Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 16...Tumutilaok na na ang mga tandang na manok at palatandaan na madaling araw na ngunit dilat na dilat parin ang mga mata ni Jenny. Kahit na pilitin niya itong ipikit ay talagang hindi siya dalawin ng antok.
"Ano ba naman bakit kaya hindi ako makatulog?" pabiling biling siya sa kanyang kama at kahit na bumaligtad na yata siya ay hindi parin siya makatulog. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagkoncentrate para sana antukin siya ay biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang gwapong mukha ni Vhal kaya naman biglang sumagi sa isip niya ang maiinit na halikang napagsaluhan nila......"Bakit ba kanina kapa sumisiksik sa isipan ko! Kaya nga hindi ako madalaw ng antok dahil ayaw mong umalis!" parang engot na inu untog untog ni Jenny ang ulo sa may unan....."Ang sarap naman kasi niyang humalik eh kaya pati ako ay nadadala sa galaw ng labi niyang kaylambot" muli niyang nai wika saka napayakap siya sa kanyang booster at ipinikit ang mga mata na muling binabalikan ang sandaling iyon sa kanila ni Vhal at hindi niya namalayan matapos ang halos kalahating oras ay nakatulog narin siya na may ngiti sa kanyang labi.
......
Tinanghali ng gising si Vhal dahil sa hindi siya makatulog buti nalang at uminom siya ng dalawang beer incan kaya nakatulog siya. Sinipat niya ang orasan sa may ibabaw ng side table at alas otso na ng umaga.
Tumayo siya at nag inat saka dumungaw sa may terrace ngunit hindi niya nakita roon si Jenny. Araw araw kasi niyang nakikita ang dalaga sa may bakuran sa tuwing nagigising siya pero ngayon ay hindi pa niya nakita....."Baka nasa kusina pa siya at naghahanda ng pagkain" ani Vhal sa sarili at napangiti ito ng maalala ang mga nangyari kagabi at ng mapadungaw siya sa may pool ay ngumingiti ngiti siyang parang baliw....." Ibang klase ka talagang babae Jenny, ikaw palang ang nakilala kong babae na kaylakas ng loob. You challenged me so much kaya naman napahanga mo ako" bulong ni Vhal at saka lumapit sa may kama at inayos niya ito.
Matapos maligo ni Vhal ay agad na siyang lumabas ng kwarto at bumaba siya para tumungo sa kusina at ng makapag almusal na siya dahil papasok pa siya ng opisina. Pagdating niya ng kusina ay napakunot ang kanyang noo dahil wala pang naluluto na kahit na anong pagkain.
"Wala pa bang gising sa mga kasambahay ko?" naibulong ni Vhal sa sarili kaya naman kaysa hintayin ang mga kasambahay ay siya nalang ang nagluto ng almusal.
Nagprito nalang siya ng sausages, baccons, chicken nuggets at sunny side up eggs. Nag sliced siya ng ,fresh cucumber, cherry tomatoes at hinugasan nito ang vegetable salad na nasa fridge saka nito inayos ang mesa. Naglatag siya ng tatlong plato sa mesa para sa mga kasama niya sa bahay. Maya maya pa ay nakarinig ng mga yabag si Vhal na patungo sa may kusina.
"Naku anak! Pasensiya kana dahil natanghali ako ng gising!" natatarantang sabi ni Nanay Elsa.
"It's okay nanay Elsa! Tapos na po akong maghanda ng breakfasst natin." wika ni Vhal....."Si Jen po, gising na po ba siya?" maya maya ay tanong ni Vhal.
"Hindi parin ba siya gising?" nag alalang tanong ni Nanay Elsa....."Sandali lang at gigisingin ko siya" ani Nanay Elsa at saktong aalis na sana siya ngunit.
"Nevermind nanay Elsa, napuyat siya kagabi kaya pabayaan niyo na muna siyang makapag pahinga. Kumain nalang po kayo para mainitan ang sikmura ninyo" wika ni Vhal.
"Ay magkakape nalang muna ako at mamaya na ako kakain!" sagot ni Nanay Elsa.
"Nay Elsa, mas okay po ang gatas sa inyo at hindi ang kape lalo na at wala pa kayong naipapaloob sa sikmura niyo" alalang turan ni Vhal.
"Hindi ako umiinom ng gatas lalo na ang milo kaya sa kape ako nasanay" muling sagot ni Nanay Elsa at nagtimpla na ito ng kapeng maiinom.
"Nay Elsa, alam niyo ang tigas ng ulo ninyo! Kung ano ang hindi maganda sa katawan mo ay siya ring gustong gusto mong inumin" iiling iling na wika ni Vhal dahil hindi niya masaway ang yaya nito sa gusto niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/41678574-288-k378850.jpg)