Mr.Romantiko
By...emzalbino
Nang makauwi na sina Jenny,Mandy at Ester. Agad na naupo sa kanilang sopang kawayan at ikinuyakoy nito ang mga paa na naka de kwatro at ang mga mata ay nakatutok sa kaypu pula nitong mga kuko sa daliri na nakatikwas pa.
"Hoy babae! Ang sabi ni mader mo ay magluto ka raw hindi uupo diyan!" nakapamewang na sabi ni Mandy kay Jenny.
"Mandy naman! Papaano ako magsasaing kung bagong applied lang ng nail polish ang mga kuko ko! Of course masisira ang mga ito, kaya ikaw na muna ang magsaing at damihan mo na para dito narin kayo kakain ng hapunan!" sagot ni Jenny saka muling itinutok ang mga mata nito sa mga kuko.
"Hay ano pa nga bang magagawa ko! Sinabi na nga niyang bagong pintura ang mga kuko kaya wala na akong maikakatwiran pa dahil kahit saang anggulo tingnan ay talo ako nito!" pasaring na wika ni Mandy saka tinungo ang munting kusina nila Jenny upang magluto.
"Hoy Jenny, alam mo ba na may gaganaping beauty pageant sa kabilang baranggay sa susunod na buwan at alam mo ba na kaylaki daw ng premyo ng mananalo!" pagbabalita ni Ester ng maalala nito ang sinabi ng isa sa kakilala nito.
"Talaga Ester!" nanlalaki ang mga matang balik tanong nito sa kaibigang bading.
"Oo nga sabi eh!" sagot naman ni Ester.
"Magkano ang premyo?" atat na tanong muli ni Jenny.
"Nasa limang libo yata ang first prize plus worth one thousand pesos na groceries!" turan ni Ester.
"Not bad!" ani Jenny na para bang napapaisip ito....." Hmm Ester, kailan ba daw ang audition para sa mga sasali?" maya maya ay intresadong tanong nito sa kaibigan.
"I think sa lunes na daw ang final audition pero ang isa daw na contestant ay iyong anak mismo ng barangay captain doon" nakangiwing wika ni Ester.
"Eh bakit ba kung kasali iyong anak ng kapitan? Sa gandang iyan ba ni Jenny eh may lalamang pa sa kanya?" singit naman ni Mandy na noon ay palapit na sa kinaroroonan nila.
"Oo nga!" sang ayon na sabi ni Jenny saka humalukipkip ito na nakataas pa ang mga kilay....."Hindi ako natatakot na makatunggali ang anak ng kapitan na iyon! Hmm don't judge the book by it's pages!" dagdag pa nitong sabi.
"Tange! Don't judge the book by it's cover!" pagtatama ni Mandy sa sinabi ni Jenny.
"Heh! Siya rin iyon, nabanggit ko rin naman lahat iyong mga words ah" depensa ni Jenny sa sarili kaya nagkatinginan nalang ang dalawang bakla.
......
Pagdating ni Vhal sa restaurant kung saan ay katatagpuin nito ang kaibigang si Darwin ay naroroon na ito at hindi nag iisa kundi kasama nito ang nobyang si Jinky.
"Hi , sorry if im late" hinging paumanhin ni Vhal sa dalawa saka nakipagkamay sa dalagang kasama ni Darwin at sa kaibigan nito.
"No bro, actually we just arrived also at mga three minutes lang naman ang itinagal palang namin dito" maagap na sagot ni Darwin.
"Ah ganoon ba!" tanging sabi ni Vhal saka naupo na ito sa bakanteng upuan sa harap ng magnobyo....." Hmm bakit nga ba naisipan mong makipagkita sa akin?" maya maya ay tanong ni Vhal sa kaibigan saka nito sinalinan ng wine ang isang bakanteng wine glass.
"Because we want to give this to you and we're hoping na makakadalo ka" nakangiting turan ni Darwin.
"What is it?" kunot noong tanong ni Vhal sa isang brown envelope na maliit lang.
"Our wedding invitation, we were getting married next month bro dahil may laman na eh!" nakangiting sagot ni Darwin sabay himas sa medyo halata ng umbok ng tiyan ni Jinky.
