Chapter 9
MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin ako iginugupo ng antok. Nakaidlip na ako kanina pero heto at gising na naman ako. Kung alam ko lang na mahihirapan ako ngayong matulog ay sana hindi na ako nagtutu-tulog maghapon.Kung nakakabutas nga lang ang mga titig ko ay baka kanina pa bumigay ang kisame sa kuwarto ko. I've been staring at it for hours. Sa huli nangalay na rin ako kaya ibinaling ko ang paningin ko sa katabi kong si Kara.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sakin at ang isang hita niya ay nakadantay sa mga hita ko kaya hindi ako makalayo sa kanya.
"Kara..." Sinubukan ko siyang itulak pero mas lalo lang siyang nagsumiksik sakin.
Malalim na ang paghinga niya kaya alam kong tulog na tulog na siya.
Bumuntung-hininga ako at saka siya pinagmasdan mula sa liwanag na nagmumula sa katabing lamp shade ng kama. She's sleeping like a baby.
Ngayon na lang siya naging ganito kalapit sa akin. At aaminin kong nami-miss ko na rin ang pagiging malapit namin ni Kara...
iyong mga panahong wala pang malisya.
"Baby, di ako makahinga..." Nagtangka ulit akong itulak siya nang marahan pero ganoon pa rin ang resulta, mas lalo pa siyang sumiksik sakin.
Pero iba na si Kara ngayon kesa noon. Hindi na siya neneng-nene... At ilang beses ko ng nakita ang pagbabagong iyon sa kanya.
"Hmn..." Tila naalimpungatan si Kara. Nagsumiksik pa siya sa akin habang ang mga braso niya ay mas humihigpit sa aking katawan.
Nilinga ko siya ulit. Nakatingala siya nang bahagya habang ang mga labi niya ay medyo nakaawang.
"Baby..." Pinindot ko ang pisngi niya.
Napangiti ako nang kumurba ang pagkayamot sa kanyang magandang mukha. Mukhang nananaginip ang baby ko.
Pinagapang ko pa ang mga daliri ko sa kanyang pinong balat. Sa bridge ng kanyang munting ilong at sa gilid ng mapupulang labi. Kara has thicked lashes na lalong nagpa-inosente sa mukha niya.
My fingers lingered on her chin, tracing the curves of her heart shaped face. Kara is the most beautiful woman I had ever seen.
'Tama ka Santi, she's a real beauty.' A little voice popped up out of nowhere. 'Pero hindi mo pa rin sya dapat pinagnanasahan, remember na pinagkakatiwalaan ka ng lahat para alagaan siya. Hindi para manyakin.'
Oh! Fu ck me! Iniumpog ko ang ulo ko sa unan.
"Hmn..."
Nagising siya. "Bakit di ka pa tulog, kuya?" Her eyes are half open at tila lang siya nananaginip habang kausap ako.
Umiling ako. Nakaka-konsensiyang nagambala ko ang mahimbing na tulog ng aking prinsesa.
"Naalimpungatan lang ako. Matulog ka na ulit..."
"Sure ka..." Ipinatong niya pa ang mukha niya sa ibabaw ng dibdib ko.
"Shhh... Sleep..." I murmered on her ears.
Sa halos pagkakapatong ng katawan niya sakin ay mas naipit pa ang kanyang dibdib at mas nagmukhang malaki kesa sa totoong size niyon.
Malambot at hakab sa tela ng suot niyang kamiseta.Fuck! Mas napalala pa ang sitwasyon.
"Go back to sleep, princess..." Sabi ko habang hinahaplos ang makinis niyang braso pero ang mga mata ko naman ay nakatingin na sa dibdib niya.
Alam kong wala na naman siyang bra, na kahit madilim ay nasisinag ko pa rin ang kaunting pagkabakat ng dulo ng kanyang dibdib. Para iyong inukit ng isang magaling na iskulptor.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...