Mr.Romantiko
By...emzalbino
Chapter 10...Halos hindi na nakatulog hanggang umaga si Vhal dahil mawaglit waglit sa kanyang isipan ang kanyang nakita kay Jenny. Dahil doon ay nabuhay ang kanyang katawang lupa nito kaya walang nagawa ilabas ito sa sarili niyang paraan....."niyahahaha lol"
Kinabukasan ay parang ayaw na yatang lumabas ni Jenny sa kanyang kwarto dahil nga sa nangyari kagabi ngunit kailangan niyang gawin ang kanyang trabaho at saka kinatok na siya ni Nanay Elsa kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas.
She walked tip toe para hindi makalikha ng ingay sa katabing kwarto na noon ay nakasara palang. Nasa ikalawang baitang palang siya ng hagdan sa bandang itaas ng biglang bumukas ang pinto. Nataranta si Jenny dahil alam niyang si Vhal iyon kaya naman halos takbuhin niya baitang ng hagdanan upang makababa siya agad kaya naman lumikha ng ingay at muntikan pa siyang mahulog dahil sa pagmamadali ngunit ng tingalain niya ang taong pababa ng sandaling iyin sa hagdan ay si Nanay Elsa naman pala kaya tuloy napakamot siya ng ulo at abot abot ang kabog ng kanyang dibdib.
"Jenny iha, bakit ba parang may kung sinong humahabol sa iyo huh?" nagtatakang tanong ng tiyahin nito dahil kitang kita niya ang pagbaba ng pamangkin sa may hagdan.
"Wa-wala pong humahabol sa akin, nag e exercise lang po ako kaya tumakbo ako sa hagdan" pagkakaila ni Jenny ngunit alam niyang hindi kakagatin ni Nanay Elsa ang alibay nito.
"Kung gusto mong mag exercise ay sa gym ka pumunta at hindi sa may hagdanan dahil delikado iyang ginagawa mo! Ay siyanga pala, kunin mo nga itong bed sheet ni Vhal at isalang mo sa washing machine dahil natapunan daw niya kagabi ng beer habang umiinom siya. Tatawagin ko lang siya sa may gym para makapag almusal na at sabay sabay na tayo" ani Nanay Elsa saka ibinigay kay Jenny ang dala dalang bed sheet ng binata at kinuha naman ni Jenny.
Dala dala ni Jenny ang bed sheet ni Vhal para ilagay sa may washing machine. Napasinghot siya dahil naamoy nito ang pabango ni Vhal na dumikit sa may kumot nito....."Ang aksaya naman ng damuhong iyon ng pabango!" aniya sa sarili saka bahagyang inamoy amoy ang bed sheet ni Vhal habang patungo ito ng laundry room sa may likod bahay.
Kung ilang ulit na inamoy amoy ni Jenny ang kanyang dala dala habang papunta sa laundry room nang hindi niya inakalang makakasalubong niya si Vhal dahil sa may likod ito dumaan dahil mas malapit ang daan na iyon papunta ng kusina.
Napakunot ang noo ni Vhal dahil sa nakitang pag amoy amoy ni Jenny sa kanyang bed sheet kaya nag alala siya na baka nababahuan ang dalaga eh tanging ang beer in can lang naman ang siyang tumapon doon at kailan lang ito napalitan ni Nanay Elsa....."Is it smelly?" agad nitong tanong kay Jenny na noon ay nagulat pagka kita sa kanya.
"Huh!...hi-hindi!" natatarantang sagot ni Jenny na para bang tinatambol ang kanyang dibdib sa pagkakagulat.
"Bakit mo inaamoy?" tanong muli ni Vhal.
"Inamoy ko lang iyong mantsa ng beer na natapon sa bed sheet" palusot ni Jenny.
"Eh hindi naman iyong bahaging namantsahan ang inaamoy mo eh!" dagdag pa ni Vhal dahil ang bandang namantsahan ng natapong beer in can ay sa bandang laylayan ngunit ang inaamoy ni Jenny ay ang comforter cover na nakabalot sa bed sheet.
Hindi nakasagot si Jenny sa sinabing iyon ni Vhal at namumula ang mukhang dumeritso sa may washing machine at tahimik na inilagay ang lahat ng iyon sa loob at saka pinaandar.
Parang namanhid ang mukha ni Jenny ng sandaling iyon. Wala siyang kalusot sa sinabi ni Vhal kaya hindi siya nakaimik. Pagkatapos niyang ilagay ang labahin sa loob ng machine ay nakatayo lang ito roon na pinapanood ang aparato ng biglang tawagin siya ni Nanay Elsa.