Chapter 9

5.9K 198 13
                                        

Mr.Romantiko
By...emzalbino
Chapter 9...

Tahimik ang dalawa at nagpapakiramdaman lang kung sino ang unang magsasalita ngunut hindi nakatiis si Vhal kaya siya na ang bumasag ng katahimikan.

"Jen,Do you feel better now?" hindi napigilang tanong ni Vhal dahil gusto na rin niyang umuwi ng bahay.

"O-oo!" tanging sagot ni Jenny sabay tango ng ulo.

"Okay good! Let's go home now para makapagpahinga ka ng maayos sa bahay" muling turan nito na napatango nalang si Jenny dahil ang nasa isip parin nito ay ang pag aakalang si Vhal ang nagpalit ng kanyang damit at sigurado niyang nakita na niya ang pinakakatago tagong kariktan......."Nakakahiya talaga!" sigaw ng isip ni Jenny saka napailing ng sunod sunod. 

"May problema ka ba?" maya maya ay tanong ni Vhal ng mapansin nito ang pag iling ng dalaga ng sunod sunod.

"Ah, eh wala!" medyo tarantang sagot ni Jenny saka tuluyan na itong nanahimik at ng lumabas na ng kwarto si Vhal upang bayaran ang bill nila sa ospital ay tahimik nalang si Jenny na nakasunod sa binata dahil sa totoo lang ay tinablan din siya ng hiya dahil ang amo pa niya ang mismong nagbayad ng nagastos nito sa ospital.

Nakauwi ng bahay ang dalawa na walang kibuan sa daan. Aakyat na sana ng hagdan si Jenny upang pumunta ng kanyang kwarto ng makasalubong niya si Nanay Elsa.

"Oh Jenny Iha, kumusta na ang pakiramdam mo? Nanghihina ka pa ba? Tara sa kusina ng makakain kana ng hapunan dahil kaunti lang daw ang nakain mo kanina!" ani Nany Elsa kay Jenny.

"Okay na po ako tiyang Elsa at hindi po ako nagugutom" matamlay na sagot ni Jenny.

"Eh baka mas lalong lumala ang sakit mo niya'n kung hindi ka kakain ng husto!" muling turan ng matandang tiyahin ni Jenny.

"Tiyang okay lang po ako kaya wag po kayong mag alala!" paninigurado ni Jenny sa kanyang tiyahin.

"Nope! You have to eat para manumbalik ang lakas mo!" maawtoridad na wika ni Vhal na noon ay palapit sa kinaroroonan ng mag tiyahin.

"Wa-wala akong gana" sagot ni Jenny kay Vhal.

"Kahit na wala kang gana ay kakain ka parin! At wag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo dahil ako ang malalagot sa mga magulang mo dahil nasa poder kita kaya kargo de konsensiya kita!" giit ni Vhal kay Jenny. Sa totoo lang ay hindi naman niya planong sabihin ang mga salitang iyon ngunit wala siyang choice dahil sa sobrang katigasan ng ulo ni Jenny kaya kailangan niyang maging bato para mapasunod niya ito.

Walang nagawa si Jenny  sa sinabing iyon ni Vhal. Totoo nga namang kargo de konsensiya siya nito sa kanyang mga magulang at isa pa ay kung sakaling lumala ang kanyang sakit ay si Vhal na naman ang gagastos sa kanyang medication at baka pagnagkataon ay ibabawas nito sa kanyang sahod......"Ayoko ngang mabawasan ang sahod ko dahil bibili pa ako ng sapatos ko para sa beauty pageant na sasalihan ko" aniya sa sarili at deritsong tinungo ang kusina na walang kaimik imik at nagkatinginan nalang sina Vhal at Nanay Elsa sabay ngiti ng matanda ngunit si Vhal ay lihim na nagdiwang ang kanyang kalooban ng sumunod sa kanyang utos ang tigasin nitong katulong.

"Ganyan naman pala ang paraan upang mapasunod kita!" nangingiting wika ni Vhal sa sarili saka nagmartsa papunta ng kusina upang kumain din ng hapunan dahil kanina pa nag aalburuto ang kanyang tiyan.

Kahit na walang ganang kumain si Jenny ay napilitan narin para wala ng masabi ang kanyang mga kasama sa bahay. Kaunting kanin lang ang nilagay niya sa kanyang plato saka isinalang muli ang tinolang manok sa may kalan upang mainit muli ito. Habang pinapainit niya ang ulam ay may narinig siyang yabag na papalapit kaya napalingon siya sa kanyang likuran sa may bandang pintuan at nakita niyang papasok ng kusina si Vhal.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon