Chapter 11

5.5K 165 17
                                    

Mr. Romantiko
By...emzalbino
Chapter 11..

Gulat na gulat si Jenny sa ibinalitang iyon ni Mandy dahil ang pagkakaalam niya ay walang magaganap na swim wear compition. Oo nga at may paga estariray siyang babae ngunit hindi naman niya kayang iladlad sa karamihan ang kanyang katawan at wala nakakasilay sa kanyang alindog kundi ang hambog niyang amo.

"Naka libre ang lalaking iyon ah! Naka two points na siya sa akin!" ani Jenny sa isip nito ng biglang.

"Hoy best! Ano na ang gagawin mo? Kailangang maaga tayong pumunta sa venue sa linggo para maayusan kita ng todo o kaya ay  sa bahay nalang ninyo?" untag ni Mandy kay Jenny na bahagyang natahimik sa kabilang linya.

"Best hindi ba pwedeng hindi ko nalang itutuloy ang pagsali?" maya maya ay sabi ni Jenny dahil hindi talaga niya kayang maghubo sa maraming tao.

"Anooo!!." histerikal na bulalas ni Mandy.

"Best, hindi ko kaya ang mag two piece sa harap ng maraming tao!" giit na sagot ni Jenny.

"Best, hindi maaari dahil nailista na ang pangalan mo! Kung noon ka pa sana umatras ay okay pa but now ay hindi na pu pwede dahil ilang araw nalang at compitition na! At isa pa ay may K ka namang mag suot ng two piece ah! Kahit nga T BACK lang ang suotin mo ay siguradong panalo ka dahil sa flawless kana ay makinis pa ang legs mo hindi gaya ng mga kalaban mo na trying hard maging beauty queen!" pagpapalubag loob na wika ni Mandy ngunit sa totoo lang ay tama naman ang sinasabi nito.

"Eh best anong gagawin ko!?" naguguluhang tanong ni Jenny sabay patay ng switch ng saksakan ng plantsa dahil baka masunog pa ang t shirt ng kanyang amo.

"Eh di attend kana lang para walang gulo! Kasi pag hindi ka pumunta ay pagtatawanan ka ng mga kalaban mo!" mataray na sagot ni Mandy.

"Papaano ako pupunta eh may trabaho ako at kapapasok ko palang dito baka masisante ako ng wala sa oras!" alibay ni Jenny upang hindi nalang siya maka attend ng pageant dahil parang nagbago ang isip niya ng malamang mag to two piece siya.

"Wag mo naman kaming ilagay sa alanganin Jenny! Nakiusap pa kaya kami sa isa naming kakilala doon para lang makasali ka tapos ngayon ay biglang bigla kana lang na uurong dahil lang sa nalaman mong mag to two piece ka!" nagdaramdam na sabi ni Mandy na ang boses nito ay may halong tampo at pagkadismaya.

"Best naman! Wag mo naman akong konsensiyahin!" nakakunot ang noong turan ni Jenny.

"Hindi kita kinu konsensiya kundi sinasabi ko lang ang panig namin ni Ester! Sana kung sinabi mo na hindi ka intresado ay hindi na namin ginawan ng paraan na makasali ka sa pageant na iyan" nag da dramang saad ni Mandy.

"Nahihiya kasi talaga ako eh!" giit na wika ni Jenny.

"Sa umpisa ay talagang maiilang ka but after that ay mawawala na ang pagkailang mo at magiging proud ka pa sa sarili mo dahil naipakita mo ang tinatago mong talento! Alalahanin ko Best, iilan lang ang mga taong biniyayaan ng magandang alindog kaya kung ako ikaw ay ipangalandakan ko ito at maging proud ako sa sarili ko" sulsol ni Mandy para lang mapapayag niya ang kaibigan.

"Best naman eh!" himutok ni Jenny ngunit naisip din niya ang sitwasyon ng kanyang mga kaibigan at ang mga sakripisyo nila para sa kanya.

"Eh! Eh ka diyan!...Gora ka rito sa Sabado ng gabi para maturuan ka namin ng tamang lakad mo para naman masungkit mo ang titulo!" saad ni Mandy na ikinagulat ni Jenny.

"Best, hindi pwede sa Sabado ng gabi!" tutol na sagot ni Jenny.

"Oh siya sige! Alas kwatro ng hapon sa linggo para magkaroon pa tayo ng pagkakataon na makahanda at ng hindi ka mataranta sa pageant" wika ni Mandy.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon