MR. ROMANTIKO
by...emzalbino
.......FINALE......
#RATED_SPGNapakakisig ni Vhal sa suot niyang americana suit, very excited na siya para sa kasal nila ni Jenny. Mga kilalang tao at mga kaibigan ni Vhal ang envited for their wedding at mga ilang nalalapit ding kakilala ng pamilya ni Jenny.
Si Nanay Elsa ang siyang tumayong escort ni Vhal at siyang naghatid sa harpan na ginawang altar sa may malapit sa beach resort ni Vhal. Nalalatagan ng pulang carpet ang mga pinong buhangin at bali nakaharap ang mga ikakasal sa may dagat para masaksihan ang paglubog ng haring araw kasabay ng kanilang kasal. Naging emosyonal ng mga sandaling iyon si Vhal dahil bigla niyang naalala ang mga yumao nitong mga magulang ngunit sa kalaunan ay napalitan ng napakatamis na ngiti ang kanyang kalungkutan ng makita ng naglalakad papalapit sa kanya si Jenny na napakaganda sa suot niyang trahe de boda.
Pakiramdam ni Jenny nasa isa siyang fairy tale movie na ikinakasal sa lalaking bida na kay gwapo at masasabi niyang pag aari niya habang buhay. Hindi mapigilan ni Jenny ang pangingilid ng kanyang mga luha habang palapit ng palapit kay Vhal na naghihintay sa kanya sa harap ng altar at kaytamis ng ngiti nitong nakatitig sa kanya.
Kay higpit ng hawak ni Jenny sa kamay ng kanyang mga magulang dahil ito na nag huling sandali ng kanyang pagiging dalaga, mamamaalam na siya sa pagiging single at magsisimula na sila ni Vhal sa buhay may asawa. Magsisimula na silang buuin ang pangarap nilang pamilya.
Nang huminto na sina Jenny at mga magulang niya sa harap ni Vhal ay bigla niyang niyakap ng mahigpit si Aling Juanita at hinalikan nito ang magkabilang pisngi ng kanyang ina at noon ay tumulo na ang kanyang mga luha kaya naman pati ang ina nito ay napaiyak narin.
"Inay, itay! Salamat po sa inyo, sa lahat lahat ng mga sakripisyo na ginawa ninyo sa akin, sa amin ng mga kapatid ko mula ng kami'y mga musmos pa lamang at hanggang sa ngayon. Salamat po itay at lagi kayong naririyan ni Inay para kami ay gabayan sa lahat ng oras, sa pagpapaalala sa amin sa tuwing kami ay naliligaw ng landas. Salamat dahil ipinaramdam at ipinakita ninyo sa amin kung gaano niyo kami kamahal na mga anak niyo at kahit na ako ay magkakaroon na ng sariling pamilya, hinding hindi ko parin kayo makakalimutan bilang unang pamilya ko na bumuo ang aking pagkatao. Mahal na mahal ko kayo inay, itay at mga kapatid ko. At salamat sa araw na ito at buong puso niyo akong inihatid sa harap ng lalaking siyang makakasama ko sa habang buhay. At sana po inay, itay ay lagi parin kayong naririyan sa aking tabi upang maging gabay ko, namin sa pagsisimula ng bagong yugto ng aking buhay"......lumuluhang pahayag ni Jenny saka niyakap at hinagkan din niya ang kanyang itay.
"Jenny anak, hinding hindi kami mawawala ng inay mo sa iyong tabi kahit na may asawa kana. Naririto lang kami kung kailangan mo ng aking tulong, at salamat anak dahil naging mabuti at masunurin kang anak. Sana kung sakaling magkaroon na kayo ng mga anak ay mapalaki mo ng maayos gaya ng pagpapalaki namin saiyo ng iyong inay, gampanan ko ang iyong tungkulin sa iyong magiging asawa na si Vhal at magmahalan kayo hanggang sa inyong pagtanda" maluha luhang tagubilin ni Mang Mando kay Jenny saka nito binalingan si Vhal........" Vhal, heto ang mga kamay ng aming anak na si Jenny at buong puso naming inaabot sa iyo upang maging iyong asawa at kasama habang buhay. Sana ay mging maligaya kayong dalawa at maging matagumpay ang inyong pagsasama bilang mag asawa. Ingatan mong mabuti ang aking anak, mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay namin sa kanya dahil si Jenny ang siyang makakasama mo sa pagplano ng isang pamilyang pinapangarap mo. Hangad namin ang inyong kaligayahan at sana ay malabanan niyo at maging matatag kayo sa mga pagsubok na darating sa inyong buhay. Kung sakaling may hindi kayo pagkakaunawaan ay pag usapan niyo ng mabuti at masinsinan at wag padala sa emosyon para hindi ito lumala" anang itay ni Jenny na si Mando at tumango tango nalang si Jenny dahil garalgal ang boses nito sa mga sinabi ng kanyang itay.