Chapter 20

6.2K 204 28
                                    

Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 20...

Halos mapudpod na ang mga daliri nila Mandy at Ester sa ka da dial ng number ni Jenny ngunit hindi sinasagot ng dalaga. Tuliro ang dalawang baklang kaibigan ni Jenny dahil alas singko y media na ay wala pa ito at naroroon na ang mga iasama nitong contestant. 

"Ano bang nangyari kay Jenny at hindi niya sinasagot ang mga tawag natin?!" medyo galit ng sabi ni Mandy saka sinubukang tawagan ulit ngunit tanging ring lang ang naririnig nito.

"Baka naman hindi siya pinayagan ni Vhal na umalis ng bahay?" maya maya ay na i wika ni Ester.

"Ang sabi niya kanina na pinayagan siya ni Vhal kaya ang saya ng boses niya pero bakit hanggang ngayon ay wala pa siya at ni hindi man lang sinasagot ang mga tawag natin!" galit na sabi ni Mandy.

"Nakapagtataka nga rin eh!" buntong hiningang sagot ni Ester.

Muling tinawagan nila ang cell phone ni Jenny ngunit ang operator na ang sumagot at sinabing OUT OF COVERAGE AREA. Kaya naman gigil na gigil si Mandy at maya maya ay lumapit ang barangay chairman na si Enrico Santos na parang problemado.

"Mandy, Ester! Bakit wala pa ba si Jenny?" alalang tanong ng kapitan sabay tingin sa kanyang relo na pambisig at mag aalas sais na ng gabi at malapit ng mag umpisa ang pageant.

"Wa-wala pa nga eh kapitan at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag namin!" kakamot kamot sa ulong sagot ni Mandy.

"Eh papaano iyan? Naroroon na sa back stage ang lahat ng mga kalahok maliban kay Jenny! Sayang naman si Jenny kasi malakas kaya siya at may dating ang kanyang ganda" iiling iling na turan ng kapitan......"But, I think hindi na makakahabol pa si Jenny dahil mag uumpisa na" malungkot na wika ni Chairman Enrico dahil narinig na niyang nagsalita ang emcee kaya malungkot na napailing nalang sina Mandy at Ester.

Walang nagawa ang dalawang baklang kaibigan ni Jenny kundi ang umuwing bigo. Ngunit kung anuman ang dahilan ng kanilang kaibigan ay kailangan nilang malaman kung anuman iyon.

......

Nagising si Jenny ng nasa kalagitnaan na ng gabi.Binuksan niya ang ilaw sa kanyang kwarto at natutop niya ang kanyang bibig ng makita nito ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama.

Bigla siyang natigilan ng bumalik siya tamang katinuan saka inisa isang dinampot ang damit....."Oh my goodness!" bulalas niya ng wala sa oras....."Hi-hindi ako nakapunta sa pageant? A-ano ba ang nangyari at hindi ako natuloy?" sunod sunid na tanong ni Jenny sa sarili habang nakamata sa mga damit nito na dadalhin sana niya.

Dahil sa hindi maisip ni Jenny kung ano ang nangyari sa kanya ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone ngunit lowbat ito kaya kinailangan muna niyang i charge at ng makalipas ang ilang minuto ay binuksan na niya ang aparato at tigagal siya ng makita nito ang napakaraming mga text messages at missed calls nila Mandy at Ester.

"Ano nga ba ang nangyari sa akin at hindi ako nakadalo sa pageant?" gulong gulo na tanong ni Jenny sa sarili ngunit hindi parin niya maalala ang dahilan kung bakit hindi siya nakapunta sa beauty contest na sasalihan sana niya.

Halos sumakit na ang ulo ni Jenny sa kakaisip at halis iumpog na niya ang kanyang ulo pero talagang wala siyang alam. Hindi nakatiis ay tinawagan niya si Mandy. Kung ilang ring din ang hinintay niya bago nasagot ang kanyang tawag.

"Oh bakit napatawag ka?" pupungas pungas na tanong ni Mandy ngunit sa himig nito ay naroroon ang tampo.

"Mandy, ano ba ang nangyari?" tanong nito sa kaibigan baka sakaling alam nito ang nangyari.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon