Mr. Romantiko
by...emzalbinoHindi na nakatiis pa si Jenny dahil hindi tumitigil sa pag ri ring ang kanyang cellphone......"Hello!" patamad na sagot ni Jenny sa unknown caller na tumatawag.
"Hello Jenny, is that you?" naniniguradong tanong ng nasa kabilang linya kaya naman napakunot noo si Jenny.
"Ako nga ito! Sino po ba sila at papaano niyo ako nakilala at papaano ninyo nakuha ang cellphone number ko?" nagtatakang tanong ni Jenny sa kanyang caller.
"I'm Vincent Domingo, iyong anak ng isa sa mga judge sa pageant na sinalihan mo!" pagpapakilala ni Vincent sa sarili.
"Ah, okay Natatandaan na kita!" ani Jenny sa kausap nito....."Eh saan mo nakuha ang number ko?" muling tanong ni Jenny.
"I got your number from your friends, Mandy at Ester. Kagabi ko pa nga gustong tawagan ka but I know that your so tired kaya hinintay ko nalang na mag umaga para matawagan kita at marinig ko man lang ang boses mo" masayang pahayag ni Vincent.
"Ah ganun ba? Salamat kung ganoon" sagot ni Jenny.
"Jenny, if ever na may time ka or you will take you off day ay pwede ba tayong lumabas?" lakas loob na tanong ni Vincent kay Jenny.
"Huh! Ah eh, Vincent kasi hindi ko pa alam kung kailan ang day off ko eh dahil kailan lang ako dito sa bahay ng amo ko at saka marami akong ginagawa right now kaya medyo busy ako" kakamot kamot sa ulong sabi ni Jenny ngunit ang totoo ay kaysarap ng kanyang upo sa may sofa na naka de kwatro pa ito habang nakasandal sa malambot na sofa.
"It's okay kung busy today but I hope na some other time ay mabigyan mo akong ng pagkakataon para naman makausap kita ng sarilinan" muling wika ni Vincent.
"Makulit din ang isang ito" nakaingos na wika ni Jenny sa sarili....."Hindi ko maipapangako kung kailan ang sandaling iyan Vincent dahil sinabi ko na saiyo ang sitwasyon ko" sagot ni Jenny sa binata.
"I'm willing to wait kung kailan ito darating, basta wag ka lang mawawalan ng time na sagutin ang mga tawag ko or mga text messages ko para kahit papaano ay may communication tayong dalawa" umaasang saad ni Vincent.
"Okay!" tanging sagot ni Jenny para tumigil na sa kasasalita si Vincent....."Sige Vincent, saka nalang tayo ulit mag uusap kasi andami ko pang trabahong gagawin" paalam na wika ni Jenny.
"Okay Jenny at salamat sa time at pagsagot mo sa tawag ko. Bye and have a nice day" paalam ni Vincent at pinatay na ni Jenny ang kanyang cell phone.
Pagkababa ni Jenny ng kanyang cell phone sa may glass table ay muli niya itong dinampot at tinawagan niya si Mandy. Kung ilang ring din ang nakalipas bago sinagot ng baklang kaibigan ni Jenny.
"Oh bruha napatawag ka?" may tampong himig ang boses ni Mandy.
"Mandy, bakit niyo binigay kay Vincent iyong cellphone number ko?"
"Eh nagmamakaawa iyong tao na hingiin ito kaya binigay namin dahil nakita naman namin na mabait siya at malinis naman ang intention niya saiyo!" sagot ni Mandy.
"A-ano ba ang intention niya?" takang tanong ni Jenny ngunit sa kanyang isip ay parang nahuhulaan na niya.
"He wants to court you"
"Ano!" medyo napataas ang boses ni Jennt sa sinabing iyon ni Mandy......"Sabi ko na nga ba eh!" bulong ni Jennynsa kanyang isipan.
"Eh, wala namang masama kung ligawan ka niya diba dahil wala ka namang nobyo? Saka nakita naming mabait naman iyong tao at talagang gusto ka niya at seryoso siya sa iyo kaya hindi na kami nagdalawang isip na ibigay ang number mo!" ani Mandy.