Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 18...Dahil sa matinding poot na nadarama ni Vhal ay bigla na lang siyang tumalikod at nilisan ang pinto ng bahay kung saan ay hinihintay niya ang kanyang mga bisita. Walang lingon likod siyang dumiretso ng hagdan at tumuloy sa kanyang kwarto na hindi malaman ang gagawin, lakad doon at lakad dito ang kanyang ginawa na halos malibot na niya ang loob ng kanyang kwarto.
"Usapan namin ni Jenny na kaibigan lang niya ang pupunta rito bakit may kasama silang lalaki!"....salubong ang mga kilay na turan ni Vhal....."I really hate that guy!".. sabi pa nito at pinagsusuntok nito ang kanyang kama upang doon ilabas ang galit sa kanyang dibdib.
Nang mapagod sa pagsuntok nito sa kanyang kama ay dumungaw siya sa bintana kung saan ay tanaw niya ang kanyang mga panauhin na noon ay papasok na sa kanyang mansiyon...." I don't want to see him here!" muling turan ni Vhal saka naupo sa kanyang kama na waring nag iisip.
......
Samantala...
Nagtaka si Jenny dahil ng lingunin na niya sa may pinto ng bahay kung saan nakatayo si Vhal ay wala na ito dahil nais sana niyang ipakilala si Vhal ng personal sa kanyang mga kaibigan o kaya ay panauhin.
Sinilip niya ito sa kabahayan ngunit wala roon ang binata........"Nasaan na kaya siya? Andito lang siya kanina eh?" tanong ni Jenny sa sarili habang hawak hawak nito ang bulaklak na bigay ni Vincent. At dahil hindi niya makita si Vhal ay kusa na niyang pinapasok ang mga bisita at pinaupo ang mga ito sa sofa sa may sala.
"Best, ang laki pala ng bahay ng amo mo!" namamanghang sabi ni Ester.
"Pati ang mga gamit ay puro mga imported na halos lahat ay galing pa sa ibang bansa!" segunda naman ni Mandy.
"Kaya pala lagi kang busy dahil sa laki ng bahay ng amo mo" wika naman ni Vincent na naupo sa tabi ni Jenny.
"Oo at tatlo lang kami rito kasi iyong guard ay umuuwi naman sa bahay nila kapag dumating na iyong ka relyebo nito sa pagbabantay sa bahay" sagot naman ni Jenny.
"Hindi ba nakakapagod ang maglinis ng ganitong kalaking bahay huh Best?!" nagtatakang tanong ni Ester.
"Madali lang din naman kasi nasa ayos naman ang lahat ng mga gamit at walang mga bata na nagkakalat kaya hindi naman masyadong nakakapagod" paliwanag ni Jenny.
"Tama ka nga best!" sang ayon na wika ni Mandy.
"Nasaan na nga pala iyong amo mo Jenny, gusto naman sana naming pasalamatan dahil sa pagbibigay niya ng pagkakataon na makadalaw sa iyo?" palingon lingon na sabi ni Ester at maging ang dalawa nitong kasama ay lumingon din ngunit wala naman silang nakita.
"Hindi ko nga mahanap kung nasaan na nga siya! Baka nasa taas at may ginagawa pero kanina ay nakita ko siyang naghihintay sa inyo sa may pinto" paliwanag ni Jenny.
"Oo, parang nakita ko rin ngunit ng muli kong tingnan ay wala na siya roon!" tumatangong sabi naman ni Mandy.
"Gusto ko rin siyang makilala para naman makausap ko siya ng personal" seryosong sabi ni Vincent dahil sa totoo lang ng nalaman niya na pupunta sina Mandy at Ester sa bahay ng amo ni Jenny ay nagpumilit siya na sumama para madalaw niya ang dalaga.
"Baka busy ang amo ko kasi kahapon ay gabi na ng umuwi dahil marami daw siyang inasikaso sa opisina niya" paliwanag muli ni Jenny.
"Ah ganoon ba! Sige hintayin nalang namin na matapos siya sa kanyang ginagawa" ani Vincent saka ngumiti kay Jenny.
"Maiwan ko muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain!" paalam ni Jenny sa tatlo at tumango naman ang mga ito.
Habang inihahanda ni Jenny ang mga meryenda ng kanyang bisita ay abala naman ang kanyang isip sa pag ngilay ngilay kung ano kaya ang nangyari bakit bigla nalang nawala si Vhal......"Ano kaya ang ginagawa niya eh samantalang sabi niya kanina na maghihintay siya sa may pinto at nakita ko naman siya na nakatayo kanina doon bakit bigla nalang siyang nawala?" nakakunot ang noong tanong ni Jenny sa sarili.