Chapter 19

504K 14K 3.4K
                                    

Chapter 19

Naglakad ako papalapit sa gilid ng kamang kinahihigaan ni Kara, my bed. Napailing ako. Hindi na ako nagulat nang madatnan siya rito sa condo ko. She texted me a while ago, saying na gusto niyang manood kami ng sine kaya from her office, dito siya didiretso.

At alam ko rin na hindi na naman matutupad ang panonood ng sine dahil obviously, wala naman siya talaga sa mood manood. Tss. Kailan ba siya nagkamood magrelax kasama ako? Wala pa akong maalala.

Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata na tilaba naramdaman niyang may kanina pa nagmamasid sa kanya.

"Hi." Naupo ako sa kanyang tabi.

"Hello." At katulad nang madalas, wala na namang buhay ang boses niya. Walang emosyon ang kanyang mga mata at para siyang robot na de-baterya.

I smiled and lifted herchin. Napatitig ako sa kanyang mukha. Ang maliit at hugis pusong mukha nangayon ay naging mas kaakit-akit sa paglipas ng panahon. Tumaas ang kanyangkilay at ngumiti ang kanyang mga labi.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Kara. She's unpredictable. Kahit ang mga gagawin at sasabihin niya ay hindi ko pa rin mahulaan minsan. We've been two years together pero hindi ko pa rin talaga nahuhuli ang ugali niya.

"Sorry nakatulog ako. Kumain ka na?"

Marahan akong umiling. "I love you..."

She stared at me then blinked.

Mapait akong napangiti, kahit kailan ay ganito ang reaksyon niya kapag sinasabi kong mahal ko siya.

 Napakamot siya ngpisngi. "Ang sabi ko movie date tayo tonight kaya dito ako dumiretso sa condomo after work, ang kaso sa pagod ko, nakatulog naman ako. I'm sorry." 

"Let's get married." Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na yayain siya kahit malaki ang posyentong tatanggihan niya ako.

She threw me an annoyed look. "Ano bang kalokohan iyan?"

"Hindi ito kalokohan, Kara. Alam mo namang mahal na mahal kita..." Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa aking mga labi. "Please?"

"Ty, ano ba?" Frustrated na hinilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. "Bakit bigla-bigla? Di ba may usapan tayo? Nakalimutan mo na ba?"

"Dalawang taon na tayo, Kara. We're compatible. We're both stable in our jobs. I have plenty of money in the bank, I can give you what you want. We're capable in building a family if we want to, so why we don't start it now?" 

"'You on drugs?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"Please?" I begged. "I promise you, I will be the best husband in the whole world!" Hindi ko akalaing kaya kong maging ganito ka-O.A. Tanging kay Kara lang talaga ako nagkaganito. Tanging sa babaeng ito lang na lubos kong minahal, sa babaeng nagpabago sa akin.

Sa mga lumipas na taon, mula nang makapasok ako sabuhay niya, sinimulan ko nang baguhin ang sarili ko dahil gusto kong mahalinniya ako.

She frowned. "No."

"Kara..." gusto kong maiyak sa nakikitang galit sa mga mata niya.

"Tell me the real reason kaya mo sinasabi sa akin ang kalokohang ito!"

Napalunok ako.

"Tell me!" Halos mabasagang eardrums ko sa lakas nang pagkakasigaw niya. "Bakit bigla-bigla, Ty?! Mayusapan na tayo! Alam mo ang set-up natin, pero bakit bigla mong inoopen sa akinngayon ang tungkol sa kasal?!" Ang kanina'y maamo niyang mata ay nagingmabangis na.

Tumayo ako at tinungo ang maliit na cabinet sa tabi ng mini sofa na nasa kuwarto. Mula doon ay kinuha ko ang diyaryong id-in-eliver dito kahapon. Ang diyaryong hanggat maaari sana ay ayaw kong makita niya.

"What the hell is that?"

Iniabot ko sa kanya iyon matapos kong hanapin ang pahina na matagal na nagpa-isip sa akin kagabi. Hindi ko alam kung tama bang makita niya iyon. Pero batid kong makikita niya pa rin iyon sooner or later. Hindi ko iyon maitatago sa kanya habangbuhay.

Mula sa pagkakakunot ng kanyang makinis na noo ay bumalatay ang pagkagulat sa magandang mukha ni Kara. Bumuka ang mga labi niya at muli ring tumikom pagkatapos. Namimilog ang mga mata niya habang titig na titig siya sa diyaryo.

"He's back again." Mahinang sabi ko. Bumalik na sa bansa ang lalaking dahilan kung bakit nawala ang sigla sa mga mata ni Kara at hindi na muling nagbalik pa.

Pagalit niyang ibinato sa carpeted na sahig ang newspaper na kinaroroonan ng announcement ng pagbalik ng BLACK OMEGA SOCIETY band sa Pilipinas.

And they are back for good.

"Kaya mo ako niyayayang magpakasal ay dahil diyan?"

Hindi ako kumibo. Nakatitig din ako sa lukot na papel sa sahig.

"Dahil diyan?!" Sigaw niya ulit.

Her coldness, her unpredictablebehavior and the reason why she doesn't want to marry me. Hanggang ngayon kasi,kahit hindi niya aminin ay alam ko at ramdam ko na hanggang ngayon ay si SantiMontemayor pa rin ang lalaking nasa puso niya. Alam kong mahal niya pa rin anghayup na lalaking iyon. Na kahit galit siya rito ay mahal niya pa rin ito.

At ngayong magbabalik na sa bansa ang lalaking iyon ay natatakot akong mawala sa akin ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

I can't lose her. I fucking don't want to lose her!

"You're such a jerk, Ty!" Mariin niyang sambit.

"Bakit?" Mariin kong tanong. "Kaya hindi mo ako matutunang mahalin dahil sa kanya 'di ba?" Pumiyok ang boses ko. Lahat ng naipong pagtitiis ay parang biglang kumawala sa akin. Nasasaktan ako nang sobra at parang dinudurog sa maraming piraso ang puso ko.

Masama ang tingin sa akin ni Kara na para bang pinagbabantaan niya akong 'wag nang ituloy kung ano man ang mga sasabihin ko pa.

Pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang kimkimin. "Siya pa rin, 'di ba? Sabihin mong hindi? Sabihin mong galit ka sa kanya sa panloloko at pag-iwan niya sa'yo noon! Sabihin mong galit ka sa kanya dahil kung 'di ka niya iniwan ay buhay pa sana ang baby niyo ngayon!"

Ang magagandang mga mata ni Kara ay unti-unting napuno ng luha. Nagtatagis ang mga ngipin niya habang galit siyang nakikipagtagisan ng tingin sa akin.

"Mahal mo pa rin siya? Natatakpan lang ng galit ang pagmamahal mo, 'di ba? Tell me that I am wrong... tell me that you loath that man! Tell me that you don't love him anymore and you fucking hate him for leaving you like a piece of garbage! Tell me, Kara!"

Bumalasik ang mukha niya at saka siya marahas na nagpunas ng kanyang mga luha. "You're so dead, Tyron Montenegro."

Bigla ay parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. "Kara... I'm sorry..."

"You're an asshole!" At saka napuno ng kanyang hagulhol ang buo kong kuwarto.

JAMILLEFUMAH

@JFstories


Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon