Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 21...."Hindi ka ba nagsisinungaling? Ikaw nga ba talaga si Mr. Anonymous o ginu good time mo lang ako?" sumisinghot na tanong ni Jenny sa kanyang kaharap.
"Ako nga si Mr. Anonymous! I'm not kidding , I'm serous" anang lalaking nagpanggap bilang Mr. Anonymous.
"Bakit kailangan mo pang magtago sa alyas na iyon? Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin hindi iyong ginawa mo akong manghuhula?" mag tampo ang boses ni Jenny habang patuloy sa pagluha.
"Hindi ko na sinabi saiyo na gusto kita or better to say mahal kita dahil akala ko ay nararamdaman mo na sa mga halik ko. Akala ko sa bawat tugon mo ng halik ko ay nararamdaman mo ang sigaw ng aking puso kaya mas minabuti kong ipadama kesa sabihin dahil iyon ang alam kong paraan kung papaano ko ipadarama saiyo ang tapat kong pagmamahal" madamdaming pahayag nito.
"V-Vhal!" bulalas ni Jenny saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata at maya maya ay yumakap ng mahigpit at ganoon din si Vhal......"Mahal din kita Vhal" hindi na inisip pa ni Jenny ang magpakipot ng mga sandaling iyon dahil sa totoo lang ay miss na miss na niya ang mga yakap at halik ni Vhal.
"I love you more Jen, my lady" madamdaming wika ni Vhal at muling niyakap ng mahigpit si Jenny na para bang ayaw na nitong pakawalan pa. Iniangat niya ang mukha ni Jenny saka bumaba ang mukha niya upang hagkan si Jenny. Nang malapit ng maglapat ang kanilang mga labi ay biglang tumigil si Vhal at ngumiti ng pilyo sabay kindat nito kay Jenny.
"Bakit hindi mo itinuloy?" tanong ni Jenny sa ngingiti ngiting si Vhal.
"Do you remember your promise my lady?" nanunudyong sagot ni Vhal.
"Anong promise?" takang balik tanong ni Jenny dahil wala naman siyang natatandaan na promise niya kay Vhal.
"You promised na kung makikita mo si Mr. Anonymous ay hahalikan mo ng todong todo, kaya maniningil na ako ng pautang dahil baka makalimutan mong magbayad" kaytamis ng ngiting nakapaskil sa labi ni Vhal.
"Sabi ko lang iyon noh!" natatawang sagot ni Jenny saka tumalikod ito ngunit hinalit siya ni Vhal paharap sa kanya.
"Kung hindi mo gagawin iyon ay sa iba ako magpapa halik!"
"Aba't nananakot ka pa!" nakataas ang kilay na sabi ni Jenny....."Sino naman ang mang hahalik sa iyo, abeerrr!"
"Eh kahit sinong babae diyan basta ba willing na halikan ako" sagot ni Vhal at kunwari ay lalabas kuno ng VIP room.
"Sige na hahalik na!" nakaingos na wika ni Jenny.
"Wag na parang napipilitan ka lang naman eh!" kunwari'y nagtatampo si Vhal.
"Andaming mo pang echos eh gustong gusto mo naman!" nakataas ang kilay na turan ni Jenny at walang sabi sabi nitong inangkin ang labi ni Vhal.
Pagkalapat ni Jenny sa kanyang labi sa labi ni Vhal ay agad na sinunggaban ito ng binata. Parang sabik na tinugon ni Vhal ang damping halik na iyon ni Jenny. Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga habang ang halik nito ay mas naging mapusok at bawat pagkibot ng labi niya ay sinasabayan naman ni Jenny.
"I love you so much,Jen!" bulong ni Vhal sa punong tainga ni Jenny at marahan niyang hinagkan doon......" Alam mo bang halos mamatay na ako sa selos ng panay ang diskarte sa iyo ni Vincent. Gustong gusto ko na ngang umbagin ang lalaking iyon ngunit naisip ko naman na hindi makakabuti iyon sa akin lalo na saiyo kaya minabuti kong mag umiwas muna" saad ni Vhal.
"Eh mahal din naman kita ah, kaya lang ang gusto lang sana ay manligaw ka o kaya ay sabihin ko sa akin ang nararamdaman mo hindi iyong puro kana lang halik at yakap"