Chapter 22

507K 14.6K 2K
                                    

Chapter 22

IBINUHOS ko sa pasosa pasimano ang tira kong lemonade juice. Malamig ang simoy ng hangin saverandah at nakatulong ang ininom kong juice para mapapayapa ko ang aking loob.Inubos ko ang oras sa pagmamasid sa luntiang tanawin, nilibang ko ang sarili kokaysa mainip ako sa pagbibilang ng oras. Maagang natulog ang Ate Camilla kodahil sa napagod ito sa pagluluto kanina para sa munting handaan sa Dorcasmansion. Ayos naman na ngayon si Ate at mukhang bumabalik na ang sigla niya,katunayan ay siya talaga ang nagsabi kina Grandma D na siya ang magluluto nglunch namin kanina.

Ibinalik ko ang paningin ko sa abot-tanaw na rancho Montemayor mula sa aking kinatatayuan. Nakakamiss talaga ang lugar na ito dahil ng mga nakaraang taon ay napaka-bihira ko nang magawi dito. 

Pakiramdam ko kasi noon ay malulunod ako sa kalungkutan kapag manatili ako dito kahit na ilang araw lamang. Pero sa paglipas ng panahon ay hindi na lungkot ang nararamdaman ko sa halip ay kahungkagan at masidhing galit. Nadamay pa ang walang muwang na lugar na ito sa galit at hinanakit ko sa mga alaalang naiwan dito. Itinakwil ko na nga nang tuluyan ang lugar na ito ay mas pinili ko na lamang na manirahan sa Maynila hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo at makahanap ng trabaho doon.

Tanging si Ate na langtalaga ang sinasadya ko dito. Umuuwi lang ako para dalawin siya at hindi parai-enjoy ang kagandahan ng Hacienda Montemayor.

"Hi."

Napabalik ang hakbang ko nang lumabas mula sa sliding door si Santi. Nakapagpalit na siya ng kulay abong T-shirt at itim na jogging pants. Preskong-presko siya sa kanyang itsura at halatang kakagaling palang sa pagsha-shower dahil sa medyo basa pa niyang buhok.

"Hello..." ngumiti ako ng kagaya ng mga ngiting ibinibigay ko sa kanya mula kanina sa harapan ng lahat. "Magpapahangin ka? Sige, pasok muna ako."

"Kara..."

"Sige, maiwan na kita." Pero humarang siya sa daraanan ko. Kinunutan ko siya ng noo.

This time ay siya naman ang ngumiti sa akin, pero ang kanyang ngiti ay may halong lungkot. "You've changed a lot."

"Talaga? Ikaw rin." Mahina akong tumawa. "Lumaki lalo ang boses mo at mas tumangkad at lumaking tao ka."

Ikinibit niya ang kanyang mga balikat. "Nagustuhan mo ba ang mga pagbabagong sinasabi mo?"

I was caught off guard by his question. Hindi ako kaagad nakapagsalita. "Ah, eh ayos lang. Anyway it suits your age... thirty, right?"

"It's thirty-three."

Binawi ko ang mga mata ko sa kanya. "Oo nga. Nakalimutan ko na. Di naman kasi importante."

"And you're twenty-five," sagot niya na hindi man lang dinamdam ang sinabi ko.

"Twenty-six na last month." 

"At nagustuhan ko ang mga nakikita kong pagbabago sa'yo." Lumambing ang boses niya na ikinairita ko. "Malayong-malayo ka na sa dating si Kara. Sa itsura, pananalita at tingin ko ay pati sa ugali..." sa huling salita ay humina ang boses ni Santi.

"Kung nakabuti o nakasama, salamat." Ani ko. Malayo na nga ba ako sa babaeng pinagsawaan niya noon? Should I be glad about it?

"You're prettier now." His face tensed.

"Am I?" Amused ko siyang nginitian.

Malungkot siyang ngumiti. "Yeah. And I couldn't believe that you can still affect the hell out of me..."

Saglit akong natahimik. Parang biglang bumagal ang pag-proseso ng isipan ko sa mga sinabi niya.

"Hindi naman siguro importante, 'di ba? Papasok na ako sa loob."

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon