Chapter 31
PABILIS nang pabilis ang pagpapatakbo ni Tyron. Halos mangapos ang paghinga ko habang nakahawak sa gilid ng upuan."Tyron! Please, slow down!"
"Bakit, Kara? Ano bang ginawa kong mali?" Patuloy siya sa pagmamaneho na tila ba may humahabol saming sampung demonyo.
Pero walang sampung demonyo. Wala, dahil iisa lang ang sasakyang nakikita ko mula sa side mirror sa gawi ko. Isang pulang Jaguar ang paesi-esi sa likuran namin at mabilis din ang pagpapatakbo. Hindi marahil iyon napapansin ni Tyron, at hindi ko rin alam kung sino iyon. Hindi naman siguro kami ang hinahabol non.
Naghahalo-halo na ang pawis at luha sa mukha ko dahil sa kaba at takot. "Ty, please... slow down!"
"Bakit Kara?" Lumingon siya sa akin. Puno ng pait ang boses niya at namumula ang kanyang mga mata.
Tyron was crying, too! A wave of guilt clogged my throat as I looked at his handsome face. Ano nga ba ang ginawa niya para saktan ko siya nang ganito?
"Ginawa ko naman lahat, Kara! I did everything! Kahit alam kong hindi mo ako kayang mahalin na kagaya ng pagmamahal mo sa gagong iyon!"
"Ty! I'm sorry! I'm so sorry!" Hagulhol ko.
"I love you! Why it can't be me? Why still him? Am I not enough to make you happy?"
Muntik na ako akong tumilapon kundi lang dahil sa nakakabit sa aking seatbelt nang biglang may humarang sa harapan ng sasakyan.
"Tyron!!!" Tili ko.
Sumagitsit ang sasakyan. Animo ito biglang may kumalas na kung ano matapos niyang kabigin ang manibela para makaiwas sa humarang sa amin. Sadsad sa gutter ang kotse ni Tyron.
"Damn! Damn!" Hindi na muli pang nag-start iyon at umuusok na rin ang unahan ng kotse.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay ang sasakyang nasa likuran namin kanina ang nakikita ko ngayon. Nasa tapat ito sa kotse ni Tyron at nakahinto nang pahalang sa madilim na kalsada.
Bumaba mula sa jaguar na kulay pula ang isang bulto ng matangkad na lalaki. Sa paglalakad palang nito palapit sa kinaroroonan naming kotse ay nakilala ko na agad ito.
Kung di pa nagsalita si Tyron sa tabi ko ay di ko pa maaalalang may kasama ako. "Ano na namang pakana ng gagong iyan?"
Napatuwid ang upo ko nang lumapit si Santi sa bintana sa tabi ni Tyron at saka kinalabog iyon.
"Fuck!" Nilingon niya ako at binantaan ng kanyang tingin. "'Wag kang bababa!"
"Pero..." Alumpihit ako kung susundin ko siya o hindi.
Napatungo si Tyron at malungkot na tumingin sa akin. "I'm sorry..."
"Tyron, please? Ayaw kong makarating ito kay ate." Naiisip ko na ang mga mangyayari. Kung may makakakita sa amin dito ay di malabong mabalita ito kinabukasan. Ayaw ko ng dagdagan pa ang mga alalahanin ni ate Camilla.
"Baba!" Muli ay ang kalabog sa bintana.
"Please?" Hinawakan ko ang braso ni Tyron. "Please, Ty?"
"Bumaba ka riyan, Kara!" Nagulat ako nang pag-angat ng aking mukha ay may baril na nakatutok sa bintana.
Ganoon na lang ang takot kaya agad akong napababa ng sasakyan kahit anong pigil sa akin ni Tyron na wag na wag akong bababa.
"Santi, 'wag!" Nakatutok pa rin ang baril sa bintana kung saan nakaupo si Tyron.
"Sumakay ka sa kotse ko!" Utos niya sa akin at saka pinatunog ang baril. "Sundin mo ako kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo nito."
"'Wag, Santi... baka maiputok mo iyan. Please, ibaba mo iyan!" Nang tingnan ko si Tyron ay namumutla na ito sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...