Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 15....Abot abot ang kaba sa dibdib ni Jenny dahil sa hindi niya alam ang kanyang gagawin. Palapit na ng palapit ang labi ni Vhal sa kanyang labi habang titig na titig ito sa kanya. Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nitong parang tumatagos sa kanyang pagkatao. Ngunit iniangat ni Vhal ang kanyang mukha at sa pag angat niyang iyon ay tuluyan ng nagdaiti ang kanilang mga labi.
Napakislot si Jenny ng maramadaman nito ang mainit na labi ni Vhal na dumikit sa kanyang labi. Para bang biglang inapoy siya ng lagnat, ni hindi siya makakilos upang itulak o kaya ay sampalin ang binata kung sakali man. Nang gumalaw na ang labi ni Vhal at umpisahan an nitong angkinin ang labi ni Jenny ay parang nawindang ang isip ni Jenny. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging reaksiyon niya.
"O Diyos ko Po! Bakit hindi Ninyo sinabi na ganito pala humalik ang hinayupak kong amo, parang kinikiliti niya hanggang talampakan ko!" sigaw ng isip ni Jenny.
"Jen, kiss me back!" waring nakikiusap na wika ni Vhal at doon lang natauhan si Jenny at ng muling angkinin ni Vhal ang kanyang labi ng mas mapusok at nilaliman pa nito ang paghalik ay hindi na napigilan ni Jenny ang sarili at kahit na walang kamuwang muwang ito sa pagtugon sa mga halik ni Vhal ay kusang natuto ang kanyang mga labi. Sinasabayan niya nag bawat paggalaw ng mga labi ni Vhal at maya maya ay hibdi niya namalayan na hawak ng dalawa niyang kamayanng magkabilang pisngi ni Vhal at gayundin ang binata habang magkalapat ang kanilang mga labi.
Kaylalakas ng kabog ng dibdib ni Vhal habang nakikipag halikan siya kay Jenny. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng mga sabdaling iyon ngunit may isang bagay isang nasiguro siya para kay Jenny.
"Your very special for me Jen" bulong ng isip ni Vhal habang panay parin ang paglalapat ng kanilang mga labi na halos hindi na niya kayang pakawalan pa si Jenny lalo na at natikman nito ang matamis na labi ng dalaga na kahit alam niyang unang karanasan ng dalaga ang halikan nilang iyon ay mas nasisiyahan siya dahil siya ang unang nakahalik sa dalaga.
Kapwa sila humiwalay sa isa't isa ng kapusin na sila sa paghinga. Noon lang biglang natauhan si Jenny ng maramdamang hindi na angkin ni Vhal ang kanyang labi. Napayuko ito at ibinaling ang paningin sa ibang direksiyon upang hindi niya makita ang mukha ni Vhal at kung ano ang reaksiyon nito.
"Jen, I'm sorry kung hindi ko napigilan ang aking sarili. Hindi ko intensiyon na abusuhin ang pagkakataon but to tell honestly, I really want it, at masaya ako na ako ang unang lalaking nakahalik saiyo" pagtatapat ni Vhal kay Jenny na ikinagulat naman ng dalaga kaya napalingon ito.
"Pa-paano mo nalaman na i-ikaw ang lalaking unang nakahalik sa akin?" nagtatakang tanong ni Jenny.
"Lalaki ako Jen, and i Know it since the first time you makes a move. Alam kong walang kang karanasan ng mga sandaling iyon but for me, it's a big deal thank you dahil ako ang unang pinag alayan mo ng iyong halik" makahulugang wika ni Vhal saka nito hinaplos ang pisngi ni Jenny.
Hindi makapagsalita si Jenny dahil hindi nito alam ang kanyang sasabihin. Napayuko nalang siya at ibinaling ang paningin sa labas ng bintana kahit puro ilaw na nagkikislapan lang ang nakikita nito dahil hating gabi na noon.Maya maya pa ay pinaandar narin ni Vhal ang kotse nito at muli silang naglakbay pauwi ng mansiyon ni Vhal.
Habang nagmamaneho ay pinapakiramdaman niya si Jenny na noon ay nakapikit ngunit hindi niya alam kung tulog ito o nagkukunwarian lang. Alam niyang nagulat ang dalaga sa bilis ng pangyayari ngunit kahit naman siya ay hindi niya inaasahan iyong halikang namagitan sa kanila ni Jenny ngunit dala ng bugso ng damdamin niya ay nagawa niyang angkinin ang labi ni Jenny.
![](https://img.wattpad.com/cover/41678574-288-k378850.jpg)