Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 19...
Nagtataka man si Jenny kung sinong Mr. Anonymous ang nagpadala ng mga bulaklak sa kanya ay hindi maipinta ang kasiyahan sa kanyang mukha dahil nagustuhan niya ang mga bulaklak. Pagpasok niya sa bahay ay andun sa sala sina Nanay Elsa at Vhal na napatingin sa kanya.
"Andaming bulaklak naman niya'n! Saan ba galing ang mga bulaklak na iyan at oarang pinakyaw na yata ang lahat ng mga bulaklak sa flowershop!" ani Nanay Elsa.
"Eh hindi ko nga po alam kung kanino galing tiyang! Basta ang nakalagay na pangalan niya ay Mr. Anonymous" sagot ni Jenny saka kinuha nito ang card at ipinakita kay Nanay Elsa.
"Mr. Anonymous! Bago mong manliligaw?" singit na tanong naman ni Vhal na nakatingin kay Jenny at sa hawak nitong bulaklak.
"Hindi naman niya sinabing manliligaw siya sa card kundi binati lang ako ng good morning" muling sagot ni Jenny.
"Ang lalaki kung nagbigay ng bulaklak it means na may balak siya saiyo! Hindi iyan mag aaksaya ng panahon para sa isang babae kung wala siyang interes o gusto sa iyo. Gaya niya'n, tanga lang iyong lalaking nagbigay ng mga iyan kung pakikipag kaibigan lang ang nais niyang ipaabot sa iyo. I'm sure that he likes you because he won't spent much time para lang padalhan ka ng mga bulaklak sa madaling araw!" paliwanag ni Vhal kay Jenny.
"Eh, hindi ko naman siya kilala kaya papaano ko siya pasasalamatan?" tanong ni Jenny.
"Anonymous means, mysterious guy! Siguro ay ayaw niyang magpakilala dahil may balak siya saiyo, o kaya ay may mga surprise moves siyang gagawin bago siya magpakilala" pahayag ni Vhal.
"Oo nga naman Jenny!" sang ayon na wika ni Nanay Elsa....."Bakit hindi mo nalang hintayin na magpakilala ang lalaking iyan na nagbigay ng mga napakaraming bulaklak" wika pa ni Nanay Elsa.
"Eh di may karibal na si Vincent sa panliligaw niya saiyo? Wow! Good luck sa kanila" nakangiting turan ni Vhal ngunit si Jenny ay parang nawala ang ngiti nito sa kanyang mga labi....."Nay, sino ang bet mo sa mga manliligaw ni Jenny? Iyong si Vincent o iying bago na si Mr. Anonymous?" baling ni Vhal sa kanyang yaya.
"Hmm para sa akin kahit na hindi ako nakapag asawa ay mas kinilig ako kay Mr. Anonymous dahil pinakyaw na niyang lahat ang mga bulaklak sa flowershop para lang maipadala kay Jenny" masayang sagot ni Nanay Elsa.
"Nay Elsa, kilatisin niyong mabuti ang mga manliligaw ni Jenny para alam niyo kung sino ang karapat dapat na maging nobyo niya o kaya ay malamang na makatuluyan niya para hindi siya magsisisi sa bandang huli" ani Vhal na tumingin sa gawi ni Jenny.
"Oo nga iho, tama nga ang sinabi mo! Pero sa mga manliligaw ngayon ni Jenny sino naman ang bet mo?" maya maya ay tanong naman ni Nanay Elsa kay Vhal.
"Hindi ko po masasabi kong sino ang bet ko sa dalawa dahil hindi ko pa sila gaanong kilala at lalo na iyong bago na si Mr. Anonymous na iyan! His very mysterious at maraming pakulo" kibit balikat na sagot ni Vhal.
"Pero gusto ko ang mga bulaklak na pinadala niya, very fresh and so lovely!" parang teenager na kinikilig si Nanay Elsa.
"Nanay Elsa, wag mo pong sabihin na ngayon ka lang kinilig dahil sa mga bulaklak ni Mr. Anonymous ni Jenny?" natatawang sabi ni Vhal sa kanyang yaya ngunit si Jenny ay nananatiling walang imik at palipat lipat ang tingin nito sa dalawa.
"Kahit na medyo may pagka misteryoso si Mr. Anonymous at least gumagawa siya ng paraan para maiparating ang kanyang gusto!" hindi na nakatiis na sabi ni Jenny na pasimpleng tumingin sa gawi ni Vhal at deritsong nagmartsa paakayat ng kanyang kwarto at iniwan ang dalawa na nagkatinginan pa........"Kung makapagsalita ay parang perpekto, samantalang nakailang halik na ay hindi man lang makapagsalita! Puro nalang JEN, PLEASE KISS ME BACK ang lumalabas sa kanyang bibig sa tuwing hinahalikan niya ako!" nag aalburutong bulong ni Jenny saka dahan dahan niyang ipinatong sa may glass table ang mga bulaklak.
