Mr. Romantiko
By...emzalbino
Gigil na gigil man ay itinikom nalang ni Vhal ang bibig nito dahil gutom na gutom na siya at panay reklamo na ang kanyang tiyan. Parang nawalang bigla ang pagka inis niya kay Jenny ng muli niyang malasap ang niluto nitong pork sinigang na paboritong paborito niya.
"Pasaway nga siya but she can cook very well!" puri nito sa kanyang isip at nilantakan niya ang pagkain at naubos niya ang pagkaing inihanda ni Jenny sa may mesa at humirit pa siya dahil parang kulang iyon.
Pagkakain niya ay agad na siyang tumayo at uminom ng tubig saka nagmamadaling nagtungo ng kanyang kwarto upang tingnan ang kanyang ginagawa sa kanyang laptop at maya maya pa ay may natanggap siyang messages mula sa secretary kaya nagmamadali siyang nagbihis upang pumunta ng opisina.
Nang makapag bihis ay nagmamadaling nilisan ni Vhal ang kanyang kwarto at ni hindi niya naalalang kunin ang cell phone sa ibabaw ng kanyang glass table. At ng makababa ay deritso ng garahe, sumakay sa kanyang kotse at saka pinasibad ito.
Saktong nasa may sala na si Jenny ng makita niyang umalis na si Vhal at dahil nagutom ay ipinasya na muna niyang kumain at hindi na niya hihintayin pa si nanay Elsa dahil may pinuntahan ito kaya kakain nalang siya. Pakanta kanta pa siya habang naglalakad papunta ng kusina ngunit ng pagpasok niya doon ay napakamot siya ng ulo dahil sa kanyang nakita.
"Langyang lalaki na iyon! Ilang pirasong plato na nga lang eh hindi pa nagawang ilagay sa may lababo!" inis na wika ni Jenny sa sarili at saka pinagliligpit na niya ang mga pinggang pinagkainan ni Vhal.
Matapos niyang mailagay lahat sa lababo ang mga pinggan ay kumuha naman siya ng pinggan niya upang makakain narin at ng maumpisahan na niyang maglinis dahil balak niyang linisan muna ang kwarto ni Vhal habang wala pa ito. Sinandukan niya ng kanin ang kanyang pinggan, kumuha siya ng maliit na mangkok para sa kanyang ulam. Napasinghap siya ng mabuksan niya ang takip ng kaserola at nalanghap niya ang amoy ng niluto niyang pork sinigang......." Amoy palang sarap na talaga!" nakangiting turan ni Jenny saka kinuha ang sandok at sumandok ng ulam.
Nagtaka ang dalaga dahil kanina pa niya pinapaikot ikot ang sandok sa loob ng kaserola ngunit parang naging ampaw na ang laman nito. Dinungaw niya ang loob ng kaserola at napatanga siya ng makitang iilang gulay nalang at ilang hiwa ng karne ang naroroon, samantalang isang kilong baboy ang niluto niya.
"Grabe namang makakain ang damulag na iyon!" hindi makapaniwalang turan ni Jenny saka walang nagawa kundi hatiin nalang ang naiwang ulam para sa kanila ni Nanay Elsa at ang sabaw nalang ang dinamihan niya at hinigop higop ito dahil sa totoo lang ay gutom narin siya.
Matapos siyang kumain at malinisan ang kusina ay saka siya nagtungo sa kwrto ni Vhal upang linisin......"Hmm, masinop naman pala ang kwarto ni Damulag?" ani Jenny sa sarili sabay tingin sa paligid ng kwarto.
Dahil sa masinop naman ito ay pinunasan nakang niya ang mga ibabaw ng cabinet at drawers ni Vhal at ng matapos ay saka niya kinuha ang panlinis sa banyo nito.
Kinukos niyang mabuti ang bath tub ng binata, ang sahig ng bathroom at hinuli niya ang shower area. Todo ang ginawa niyang paglilinis sa tiles ng shower area at dahil may mga mantsa ng mga shower gel ang paligid ay kinuskos niya pa itong maigi para maalis ang mga mantsang iyon ngunit....
"Aaahhhhh!!!" umalingawngaw ang matining na boses ni Jenny ng aksidenteng nasagi niya ang gripo para sa shower na nasa tapat ng kanyang ulo at dahil sa hindi niya alam kung papaano ito papatayin ay bumuhos sa kanya ang mga tubig na sanhi ng kanyang pagkabasa......."Ang lamiiiggg!" muling sigaw ni Jenny na parang nanginginig ito dahil hindi naka on ang water heater dahil pagkatapos maligo ni Vhal ay pinapatay din niya ito para makatipid sa kuryente.
