Chapter 8

5.6K 178 8
                                        

Mr.Romantiko
by...emzalbino

"Jen are you okay?!" alalang tanong ni Vhal habang nakahapit ang kamay nito sa baywang ng dalaga na napasandal sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala nito ng balanse.

"O-okay lang ak...." hindi na naituloy pa ni Jenny ang sasabihin dahil bigla nalang nandilim ang kanyang paningin at tuluyan ng bumigay ang kanyang katawan.

"Jenny!..Jenny!" sunod sunid na tawag ni Vhal sa dalaga habang niyu yugyog nito ngunit ng makitang wala na nga utong malay tao ay agad niyang inihiga sa kama at naghalungkat nalang sa may lagayan ng mga damit ni Jenny at nakita niya doon ang isang jacket. Kakamot kamot ang ulo niya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nanay Elsa.

"Bakit Vhal anong nangyari kay Jenny?!" tarantang tanong ng yaya ng makita ang pag aalala sa mukha ni Vhal.

"Nanay Elsa, nawalan po ng malay tao si Jenny. Palitan niyo po ang damit niya at magpapalit lang ako ng damit sandali at itatakbo ko siya sa ospital!" nagmamadaling sabi ni Vhal saka agad na lumabas ng kwarto ni Jenny upang palitan ang kanyang damit at naiwan naman si Nanay Elsa na kumuha ng damit ng dalaga ng makitang wala sa ayos ang kasuotan ni Jenny.

Saktong pagbukas ni Vhal ng pinto ng kwarto ni Jenny ng sakto ring mapalitan ni Nanay Elsa ng damit ang dalagang walang malay tao...."Tara na po Nanay Elsa!" kayag nito kay Nanay Elsa saka nagmamadaling binuhat niya si Jenny at malalaki ang hakbang na binagtas ang daan para makarating sa kanyang kotse na nakasunod naman si Nanay Elsa.

Halos paliparin ni Vhal ang kanyang kotse dahil sa pagmamadali na makarating sa pinakamalapit na ospital. Pagka hinto pakang ng kanyang kotse ay halos tumalon ng kotse at agad na binuksan ang pinto ng kotse kung saan ay kalong kalong ni nanay Elsa si Jenny na walang malay tao at kaytaas parin ng lagnat.

Agad namang inasikaso si Jenny ng mga nurses at ang doctor na tumingin sa kanyang kondisyon. Habang naghihintay sina Nanay Elsa at Vhal sa ginagawang pagsusuri kay Jenny ay hindi mapalagay ang matanda. Panay ang pisil nito sa kanyang mga kamay at halatang kabado.

"Nanay Elsa, relax lang po dahil lagnat lang naman ang sakit ni Jenny!" pagpapakalma ni Vhal sa kanyang yaya.

"Alam ko naman eh! Pero hindi mo maiaalis sa akin ang hindi mag alala dahil sa kanila ay hindi naman siya nagkakasakit kahit na simpleng sipon lang" sagot naman ni Nanay Elsa.

"Dahil siguro sa pagka kababad niya kanina sa tubig na halos nanginginig na ang buong katawan niya" napabuntong hiningang sagot ni Vhal sabay ipinilig nito ang ulo dahil kahit na may pag aalala siya sa dalaga ay sumisingit parin sa kanyang diwa ang nakita ng makasalanan niyang mata at nadagdagan pa kanina habang pinupunasan niya ng tissue paper ang parte ng dibdib ni Jenny ng mapansin niyang wala pala itong suot na bra at namumukol ang mga munting korona nito na hindi naman alintana ni Jenny.

Dahil doon ay sunod sunod na pinakawalan ni Vhal ang malalalim nitong buntong hininga na napansin naman ng kanyang Nanay Elsa....." Bakit iho?" may pag aalalang tanong ni Nanay Elsa sa alagang binata.

"Wa-wala po nanay Elsa, naalala ko lang iyong mga paper works ko sa opisina" pagkakaila ni Vhal upang hindi siya pagdudahan ng kanyang Nanay Elsa.

"Oo nga, hindi kana pala nakapasok kanina ah!" sang ayon na wika ni Nanay Elsa sa sinabi ni Vhal.

"Nawala kasi sa isip ko na may mga papeles pala akong dapat na asikasuhin sa opisina ng makita kong parang basang sisiw si Jenny sa may banyo ko" muling pagsisinungaling ni Vhal, dahil ang totoo ay nawala ang konsentrasyon niya sa trabaho sa nakita niyang iyon kay Jenny at ewan ba niya dahil hindi na niya maihakbang ang mga paa para pumasok ng opisina.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon