Chapter 11
"SHIT." I wanted to cut out my tongue! I never wanted to tell her that, pero kusang lumabas sa bibig ko.Gusto kong isisi sa tatlong can ng beer ang kahayupang nasabi ko sa kanya, pero alam ko naman sa sarili kong hindi ako lasing.
Tinalikuran ko si Kara at pa-dive akong dumapa sa kama. "Lock the door kapag lumabas ka."
"Kuya..." iyong boses niya na paiyak na naman.
"Matulog ka na, Kara." Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Ayaw kong makita kung ano man ang reaksyon niya, lalo lang akong naiinis sa sarili ko.
"P-Pero, kuya..."
Naramdaman ko ang paglundo ng kama at ang kamay niya sa hubad kong balikat.
Marahan kong tinabig ang kamay niya. "Forget it. Go back to your room now and sleep."
Ang sunod kong narinig ay ang pagbuntung-hininga niya at ang pagtayo sa kama, kasunod ng kanyang mga yabag palayo.
Alam kong hindi niya basta-basta makakalimutan ang sinabi ko. Nangangamba akong maari iyong maging lamat sa kung ano mang meron kami.
Okay lang sana kung in love ako kay Kara. Siguro kahit ipagbawal ng lahat ang magiging relasyon namin ay ipaglalaban ko pa rin siya.
But I am not in love with her. Sasaktan ko lang din ang feelings niya, at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon.
"It's scares me how much I want you..." This is just lust... mawawala rin ito.
I am really sorry, my princess. We are better off as friends.
Kailangan ko talagang lumayo sa'yo bago ako makalimot sa sarili ko.
Nagising ako na pasado alas onse na ng umaga. Bumangon ako at dumeretso sa banyo, pagkatapos maligo ay lumabas na agad ako ng kuwarto.
"Sigurado ka na ba?" Boses mula sa sala ng condo ko.
Familiar. Kinutuban na ako habang unti-unting lumilinaw ang mga boses nang nakakalapit na ako sa sala.
"Gising ka na pala, kuya." Nakangiting mukha ni Kara ang sumalubong sa akin.
Hindi ang pagkaka-ngiti niya na tila walang nangyari kaninang madaling araw ang ipinagtataka ko. Mas nagtataka ako ngayon sa ayos niya.
Nakapang-alis siya at sa tabi niya ay ang maliit na maletang bitbit niya nang dumating kami ng Maynila.
"Hi, Santi." Sabi ko na nga ba. It's Camilla Honrado-Montemayor, ang ate ni Kara at asawa ng uncle ko.
"Hey, nandito ka pala. Where's H?"
"Ah, oo. Dumaan din kasi kami kay Dr. Gyon Deogracia para sa check up ko. Nasa baba si Hendrick."
"Malaki na ang tiyan mo, buma-byahe ka pa rin."
"Sinusundo ko na rin kasi si Kara."
Nang tingnan ko muli si Kara ay sa iba na siya nakatingin. Magkasalikop ang mga kamay niya at halata naman sa ayos niyang tine-tensyon siya. She's scared of me. Dammit!
"Nagpasundo na ako kay, ate..." sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri niyang tila hinulmang kandila.
So, tinotoo niya ang pag-uwi sa hacienda? Hindi na siya rito mag-aaral talaga?
Ni hindi man lang niya ako inihanda na ngayon na pala siya kaagad magpapasundo. Sabagay, hindi ko rin naman siya naihanda sa mga nasabi ko sa kanya.
"Ah, ganoon ba." Sinikap kong maging kalmado kahit pa parang naninikip na ang paghinga ko.
"Sige, kuya. Sama na ako kina ate. Nasa baba si kuya H." Hindi pa rin siya tumitingin sakin.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...