MR. ROMANTIKO
by...emzalbino
Chapter 24....
Matapos maayos ni Jenny ang ilang damit ni Vhal ay agad siyang nagbihis at nagpunta ng mall. Naisip kasi niya imbis na ibinigay na ni Vhal ang credit card nito ay ibibili niya ng mahihigaan na folding bed para hindi sa banig ito matutulog dahil sabi nga ni Vhal na doon muna siya sa bahay nila Jenny hangga't hindi pa sila nakakasal.
Nabili na niyang lahat ang mga kakailanganin niya at nakabayad na siya sa may cashier kaya uuwi na siya, ang mga pinamili niya ay ipapa deliver nalang sa kanilang bahay dahil hindi niya kayang buhatin at dadaan pa siya sandali sa may talipapa na malapit sa kanila dahil bibili siya ng lukutuin niyang ulam para mamayang hapon.
Habang naghihintay si Jenny ng taxi ay nagulat siya ng biglang may kumalabit sa kanya. Napalingon siya at nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang kumalabit na iyon.
"Vi-Vincent!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jenny.
"Ako nga Jenny! Kumusta kana?" nakangiting sagot ni Vincent na nakatitig sa mukha ni Jenny.
O-okay lang naman ako!.. Ikaw, kumusta kana?" balik tanong ni Jenny.
"I'm okay too!" nakangiting sagot ni Vincent......."Blooming na blooming ang aura mo ah! Getting married?" ani Vincent nang mapamsin nito ang suot na engagement ring ni Jenny ngunit sa mukha ng binata ay wala namang bitterness na nakalarawan.
"O-oo!" alinlangang sagot ni Jenny at napatingin siya kay Vincent dahil mas lumawak pa ang pagkakangiti nito.
"So, tinutoo niya ang sinabi niya?" wika ni Vincent na ikina noot ng noo ni Jenny dahil hindi nito maintindihan ang ibig sabihin ni Vincent.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Jenny.
"Siguro nagtataka ka kung bakit bigla nalang akong tumigil sa panliligaw ng wala man lang abiso sa iyo. Isang araw nun ah kinausap ako ni Vhal lalaki sa lalaki. I don't expect sa mga sasabihin niya sa akin, hindi ko inaasahan ang mga sinabi niyang iyon" panimula ni Vincent.
"Ba-bakit anong mga sinabi sa iyo ni Vhal?" nagdududang tanong ni Jenny.
"He asked me about my feelings for you. Tinanong niya kung mahal nga ba kita o seryoso ako saiyo? Then I answered him na OO mahal kita at seryoso ako sa panliligaw saiyo. Then he asked me once again na kung sakali ba daw na sagutin mo ako ay pakakasalan na ba kita agad? Nag isip ako nun, sabi ko sa kanya na hindi pa naman ako handang magpakasal dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Na gusto ko pang bumalik ng States para matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay. Umiling siya ng kung ilang beses, then muli na naman niya akong tinanong na kung halimbawa ay nagtungo ako ng States at inuwan kita dito sa Pilipinas ay may tendency daw na makakahanap ako ng iba at iiwan nalang daw kita basta. Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, ang tanging nasabi ko lang sa kanya ay I don't have any idea what will happen tomorrow." salaysay ni Vincent.
"Ano pang mga sinabi niya saiyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jenny.
"He said that my answered is not good for you! Sinabi niya sa akin na kung hindi ko daw masigurado ang maibibigay kong happiness saiyo ay pakawalan nalang daw kita. I asked why he said that, then ang sagot niya ay handa ka daw niyang pakasalan. Nagulat ako sa sinabing niya iyon kaya hindi ako nakasagot, nabigla ako ngunit ng makita ko ang kaseryosuhan sa kanyang mukha ay tinanong ko siya na bakit ka niya papakasalan at kung sakaling pakakawalan kita ay ano ang kasiguraduhan na gusto mo rin siya? And his answered is..... Because i loved her more than you love her. I'll marry her anytime she want and I think we've got the same feelings because I felt it when I kissed her, she kissed me back."dagdag na salaysay ni Vhal at nakatunganga si Jenny habang nakikinig dahil hindi niya akalain na magagawang makiusap ni Vhal kay Vincent para lang mapasa kanyan siya......"And that moment, inisip kong mabuti ang mga sinabi ni Vhal, iyong sinabi niyang you him back ay parang masakit sa akin noon but I realized na hindi mo tutugunin ang kanyang halik kung wala kang damdamin kay Vhal kaya sinabi ko sa kanya na ipagpatuloy niya ang kanyang ginagawa dahil sinabi na niya noon sa akin na nililigawan ka niya bilang si Mr. Anonymous. Tinanong ko siya bakit kailangan niyang magpanggap? Sabi niya na gusto daw niyang makita ang reaksiyon mo o damdamin mo sa kanya kung magbabago ba ito. But, i saw with him na talaga namang mahal ka niya at seryoso siya saiyo kaya ibigay ko nalang sa kanya ang kalayaan ninyong dalawa at ngayon ay kitang kita ko sa iyong mga mata, sa aura ng iyong mukha na maligaya ka sa pag ibig niya. And I wish your happiness both of you are deserve to be happy, congrats sa inyong pagpapakasal at hangad koa ng inyong kaligayahan" nakangiting saad ni Vincent.
