Chapter 2

615K 17.4K 2.4K
                                    

Chapter 2

"WHAT happened to her?" Kunot ang noong tanong ni Uncle Hendrick. Nakahalukipkip siya at nakatayo sa dulo ng kama.

"Sabi niya, uuwi na siya." Sumasakit ang ulong sabi ko. "Hindi ko naman alam na hindi pala niya kayang umuwi magisa."

"Of course hindi niya kaya!" Umikot ang bilog sa mga mata ng uncle ko. "Mayayari ako sa asawa ko kung may mangyaring masama sa kanya."

"I'm sorry."

"Sorry? May magagawa ba ang sorry mo kung napahamak ang bata? Really, Santi?" Halos magbuhol ang kilay ni Uncle H. He's still young. Matanda lang siya sa akin ng mahigit ten years kaya hindi ako nangongopo sa kanya. Though takot ako sa kanya.

"I'm really sorry. Hindi ko talaga alam." Yukong-yuko ako.

Hindi ko na idinetalye pa. Nang makita kong walang malay si Kara sa labas ng kubo ay binuhat ko na agad ito at isinakay sa kotse ni Holly. Pinauwi ko na rin sa Holly pagkatapos.

Nag-away pa nga kami dahil nabitin daw siya. Jeez! Maski nga ako hanggang ngayon ay masakit ang puson. Wala na kami pero habol pa rin nang habol. Hindi naman talaga mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ako inakit-akit ng babaeng iyon!

"Shit! Santi! Mabuti na lang at wala si Camilla ngayon, kung nagkataon baka mapaanak ng wala sa oras ang asawa ko!" Paikot-ikot siya sa harapan ko habang nakapamulsa. "Alam mo namang mahal na mahal ng asawa ko ang kapatid niya."

"Calm down, will you?" Tumayo ako at lumapit sa kinahihigaan ni Kara. "Okay lang naman siya, 'di ba?" Kahit ako ay tensyonado rin naman.

"Yeah. Eh paano kung hindi mo siya nakita? Paano kung umalis na pala kayo ni Holly sa kuwadra? Paano siya? Paano kung walang ibang nakakita sa kanya?"

I doubt kung hihimatayin pa rin siya kung wala kami sa kuwadra. Mas safe pa siya kung wala kami doon ni Holly, sa isip ko ay sinisisi ko ang aking sarili.

Ano pa bang mas nakakahiya 'ron? Alam ko kung bakit hinimatay si Kara! What a shame! Isang batang paslit ang nakakitang may ka 'do' ako sa kamalig. Kung sakaling mato-trauma si Kara sa nakita nito ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Pero ang problema ay paano kung magising na si Kara? paano kung sabihin niya ang mga nakita niya? Lalong magagalit sakin sina Mommy at Daddy, baka ipatapon na nila ako sa Amerika pagnagkataon! Tsk. At baka magulpi pa ako ni kuya Hunter!

"Is she still sick?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang wala pa ring malay na si Kara. Muli kong sinulyapan si Uncle H, problemado talaga siya. Kakagaling lang sa sakit ni Kara kaya lahat sila ay iniisip ang kalagayan nito, pero ako? Ako pa ang muntik ng magpahamak sa kanya.

"Yeah... Pero gagaling na siya." Bumuga siya ng hangin. "Sana nga ay tuluyan na ang pagaling niya."

"She's so thin..." Wala sa loob na sambit ko. Pero kahit naman payat ito ay makinis at maganda ang kutis, hindi mo aakalaing hindi anak-mayaman. Siguro ay alagang-alaga ito ng ate nito.

"Nakarecover nasiya. Malaking tulong na naagapan siya nang dalhin namin agad sa Amerika. Mahinapa rin ang resistensiya niya at meron siyang hika kaya mas okay na dito munasiya sa villa. Makakatulong sa kanya ang fresh air para tuluyan siyang lumakas."

Tatango-tango ako. May kung ano akong naramdaman sa aking dibdib habangnakatitig sa maamong mukha niya, siguro awa. Naaawa siguro ako sa kanya dahilnapakabata pa niya. Ni hindi ito makapag-aral sa normal na paaralan dahil mula'tsapul ay sakitin na raw talaga ito. Prema-baby at may butas pa sa puso. Sana nga tuluyan na siyanggumaling.

"Kayo na ulit ni Holly?" Sakin na pala nakatingin si Uncle H. Nakaarko ang kilay niya.

"Hindi." Tumalikod ako at nagtungo sa bintana. "Wala na kami, nagpunta lang siya rito para alamin kung pwede pa kaming magkabalikan." Kilala samin si Holly, taga-kabilang rancho lang ang pamilya niya. Sa lahat ng naging girlfriends ko ay tanging si Holly lang ang nakatapak dito samin. At hindi rin lingid sa kaalaman ng pamilya ko na hindi ganon kaseryoso ang relasyon naming dalawa.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon