Chapter 4
"ANG ibig niyangsabihin, magkaibigan na kami." Nakangiwi ang ngiti ni Kuya Santi nang tingnanniya ako. "Right, Kara?"
Ngumiti si ate samin. "Ah..."
Tatango-tango naman si kuya Hendrick. "Sige bumaba na kayo. Nagpaluto ng merienda si grandma D."
"Opo..." Mahinang sagot ko. Napatungo ako sa hiya kay kuya Santi.
Hay, Kara... iyan ang napapala mo sa pagkakakulong ng matagal sa bahay. Hindi lahat ng napapanood mo sa TV ay totoo!
Saka bata ka pa para magustuhan ka niya. Una, wala ka pang boobs. Pangalawa wala kang boobs. Pangatlo... wala kang boobs!
Malayo ka kay Holly! Si Holly na taong boobs!
Argh!
Mukhang kailangan kong kumain ng maraming candies para mawala ang pait sa panlasa ko. Ang sakit naman, bakit kasi ang bata ko pa?
Nakalabas na ng kuwarto sinaate ng kalabitin ako ni Kuya Santi.
"Kara." Nakakapanigas ng laman ang buong-buong boses niya. Crush ko na talaga si kuya Santi, walang duda!
Napatulala pa ako ng ilang segundo. Siguro natatawa siya sa inasal ko ngayon, desperadang bata. Palibhasa walang friends at bihira makakita ng tao!
"Po?" Sinikap kong maging kaswal ang boses ko.
He smiled. "Magkaibigan tayo."
"Opo..." Mahinang sagot ko.
Mula nga noon ay naging magkaibigan kami ni kuya Santi, siya na ang madalas kong kasama. Kasama ko sa pamamasyal sa hacienda at minsan sa panonood ng TV. Matiyaga siya sakin kahit may mga pagkakataong nagiging moody ako.
Masarap naman siyang kasama dahil marami siyang baong jokes, at lahat iyon binibili ko. Mababaw lang naman kasi ang kaligayahan ko...
Sa sobrang babaw, makasama ko lang siya ay masayang-masaya na ako.
Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng kaibigan... at kuya na rin.
Oo, 'kuya'...
Maliwanag na sakin na si kuya Santi ay ang aking bagong kuya.
PERO dahil walang permanenteng bagay, umalis din si kuya Santi sa Hacienda at umuwi ng Maynila. Nang mga panahong iyon ay okay na ako at pwede nang pumasok sa school kaya hindi ko na masyadong ininda na lalayo na siya sakin.
Ang alam ko ay pinapauwi na siya ng Daddy niya at ibinalik na ang kanyang kotse sa kanya. Doon na siya ulit mag-aaral at magtatapos sa siyudad.
Nami-miss ko siya pero palagi naman niya akong tinatawagan. Madalas din siyang bumalik sa hacienda para makita ako, nakakatuwa na nami-miss din ako ni kuya Santi... namimiss ako ng kuya ko.
...
FOUR YEARS LATER....
"KARANG payat! Karang putlain!"
"Ano ba!" Inis kong hinampas ng bag ko si Tyron.
Siya si Tyron Ruiz-Montenegro.Mayaman ang pamilya nila. Ang lolo niya ay gobernador ng bayan at ang daddyniya ay kasalukuyang mayor ng Dalisay. Ang totoo ay Montenegro ang surname nilapero ginagamit nila ang "Ruiz" dahil hindi maganda ang imahe ng mga Montenegrohindi lang rito sa bayan namin kundi pati na rin sa buong bansa. Ang foreignerna half brother kasi ng lolo ni Tyron ay lord ng isang mafia, si Don YbarraMontenegro, the blue eyed man na nasa dulo lamang ng bayan ng Dalisay angpribadong lupain. Walang humuhuli rito dahil marami itong kapit atmakapangyarihan. At kahit walanamang koneksyon ang pamilya nila Tyron sa angkan ng lolo niyang iyon malibansa kaparehong apelyido ay kasiraan pa rin ang mga ito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...