Chapter 4

6K 180 8
                                    

Mr. Romantiko
By...emzalbino

"Jenny iha, andiyan kana pala!" masayang sabi ni Nanay Elsa na nasa likod ni Vhal kaya imbis na kakausapin sana ni Vhal ang bagong dating na parang turista  ay hindi na niya nagawa pa dahil sa pagdating ng nanay nanayan nito.

"Hmm kadarating ko lang po tita!" sagot ni Jenny sabay mano sa kanyang tiyahin at walang salitang nilagpasan niya si Vhal na nakatayo sa kanyang harapan.

"Ah ganoon ba?" ani nanay Elsa at napakunot ang noo ng mapansin niya ang buhok ng pamangkin.


"Bakit ganyan ang kulay ng buhok mo?" muling tanong ni nanay Elsa.

"Tita Elsa, hindi mo ba alam na ganito ang uso ngayong kulay ng buhok. Mayroon pa ngang ibang klase na gusto kong bilhin but i don't have enough money, but later on ay bibilhin ko rin ang mga iyon dahil type na type ko" panguya nguya ng chewing na sabi ni Jenny.

"Eh anong kulay naman ang mga iyon?" curious na tanong ni Nanay Elsa.

"Iyong isa red na gaya kay Yeng Constantino at white" parang atat na atat pang sagot ni Jenny.

"My goodness!" hindi napigilang bulalas ni Vhal ng marinig nito ang sinabi ni Jenny na napasulyap sa kanya pa ang dalaga.

"Ay siyanga pala iha, siya si Vhal ang magiging amo mo at ang may ari ng bahay na ito" pagpapakilala ni Nanay Elsa ng maalala nito ang alaga na sadyang nakalimutan niya ng makita ang hitsura ng pamangkin.

"Nice to meet you!" tanging sabi ni Vhal na tiningnan muli mula ulo at paa si Jenny na nakatingin din sa kanya at ang mata nito ay alam niyang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa habang panay ang nguya nito.

"Hmm not bad!" turan ni Jenny na medyo napatingin sa mga matitipunong muscles ni Vhal na bakat na bakat sa suot nitong fitted jersey shirt na pang gym niya.

"What!" gulat na wika ni Vhal sa sinabi ng dalaga.

"I said NOT BAD!" muling ulit ni Jenny.

"Why do you think that I'm look like a bad guy?" hindi napigilang tanong ni Vhal.

"Hmm sabi ko na nga at dito ko na mai a aplay ang mga natutunan kong English" bulong pa ni Jenny sa sarili......" Ah, i mean is....is...Hindi naman pala masyadong masungit ang pagmumukha mo!" prangkang sagot ni Jenny kay Vhal.

"What!" hindi makapaniwalang turan ni Vhal dahil sa lahat ng naging katulong niya ay ito lang ang naglakas loob na sabihan siya ng ganoon.

"Ah Jenny, mas mabuti pa siguro na ipasok mo na ang mga gamit mo sa loob upang maiayos mo na ang mga ito" agad na namagitan si Nanay Elsa sa dalawa dahil baka hindi pa mapigilan ng kanyang pamangkin ang pagiging prangka nito at mapa uwi agad ng wala sa oras.

"Much better Nanay Elsa, send her to the one room next to your room at wag ng ipagamit ang mga maid quarter's dahil tayo tayo lang naman ang naririto at may mga bakante pa namang mga kwarto" pormal na sabi ni Vhal na muling napasulyap sa babaeng magiging katulong niya na halos daig pa nito ang amo sa kanyang hitsura.

Agad na iniwan ni Vhal ang magtiya at dumiretso siya sa kanyang mini gym upang mag ehersisyo....."Huh! I can't imagine na ganoong hitsura ang magiging katulong ko, kumbaga dinaig pa niya ang amo kung makaasta?" iiling iling na pumasok sa loob ng gym. Sa totoo lang ay ayaw sana niyang kunin ang Jenny na iyon ngunit nahihiya siya kay Nanay Elsa dahil pamangkin niya ito at isa pa ay naaawa naman siya sa matanda na siya ang lahat na gumagawa ng gawaing bahay dahil nga sa walang makatagal na katulong nila......." I don't think na makakatagal siya sa kanyang trabaho!" napabuntong hininga nalang si Vhal ng muling sumagi sa kanya ang hitsura ni Jenny na hila hila ang maleta na animo ay kaybigat ito.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon