MR. ROMANTIKO
by...emzalbino
Chapter 23....Halos hindi nakatulog buong magdamag si Vhal dahil sa hindi siya sanay matulog sa ibang bahay at higit sa lahat ay sa kaiisip kay Jenny kung ito ba ay tulog na kaya o hindi pa.
Alas singko y media palang ay nagising na siya at niligpit na niya ang kanyang higaan at dahil siya palang ang gising ay naupo muna siya. Maya maya ay naramdaman niyang may pumapanaog sa hagdan at maya maya ay naaninag niya si Jenny.
"Good morning!" nakangitung bati ni Jenny na lumapit kay Vhal sabay bigay nito ng dala niyang toothbrush at toothpaste na agad namang inabot ng binata.
"Good morning too, maya na i ki kiss dahil mag to toothbrysh muna ako" ani Vhal saka nagtungo sa maliit na banyo nila Jenny ngunit malinis naman.
Nakangiting sinundan ng tingin ni Jenny si Vhal, hindi niya akalain na gagawin nito ang lahat para makasal lang siya sa kanya. Maya maya pa ay lumabas na ng banyo si Vhal.
Lumapit kay Jenny at pasimpleng kinabig ang dalaga sabay halik sa labi nito......."Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip ko saiyo" pabulong na wika ni Vhal.
"Bakit mo naman ako iniisip eh andito naman ako sa bahay namin" nakangiting sagot ni Jenny.
"Kasi gusto na sanang katabi kitang matulog, iyon bang kahit na kayakap lang kita ay okay na sa akin"
"But kailangang tapusin mo muna ang task mo bago mangyari iyon dahil hinding hindi papayag si itay" wika ni Jenny na pasimpleng yumakap kay Vhal.
"Alam ko naman iyon kaya nga hinding hindi ako susuko sa hamon ni itay para tuluyan ka ng maging akin" bulong ni Vhal saka inangkin nito ang labi ni Jenny......"I love you so much" nakatitig sa mga mata ni Jenny habang binibigkas nito ang matatmis na katagang iyon.
"I love you too Vhal, kaya wag na wag mo akong isusuko kay itay" ani Jenny.
"Never! Kahit na aning mangyari ay magiging akin ka" sagot ni Vhal at saka nagyakapan ang dalawa.
"Aheeemmm!"......hindi alam ng dalawa na kanina pa pala nakikinig si Mang Mando at nasaksihan niyang lahat ang lambingan ng dalawa kaya ngingiti ngiti lang ito dahil alam niyang tunay ang hangarin ni Vhal kay Jenny......."Ang aga niyong nagising na dalawa!"
"Ka-kasi po ipagti timpla ko ng kape si Vhal" namumulang alibay ni Jenny dahil nadatnan sila ng kanyang itay na magkayakap ni Vhal......."Gu-gusto rin po ba ninyo ng kape?" tanong ni Jenny sa ama.
"Paki timplahan mo na rin ako" sagot ni Mang Mando sa anak.
"Magandang umaga po itay" nahihiyang bati ni Vhal kay Mang Mando.
"Magandang umaga din saiyo iho" sagot naman ni Mang Mando saka naupo sa kawayang sofa at binuksan nito ang tv upang manuod ng balitang pang umaga.
"Ah itay, saan po ba naroroon ang mga kahoy na sisibakin ko?" maya maya ay tanong ni Vhal.
"Nasa likod bahay pero magke ka muna para may laman ang tiyan mo" sagot ni Mang Mando.
"Upo itay!" wika naman ni Vhal at maya maya ay dumating si Jenny na dala dala ang tray na may laman na tatlong tasang kape at may tinapay na nilagyan niya ng palaman na peanut butter........."Kainin mo muna ito dahil magsasaing muna ako ng agahan" ani Jenny saka nito ibinigay ang tinapay kay Vhal at inabot nito ang kape para sa kanyang itay.
"Salamat!" sagot ni Vhal......."Kunin na po ninyo itay itong isang piraso ng tinapay" alok ni Vhal kay Mang Mando dahil dalawa ang ginawa ni Jenny.