Mr. Romantiko
By...emazalbino
Chapter 3...
"Eh tiyang bakit nga po kayo naparito?" Muling tanong ni Jenny na pasalampak itong naupo sa kawayang sopa.
"Kasi nagpapahanap iyong alaga kong si Vhal ng magiging katulong sa mansiyon dahil wala akong kasa kasamang gagawa ng mga gawain doon dahil umalis naman ang bagong aplay lang na katulong na mahigit isang linggo lamang sa trabaho" sagot ni nanay Elsa.
"Eh bakit hindi po sila nakakatiis?" tanong na naman ni Jenny.
"Kasi may pagka estrikto si Vhal pero kahit na ganoon siya eh mabait naman iyon. Sadyang may pagka metikuluso lang siya at ayaw na ayaw niya ng makupad na katulong na mas inuuna pa ang pakikipag tsismisan sa telepono kesa tapusin ang mga gawain sa bahay" paliwanag ni nanay Elsa.
"Hmm ganoon ba tiyang?" nakalabing sagot ni Jenny.
"Ganoon nga iha at kaya nga ako pumunta rito dahil ikaw sana ang kukunin kong kasama ko sa bahay dahil kahit papaano ay alam ko na ang ugali mo pwede kong sabihin saiyo ang mga dapat mong gawin sa bahay at saka magkasama naman tayo kaya hindi ka mahihirapan doon dahil malinis naman ang bahay dahil walang nagkakalat na mga bata" pahayag pa ni nanay Elsa.
"Baka naman sobrang sungit ng alaga mo Elsa at mahirapan lang doon si Jenny?" alalang turan ni Aling Juanita sa kapatid.
"Ate akong bahala kay Jenny, kilala ko na si Vhal mula pa pagkabata niya. Masungit man minsan ngunit malambot din naman ang puso niya" pagtatanggol ni nanay Elsa sa alaga nito.
"Eh magkano po ba ang sahod kada buwan?" entresadong tanong ni Jenny.
"Limang libo ang magiging sahod mo kada buwan at pwede pang tataas iyon kung magugustuhan ni Vhal ang trabaho mo" saad ni nanay Elsa.
"Wow ang laki naman pala!" bulalas ni Jenny....."Eh tiyang ano po ba ang mga magiging trabaho ko doon?" entresado na tanong ni Jenny.
"Tulung- tulungan mo lang akong maglinis ng bahay, maglaba, magpalit ng mga kobre kama at ang ipaghanda ng pagkain ni Vhal at plantsahin narin ang mga kunting damit nito" sagot ni nanay Elsa.
"Iyon lang naman pala eh, kayang kaya tiyang!" may pagmamalaking turan ni Jenny.
"Pero anak, baka hindi mo kaya ang pagiging suplado ng Vhal na iyon!" may pag aalalang sabi ni aling Juanita.
"Inay naman! Kailan pa ba ako nagpatalo sa kahit kanino? Hinding hindi mananaig sa akin ang pagiging suplado ng Vhal na iyon dahil babaliin ko ang kanyang sungay pag gagawa ng labag sa aking pamantayan!" nakataas ang kilay na turan ni Jenny.
"Wag mong pairalin ang pagiging siga roon Jenny dahil ibang lugar iyon at nasa may desenteng lugar ang iyong magiging amo kaya dapat kang makisama at hindi sila ang makikisama saiyo!" pagpapaalala ni aling Juanita.
"Inay naman! Babae po ako at hindi lalaki kaya wag niyo akong sabihang SIGA! Katunayan nga eh sasali po ako ng beauty contest sa kabilang barangay at ang premyo ay limang libong piso at tinitiyak kong ako ang mag uuwi ng korona at ang premyong limang libo!" nakapamewang na tumayo pa si Jenny na lumakad ng pa ekis ekis sa harap ng kanyang inay at tiyahin.
"Heh magtigil ka nga Jenny! Sa itsura mong iyan eh mananalo ka ba? Anak mas maganda kung magtinda kana lang ng barbecue sa may basket ball court para mas siguradong may pera kang maiuuwi sa bahay kesa doon ka sumali na tagilid naman ang pag asa mo!" iiling iling na turan ni Aling Juanita.
"Inay kahit kailan kontra ka talaga sa akin! Ni hindi mo man lng ako i encourage sa kahat ng mga plano ko sa buhay, puro ka nalang kumukontra sa lahat ng aking gagawin!"nagdaramdam na wika nito sa ina sabay bagsak ng katawan nito sa may sopang kawayan na dahil walang foam ay napangiwi siya ng hindi sinasadyang tumama ang kanyang puwet sa may nakausling sahig ng sopang kawayan......"Anak ng teteng! Ang sakiitt!!" pasigaw na daing ni Jenny sabay haplos nito sa kanyang puwet na hinamas himas pa nito.
