Chapter 7

5.7K 187 5
                                        

Mr.Romantiko
By...emzalbino


Nanginginig ang buong katawan ni Jenny sa tagal ng pagkakababad niya sa tubig sa loob ng banyo ni Vhal dahil hindi naman niya maiwan iwan ang lugar dahil nga sa hindi niya alam patayin ang shower na kaylakas ng paglagaslas ng tubig.

Nang patungo na siya sa banyo para deritso ng maligo ay nakasalubong niya si Nanay Elsa....." Bakit anong nangyari saiyo  Jenny!?" may pag aalalang tanong ni Nanay Elsa ng makita ang hitsura ng pamangkin na kumakatog ang mga tuhod sa ginaw.  

"Nabasa po ako" sagot ni Jenny.

"Oo, alam kong basang basa ka pero papaano nangyari iyon at saan ka galing?!" muling turan ni nanay Elsa.

"Nililinis ko po ang banyo ni Vhal ng may mapindot ako sa may shower ni Vhal at ni hindi ko alam kung papaano papatayin. Ang lamig lamig nga ng tubig sa banyo niya at hindi ko naman maiwan iwan dahil baka bumaha sa loob ng kwarto niya" salaysay ni Jenny.

"Eh sino ang nagsara ng shower? Baka iniwan mong tumatagas ang tubig?!" natatarantang tanong ni nanay Elsa kay Jenny.

"Kaya po basang basa ako eh dahil hindi ko nga alam patayin!" giit ni Jenny sa tiyahin...." Si Vhal ang pumatay ng shower at buti nalang dahil dumating kundi nangisay na ako sa sobrang ginaw sa may banyo niya" dagdag pa nito habang yakap yakap ang sariling basang basa.

"Sige maligo kana at magpalit ka agad ng damit dahil baka magkasakit ka pa niya'n!" utos ni nanay Elsa kay Jenny na agad namang tumalima ang dalaga.

.....

Sa kwarto ni Vhal ay hindi parin maalis alis sa isip niya ang nakita nito kanina. Nakapagkit parin sa kanyang isipan ang medium size at tayong tayo na  dibdib ni Jenny. Hindi naman sa binusuhan niya ang dalaga ngunit nagkataon lang at hindi niya sinasadya ang pangyayari.

"I'm just a human and a man as well that can't ignore what is around me. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa bahaging iyon ng kanyang katawan. But, it's quite perfect fit for her. Hindi siya pangit tingnan, katamtaman lang ang  size niya na bagay sa kanya at ang legs niya ay match na match sa kanyang body" mahinang bulong ni Vhal na noon ay nakaupo sa may gilid ng bath tub at hindi pa nagawang lumabas ng banyo mula ng lisanin ni Jenny ang lugar.

"Huh!.. Shiitt!.." mahinang sigaw ni Vhal na napapamura na tuloy dahil hindi niya magawang iwaglit sa kanyang isipan ang eksenang iyon. Parang nilalagnat na ang kanyang pakiramdam na hindi niya maintindihan at kasabay niyon ay ang pagkabuhay ng kanyang alaga....." What a fuck!" muling nagmura si Vhal ng mas sumidhi pa ang nararamdaman nitong init sa katawan kaya ang ginawa niya ay binuksan niya ang gripo ng bathtub at saka hinubad ang kasuotan at nagbabad doon, ni hindi na niya nagawa pang umalis para pumunta sa kanyang opisina dahil nagambala na ang kanyang isipan sa simpleng patikim ni Jenny.

.....

Mag aalas sais y media na ng hapon ay nagtaka si Nanay Elsa dahil natapos na niya ang pagluluto at nakahain na ang kanilang hapunan ay ni hindi parin tumutungo sa kusina si Jenny. Saktong parating naman si Vhal sa kusina upang kumain ng makitang parang papaalis si nanay Elsa.

"Saan kayo pupunta nanay Elsa?" tanong ni Vhal habang patungo ng kababo upang maghugas ng kamay.

"Titingnan ko lang si Jenny dahil halos hindi na siya lumabas pagkatapos niya akong tulungan kaninang tanghali. Tapos ko na ngang ihanda ang pagkain eh hindi parin lumalabas ng kanyang kwarto?" sagot ni nanay Elsa.

"Ah ganoon po ba? Sige po tawagin na ninyo para sabay sabay na tayong maghapunan"   sang ayon na sagot ni Vhal saka naupo sa silya at tumuloy na nga si nanay Elsa upang puntahan si Jenny.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon