MR. ROMANTIKO
by...emzalbino
Chapter 22...Ngingiti ngiti si Jenny habang nakamasid kay Vhal na nakatingin ito sa hawak hawak niyang papel na bigay ng kanyang itay Mando. Kitang kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Vhal kaya naman napatingin siya sa hawak nito.
"Bakit hindi mo ba kayang gawin ang nakasaad diyan?" may panunuksong tanong ni Jenny kay Vhal......."Sige ka hindk tayo makakasal!" pabirong wika ni Jenny.
"Of course kayang kaya ko ito!" buong kompiyansang sagot ni Vhal sa muling tiningnan ang hawak nitong papel.
"Good boy!" ani Jenny na hindi maalis alis ang mga ngiti nito sa labi......."Ano ba ang first task mo?" maya maya ay tanong ni Jenny kay Vhal.
"Magharana sa gabi at magsibak ng kahoy kinabukasan" sagot ni Vhal habang binabasa ito......."Anong kanta ang kakantahin ko?" maya maya ay naitanong ni Vhal sabay tingin kay Mang Mando.
"Kahit na anong kanta basta ba nagustuhan ng dalagang iyong hinaharana" sagot ni Mang Mando.
"Eh medyo sintunado po ako eh!" kakamot kamot sa ulong sabi ni Vhal.
"Wala akong pake kung sintunado ka basta ang mahalaga ay magawa mo ang nakasulat diyan bago mo mapakasalan si Jenny" wika ni Mang Mando.
"Opo itay" maagap na sagot ni Vhal......"Eh di mamayang gabi na po ba ako mag uumpisa?" muling tanong ni Vhal saka muli nitong tiningnan ang papel na hawak.
"Oo at dito na matutulog si Jenny hanggang matapos ang lahat ng mga iyan. At gusto ko na habang naglalakad sa altar ang aking anak ay buong buo siya at walang anumang dungis. Hindi sa wala akong tiwala sa iyo Vhal ngunit alam mo na,ang nag iisang anak naming babae si Jenny, kahit na napakatigas ng ulo ng babaeng ito ay ang nakakabuti parin ang gusto naming mangyari sa kanya. At kung maaari ay ayaw na ayaw naming makikitang umiiyak ang aking anak dahil sa nasasaktan. Gusto naming mapanatili ang tradisyunal na pamamanhikan kahit naminsan sa mata ng ibang tao ay masyado ng makaluma dahil magulang ay masaya kami na pinapakita ng isang lalaking nagmamahal sa aming anak kung gaano talaga ka importante sa kanyang buhay ang kanyang iniirog" seryosong pahayag ni Mang Mando.
"Opo itay gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para maging karapat dapat na maging asawa ni Jenny at manugang ninyo. At igagalang ko po si Jenny hanggang sa araw ng kasal namin" tumatangong sagot ni Vhal dahil alam niya ang damdamin ng isang ama at ina. Masaya siya dahil nakikita niya ang suporta at pagmamahal ng mga pamilya ni Jenny sa dalaga. At dahil doon ay bigla niyang naalala ang kanyang mga magulang........"I'm sure kung nabubuhay pa sina mommy at daddy ngayon ay masaya sila para sa akin, para sa amin ni Jenny" ani Vhal na medyo lumungkot ang mukha nito.
"Ganyan talaga ang buhay iho, kung minsan ay masyadong mapagbiro ang tadhana pero ang lahat ng pagsubok ay may rason. Dapat na magpakatatag kang tayo para sa mga mahal natin, kung mayroong umaalis, mayroon ding dumarating. At alam namin na kahit na wala na ang iyong mga magulang ay masaya parin sila para sa iyo sa inyo ni Jenny dahil alam nila na magiging masaya ka sa bagong pamilyang bubuuin mo pagdating ng araw" wika ni Aling Juanita na inaalo alo pa si Vhal dahil nakikita nitong apektado sa pagkakaalala niya sa mga yumao nitong mga magulang.
"Salamat po inay, itay! Kayo na po ang magiging magulang ko, at ni Jenny. Hinding hindi ko po lulukuhina ng inyong anak dahil mahal na mahal ko po si Jen. Patutunayan ko po sa inyo na hindi kayo magsisisi sa desisyon niyong ipakasal ang anak ninyo sa akin. Hindi lang po magandang bukas ang ibibigay ko sa kanya kundi isang masayang pamilya na punong puno ng pagmamahal" magalang na wika ni Vhal saka nito inakbayan si Jenny at humilig naman si Jenny sa dibdib ni Vhal na naluluha ito dahil sa mga sinabi ng kanyang fiancee.