Chapter 13

5.5K 213 33
                                    

Mr. Romantiko
by...emzalbino
Chapter 13...

Nasa back stage ang lahat ng mga contestant dahil nag re retouch ang mga ito habang abala muna ang emcee sa iba pang pakwela sa entablado. Aligaga naman sina Mandy at Ester sa pag aasikaso kay Jenny dahil ang susunod na ay ang pagrampa ng mga kandidata na naka swim suit.

Maya maya ay lumapit ng bahagya si Mandy kay Jenny....."Best, may tanong lang ako?" mahinang bulong ni Mandy.

"Ano iyon?" balik tanong ni Jenny kay Mandy.

"Bakit parang nabalisa ka kanina at napatigil ka pa sa pagsasalita habang nagpapakilala ka sa iyong sarili?" tanong muli ni Mandy..

"Oo nga best!" segunda naman ni Ester saka lumingon sa paligid baka may makarinig sa kanila ngunit sadyang abala rin ang mga kasamahan nila at mahina lang ang kanilang mga boses.

"Natapilok ka pa tuloy!" dagdag na sabi ni Mandy.

"Eh papaano kasi mga besty! Diba tumakas ako sa bahay ng amo ko?" palinga linga sa paligid na sagot ni Jenny.

"Oo nga eh!" agad na sagot naman ng dalawang bakla.

"Nakatakas ako sa  bahay ng amo ko but hindi ang amo kong dragon!" nakangiwing sabi pa ni Jenny.

"What do you mean by that? Hindi ko maintindihan!" nakakunot ang noong wika ni Mandy.

"Oo nga naman Jenny, paki explain mo nga ng malinawagan namin kung ano ang ibig mong sabihin?" segunda ni Ester na nakataas pa ang kilay nito.

Muling lumingon sa paligid si Jenny saka mas inilapit pa ang sarili sa dalawa nitong kaibigan...."Naririto ang amo kong dragon" pabulong na sabi ni Jenny kaya naman napamulagat ang dalawa..

"Ano!.." hindi makapaniwalang bulalas ni Mandy.

"Nasaan siya?!" nanlalaki naman ang mga matang tanong ni Ester.

"Iyong isa sa mga judge! Iyong lalaking katabi ni Mrs. Amelia Domingo" sagot ni Jenny.

"What!...." nabigla si Mandy sa narinig na iyon mula kay Jenny kaya naman hindi nito napigilan ang sarili na mapasigaw.

"Silent please!" maya maya ay wika ng isa sa mga naroroong make up artist ng mga iba pang kandidata.

"Sorry" hinging paumanhin ni Mandy saka muling binalingan nito ang kaibigan.

"Jenny, are you sure sa mga pinagsasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Ester.

"Yes of course! At hindi ako nagsisinungaling na ang Vhal Perez na iyan ay ang aking amo" mahinang sabi ni Jenny sabay taas ng kilay nito.

"Eh Jenny, tiyak na masasabon ka ng amo mo pagkatapos ng event na ito" may pag aalalang wika ni Mandy.

"Eh di kung sasabunin niya ako, magbabanlaw nalang ako pagkatapos! Andito na ako eh, alangan namang uurong pa ako. Sana kung noon ko pa nalaman na isa siya sa mga judges ay hindi na sana ako nagpunta rito o kaya ay sumali." saad naman ni Jenny.

"Sabagay, tama ka nga naman" tanging nasabi nalang ni Mandy.

"Kaya girl, prove to yourself nalang na kaya mo ito at wag kang paapekto sa presensiya ng amo mo. Isipin mo nalang na wala siya dito sa pageant at irampa mo ang beauty mo para makuha mo ang heart niya" pabirong wika ni Ester sabay kindat sa kaibigan.

"Anong ibig mong sabihin best?" maang na tanong ni Jenny.

"Iladlad moa ng beauty mo daw lalo na sa pagsusuot mo mamaya ng swim suit  at tingnan natin kung hindi lumuwa ang kanyang mga mata!" may pilyang ngiti sa mga labi ni Ester.

Mr.Romantiko..."Vhal & Jenny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon