Chapter 14

6.1K 214 22
                                    

Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 14...

Hindi magkamayaw si Jenny sa mga taong bumabati sa kanya at mga nagpapa picture. Parang isang artista na pinagkakaguluhan ng mga tao kaya naman masayang masaya siya dahil sa kanyang pagkakapanalo.

"Ang galing galing talaga ng best namin at napakaganda pa!" tuwang tuwa na puri ni Ester saka niyakap ng kayhigpit si Jenny.

"Yap! Kaya dapat lang na mag celebrate tayo dahil nanalo ka!" segunda naman ni Mandy na yumakap din sa dalawa.

"Syempre naman mga besty! At salamat sa inyong suporta at pagmamahal sa akin dahil sa inyo ay muli kong napatunayan sa sarili ang aking talento at nakaya kong hinarap ang isang napakalaking pagsubok sa aking buhay" maiyak iyak na sabi ni Jenny.

"Anong malaking pagsubok?" kunot noong tanong ni Mandy sabay tingin kay Jenny.

"Iyong pagsusuot ng swimsuit sa karamihan ng mga tao. Imagine na nagawa ko samantalang hanggang sa short lang ako noon but now ay nakapag upgrade na naman ako ng isa sa mga asset ko" may pagka pilyang sabi nito.

"Anong asset mo naman ang na upgrade, aber?" nakalabing tanong namna ni Ester.

"Eh iyong pagiging self confidence" sagot naman ni Jenny.

"Oo nga naman!" segunda ni Mandy sabay tawa nito kaya naman napahalakhal na silang tatlo.

"Ibang klase ka talaga best! Lume level up na talaga ang carrer mo!" ani Ester kay Jenny.

"Level up ang carrer? Eh katulong parin ako!" nakataas ang kilay sa sbi ni Jenny kaya naman napahagalpak ng tawa ang dalawang bakla.

"At least nasa mansiyon kana nakatira este nagta trabaho pala! Sosyal parin iyon noh, dahil nakatira ka sa mansiyon ng amo mong napaka gwapo" parang kinikilig na wika ni Ester.

"Oo nga Jenny, super gwapo ng amo mo! Kung ako lang ang katulong niya ay aalagaan ko siyang mabuti at ipag he hele ko pa siya bago matulog" pabuntong hininga ni Mandy na para bang ini imagine nito ang kanyang nasa isipan.

"Hoy mga bruha! Gwapo nga siya pero saksakan naman ng yabang at suplado!" nakapamewang na sabi ni Jenny ngunit aminado siya sa sarili na gwapong gwapo talaga si Vhal ng gabing iyon sa suot nitong white long sleeve na pinatungan niya ng black coat......"Kung hindi lang suplado ang lalaking iyon ay baka inakit ko na but daig pa nito ang dragon kung magalit. But, syempre si Jenny yata ito at hindi patatalo sa isang katulad ni Vhal kahit na dragon pa siya" pangisi ngising wika nito sa sarili.

"Oh bakit ngumingisi ngisi ka diyan huh?" untag ni Mandy kay Jenny ng makita ang reaksiyon ng kaibigan.

"Huh! Ah eh, wala! Naalala ko lang ang ginawa kong pagtakas kanina at pagdating ko pala dito ay naririto ang amo kong dragon" pagsisinungaling ni Jenny at doon na sumagi sa isip niya ang ibinulong kanina ni Vhal saka hinagkan ang pisngi nito.

Sa isiping iyon ay biglang nahaplos ni Jenny ang kanyang pisngi na hinagkan ni Vhal. Dahil kahit dampi lang ng labi ng binata ang dumapo sa kanyang pisngi ay parang may kung anong kaba ang biglang kumabog sa kanyang dibdib. First time kasi niyang may humalik na lalaki sa kanya na kahit sa pisngi lang ito nahagkan.

"Masarap siguro na humalik ang hinayupak kong amo? Kasi ramdam ko ang  lambot ng kanyang labi ng lumanding sa aking pisngi eh!" sigaw ng isip ni Jenny at ng mapatingin sa kinauupuan kanina ng mga judges ay wala na roon si Vhal kaya noon niya naisip ang sinabi ni Vhal na agad don itong umuwi.

Magpapaalam na sana si Jenny sa mga kaibigan ng biglang dumagsa ang mga tao at mga opisyales ng barangay upang magbigay pugay at makipagsaya kay Jenny sa kanyang pagkapanalo.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon