Chapter 12

585K 17.5K 4.7K
                                    

Chapter 12

"YES, Santi?" Bumungad sakin ang isang magandang babae.

"S-si... si Kara?" Galing pa ako sa Manila nito. "Where is she?" I asked.

Saglit na kumunot ang noo ni Camilla. "She's with her old classmates."

Napatingin ako sa relo kong pambisig. "Ha? Anong oras na ah?"

"Ewan ko ba ron. Ipapasundo ko na sana sa driver eh, kanina pa ako text nang text. Panay sabing pauwi na pero wala pa naman hanggang ngayon."

"Ako na ang susundo." I said.

"Sigurado ka? Mukhang wasted ka na sa biyahe mo." Pinasadahan niya ang itsura ko. "You looked extremely tired."

Naka-polo pa ako at naka-slacks na halatang mula pa ako sa opisina. Maski ang necktie ko ay nakakabit pa rin sa leeg ko pero hindi na maayos ang pagkakalagay. "I'm perfectly fine. Ako na susundo sa kanya."

"Sige... Naron siya sa bahay nong Jenny Sacramento."

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Camilla sa akin.

Mabilis akong lumulan sa kotse ko at pinaharurot iyon palabas ng Villa at palabas ng mismong Hacienda Montemayor.

Napailing ako habang nagma-maneho. Kailan pa nagkaroon ng ka-close na kaibigan si Kara? Akala ko ba hindi siya sumasama sa mga kaklase niya?

"Shit! Bakit ayaw mong sagutin?!"

Panay re-dial ko sa numero ni Kara pero katulad ng ibang nagdaang araw ay hindi niya ako sinasagot. Iniisip kong busy siya pero sa mga oras na ito ay hindi ko tatanggapin ang dahilang busy siya kaya niya ini-snob ang mga tawag ko.

Inalala ko ang pangalang sinabi ni Camilla. Naroon daw sa kaklase niyang si Jenny si Kara.

Jenny Sacramento, nakatira sa may paseo sa bayan. Magtatanong-tanong na lang ako tutal kilala naman ang mga Sacramento ron.

"Hello?" My muscles frozed.

Ibang tao ang sumagot sa tawag ko! Hindi si Kara dahil boses lalaki iyon!

"Si Kara?!" Halos pabulyaw na tanong ko.

"Ah, she's with Jen, they are in the kitchen right now and--"

"Fuck!" Di ko na pinatapos ang kung sino mang gagong nakasagot sa tawag ko.

Bakit nasa kanya ang CP ni Kara?!

HINDI ako nahirapang tuntunin ang kinaroroonan ng bahay ni Jenny Sacramento. Katapat lang pala ng munisipyo ang bahay nito. Halos durugin ko sa kakapindot ang doorbell na nasa labas ng gate ng bahay.

"Kuya!" Si Kara mismo ang nagbukas sa akin, sa likuran niya ay ang mga kaklase niya. Pero iisang mukha ang tumatak sa isipan ko. Iyong lalaking si Tyron na nasuntok ko noon sa school nila. Sigurado akong siya ang sumagot ng call ko kanina. Pigil-pigil ko ang sarili ko sa paghu-hurumentado.

Ibinaling ko ang matalim kong tingin kay Kara. "What is the time now, young lady?"

"Mag-a-alas seis palang naman..." at talagang nakukuha niya pang mamilosopo!

"It's six pm, little girl." Mariin kong sabi sabay hawak sa pulsuhan niya. "And you're going home with me! Now!"

Pumiksi siya at saglit lang ay tila na siya tigreng nanlalaban sa akin. "I'm not your little girl! Get off me!"

"Tara na, hinahanap ka na ng ate mo!"

"Kuya! Ayaw pa yatang umuwi ni Kara! Ipapahatid ko na lang siya driver ko!" Sabat nong babaeng nasa likuran ni Kara.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon