibaon mo na sa limot ang kahapon dahil kahit na ano pa ang gawin mo anak ay hindi mo na maibabablik pa ang dating pag aari mo na binawi na ng Panginoon dahil hanggang doon lang talaga ang itinagal nila dito sa ibabaw ng lupa. Tandaan mo na ang bawat tao ay may kanya kanyang oras na manatili sa ibabaw ng lupa at kung sakaling dumating man ang ating takdang panahon kahit na anong sakit ay kailangan nating tanggapin na hanggang doon lang tayo, dahil tanging ang Diyos lamang ang siyang pwedeng magpaikot ng mga imposibleng bagay na hindi natin kayang manipulahin" mahabang pahayag ni nanay Elsa na nagpabuntong hininga kay Vhal.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon