Chapter 30
"AYA KARISSA!" Malakas na sigaw mula sa labas ng cabin. Hindi pa rin tumitigil ang pag-ugong ng elisi ng helicopter."Si Tyron..."
Agad namang napabalikwas ng bangon si Santi mula sa kama. "What the hell?!"
"I texted him." Amin ko. "'Wag ka na munang lumabas dito, please. It's for your own good, hindi ko alam kung anong magagawa sa'yo ni Tyron kapag nakita ka niya ngayon."
Naghalo ang pagtatanong at di pagkapaniwala sa kanyang namumutla pang mukha dahil sa nagawa ko.
"I'm sorry." Bago ako lumabas ng pinto ay nilingon ko muna ulit si Santi.
"Kara!"
Isinara ko ang pinto gamit ang susi niya. Panatag akong hindi siya basta-basta makakalabas dahil alam kong naka-lock din mula sa labas ng cabin ang mga bintana. Tatawagan ko na lang mamaya si kuya Cloud para puntahan siya kapag nakaalis na kami ni Tyron dito.
Sa paglabas ko ng pintuan ng cabin ay nakita ko na agad si Tyron na palapit sa pinto.
"Kara?!"
May mga kasama si Tyron bukod pa sa sakay ng helicopter ay may mga sasakyan pa sa labas ng gate.
"Ty!" Sinalubong ako nang mahigpit na yakap ng boyfriend ko.
"Oh, my God! What happened to you, hon? Are you all right?" Sunod-sunod na tanong niya. "May masakit ba sa'yo?" Di siya magkanda-ugaga sa paghalik sa akin at pagcheck sa mga braso ko kung may mga galos ba ako o ano.
"I'm fine, hon..."
"Where is he?" Sumeryoso ang mukha niya at nangalit ang kanyang mga ngipin. "Nasan ang hayup na lalaking iyon?!"
"He's not here." Pagsisinungaling ko. "Umalis na siya. Ako na lang mag-isa rito."
Hindi pa siya naniniwala pero hinatak ko na siya patungo sa mga pulis.
"Tara na, ho. Wala na pong tao sa loob." I said to them saka nauna nang umakyat sa helicopter.
Wala na ring nagawa ang mga pulis kundi sumunod. Napapakamot pa ng ulo ang ilan sa kanila.
"Kara..." Maya-maya lang ay tumabi na sa akin sa loob ng chopper si Tyron. He helped me to wear the seatbelts.
"I'm fine, believe me." Pinisil ko ang kanyang kamay.
"Pero..."
"Let's go... I just wannago home."
Sa huli'y wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon. "Sa condo muna kita."
Lumingon pa ako ng huling beses sa cabin bago umangat nang tuluyan sa himpapawid ang chopper.
'This is for our own good...'
MANILA.
It's only been six days since the day I left Santi. Parang ang tagal kong nawala. I sighed as I looked at Tyron's glass window. Dito sa condo ni Tyron na ako dumiretso after work. I was hoping na makakapag-usap na kami ngayon.
Mula nang sunduin niya kasi ako sa poder ni Santi ay hindi pa talaga kami nagkakausap. Kahit sa helicopter ay tahimik lang kami pareho though nagsabi siya sa akin na I should sue Santi for kidnapping me. Nang hindi ako sumagot ay hindi na nangulit si Tyron but I can sense that he was disappointed.
Hindi rin ako sumama sa condo niya that day. Umuwi ako sa apartment ko at nagkulong roon. Bumalik ako sa work ko the next day at isinubsob ang ulo sa paperworks. Hindi na kami nagkachance ni Tyron na makapagusap pa. Hindi rin naman siya gumawa ng way para makausap ako. Parang umiiwas din siya sa comfrontation.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...