Mr. Romantiko
by,..emzalbino
Chapter 12....Hindi na mapalagay sina Ester at Mandy dahil wala pa si Jenny. Patingin tingin ang mga ito sa oras dahil ni hindi naman nag re reply si Jenny sa kanilang mga tawag at text messages.
"Tawagan mo na kaya!" alalang turan ni Ester kay Mandy.
"Eh kanina ko pa tinatawagan ang bruhang iyon ngunit hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko!" nag aalalang sagot ni Mandy.
"Ako na nga ang tatawag!" kakamot kamot ang ulong sabi ni Ester kaya muli niya g idinayal ang kanyang cell phone.
Nakalimang ring ang cell phone ni Jenny bago niya ito sinagot ang tawag ni Ester. Parang nakahinga ng maluwag ang baklang kaibigan ni Jenny ng malamang sinagot nito ang kanyang pagtawag sa dalaga.
"Hello Jenny, nasaan ka ba huh?!" alalang sabi nito na may pagka irita ang kanyang boses dahil sa sobrang tensyon.
"On the way na ako! Pasensiya na kayo dahil busy ako kanina at kailangan ko pang tumakas sa bahay ng amo ko at buti nalang dahil wala si Tiyang Elsa at may pinuntahan ang amo ko kaya nakatakas ako" paliwanag ni Jenny sa kaibigan.
"Ganuon ba?... Sige dito kana lang dumiretso sa parlor shop ni Mandy dahil nandirito kami at naghihintay saiyo! Paki bilisan mo lang dahil i me make iver ka pa namin at marami ka pang dapat ensayuhin!" nagmamadaling sabi ni Ester.
"O sige! Pero wag kayong mag alala dahil nakapag ensayo na ako sa paglalakad at mga posing ko para mamaya" sagot ni Jenny.
"Okay good! But, kailangan mo paring ensayuhin kung papaano ang paglakad mo habang naglalakad ka sa entablado at marami din kaming sasabihin saiyo" saad naman ni Ester.
"Oh sige papunta na ako diyan!" tanging sabi nalang ni Jenny upang tumigil na sa kada dakdak ang kanyang kaibigan.
Halos mahigit kalahating oras pa ang tinakbo ng taxing sinakyan ni Jenny bago nito narating ang parlor shop ni Mandy. Pagka baba palang nito ng taxi ay nag aabang na ang dalawa nitong kaibigan sa may labas ng shop.
Minadali niya ang paglalakad at ng makalapit sa mga ito ay kita niya sa mga mata at mukha ng mga kaibigan ang sobrang pag aalala......"Pasensiya na kung hindi ako nakalabas ng maaga kasi andami ko pang tinapis na trabaho at buti nalang na umalis ng bahay ang amo ko dahil kung hindi siya umalis ay baka hindi ako makakatakas" hingal na pahayag ni Jenny.
"Bakit, hindi mo ba sinabi sa amo mo na sasali ka sa isang beauty contest?" tanong ni Mandy ng papasok na sila sa parlor shop nito.
"Hindi!" sagot ni Jenny sabay iling nito ng ulo.
"What!" sabay na bulalas ng dalawang bakla.
"Eh papaano kung biglang umuwi ng bahay ang iyong amo at hanapin ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Ester.
"Ang akala nila ay natutulog ako sa aking kwarto dahil inilagay ko ang booster na unan ko sa gitna ng kama at saka tinakluban ng kumot para isin nilang mahimbing akong natutulog" ani Jenny.
"Wala na akong sinabi pa!" iiling iling na saad ni Mandy kay Jenny....."Siya sige maupo kana at ng maayos ko na ang beauty mo! Kailangan ko pang bawasan ng kaunti ang kilay mo dahil medyo makapal at i ke curl naman ni Ester ang buhok mo para madali ang pag aayos mo" wika ni Mandy saka inumpisahan nito ang pag aahit ng kilay ni Jenny at gayundin si Ester.
Maya maya ay may naalala si Ester habang inaayos nito ang buhok ni Jenny....."Ay Jen! Alam mo ba na usap usapan na may gwapo daw na judge at take note na binata pa daw ito!" parang kinikilig na balita ni Ester kay Jenny.
