Mr. Romantiko
By...emzalbinoMatapos makuha ni Jenny ang kanyang cell phone ay deritso na siyang nagtungo sa kwarto na kinaroroonan ng kanyang mga gamit. Muli niyang inayos pabalik sa kanyang maleta ang gamit nito dahil uuwi na rin siya agad sa kanilang bahay.
"Huh, akala niya ay masisindak niya ako? No way! Hindi ang ganong tipo ni Vhal na iyon ang titinag sa akin at lalong hindi ako magpapatalo sa kanya!" nakaismid na turan ni Jenny sa sarili habang patuloy sa pag eempaki ng gamit nito pabalik ng kanilang bahay.
....
Hindi makapaniwala si Vhal na sa isang kagaya ni Jenny siya mapapahiya. Gustong gusto na niyang sigawan ito kanina ngunit naunahan siya ng hiya at pagkagulat dahil nga sa mga sinabi ng bago nitong katulong.
"Makakaganti rin ako sa iyo ba babae ka!" bulong ni Vhal sa sarili saka nagmamadali nitong iniwan ang kusina kahit na gutom na gutom na siya.
Agad niyang hinanap si Nanay Elsa at ng makita nito ang yaya na abala sa paglilinis ng kanyang kwarto ay pinatigil niya ito.
"Nanay Elsa, itigil po ninyo iyang ginagawa ninyo at pakitawag nalang po si Jenny at papuntahin ninyo siya rito sa kwarto ko para makausap ko" ani Vhal saka hinarap na muli ang kanyang computer.
"Ah, eh! Diba pinapaalis mo na siya?" kakamot kamot ang ulong sagot ni Nanay Elsa.
"Nope! She will work her, diba Nanay?" balik tanong nito sa kanyang yaya.
"Ah, sige tatawagin ko na!" nagmamadaling nagpaalam ang matanda na may ngiti sa kanyang labi dahil hindi na mapapaalis ang kanyang pamangkin.
"Hmm, you will take my revenge Jenny" sa isip isip ni Vhal saka inabala ang sarili sa harap ng aparato habang hinihintay nito ang dalaga.
.....
Hindi na kinatok ni Nanay Elsa ang kwarto ni Jenny at basta nalang siyang pumasok at nakita niya ang kanyang pamangkin na abala ito sa paglalagay muli ng mga gamit nito sa maleta.
"Jenny iha, itigil mo na iyan dahil hindi ka naman pala pinapaalis ni Vhal. At ang sabi niya ay pumunta ka raw sa kanyang kwarto at may sasabihin siyang mahalagang bagay sa iyo" imporma ni Nanay Elsa kay Jenny.
"Nagbago ang isip niya?" ani Jenny saka napangiti ito ng pilya.
"Ikaw naman kasi iha, kararating mo lang eh sinunggaban mo na agad ang amo mo" wika ni Nanay Elsa.
"Tita Elsa, mas maganda na po iyong prangkahan kesa sa talikuran. Mas gusto ko iyong sinasabi ko ang tunay na nararamdaman ko kesa sa kinikimkim ko ito at mamaya niya'n ay magkasakit pa ako sa puso. Eh kung matigok akong bigla dahil sa pagkakasakit ko sa puso? Baka tawanan lang ako ng lalaking iyon!" pa pilosopong sagot ni Jenny kaya naman iiling iling nalang ang tiyahin nito.
"Nangatwiran ka pa talaga! Oh siya sige at puntahan mo nalang doon kanyang kwarto at hinihintay kana niya! Aalis muna ako sandali dahil may nakalimutan akong bilhin kahapon" saad ni Nanay Elsa saka iniwan na niya ang pamangkin.
"Hmp manigas ka! Kung sino ang may kailangan siya ang lalapit!" bulong ni Jenny ng tuluyan ng makaalis ang kanyang tiyahin.
....
Sa kwarto ni Vhal ay mahigit kalahating oras na siyang naghihintay kay Jenny ngunit hindi parin ito pumupunta sa kanyang kwarto. Muli niyang pinalipas ang kulang kulang na kalahating oras ngunit hindi talaga ito pumunta sa kanyang kwarto.
"Talaga namang sinusubukan ako ng babaeng ito ah!" napipikong turan ni Vhal saka pinatay ang computer at tumayo......"Makikita mo Jenny kung sino si Vhal!".