Chapter 21

512K 15.2K 3K
                                    

Chapter 21

"KAILANGAN mong umuwi ngayon, Miss. Tatlong buwan ka na raw na hindi nagpaparamdam sa hacienda." Nakapamewang si Santi Montemayor habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa mukha ko. "Bakit hindi ka umuuwi?" Paano niya nalaman gayong hindi rin naman siya umuuwi ng hacienda kahit bumabalik-balik siya ng Pilipinas.

I cleared the lump in my throat before answering his goddamn question. "Busy ako." Nag-iwas ako ng tingin nang maalala ko ang nakakalat na mascara sa ilalim ng aking mga mata. Shit!

"Kahit para sa ate mo?" Naglakad siya papalapit. 

Naglalaro sa mga labi ang nanunuyang ngiti. Hinawi niya ang may kahabaang hibla ng buhok na bumaba sa kanyang noo. Nakatagilid ang kanyang mukha kaya mas napapatitig ako sa tulay ng matangos niyang ilong at ang pointed tip na lalong nagdala ng kanyang makisig na aura.

Mas naging matigas din ang itsura niya paglipas ng panahon. Nawala na ang lahat ng boyish features niya maliban na lang nang ngumiti siya. Mas naging matured at mataas ang kumpyansa sa sarili ng ipinapakitang katauhan ngayon ng Santi Montemayor na nakatayo ngayon sa harapan ko.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng tension na dapat ay hindi naman. I supposed to loath this man, I shouldn't act stupid like this! Damn!

"Tinatawagan ko nang madalas ang ate." Pinaglaro ako ang aking mga daliri sa ibabaw ng mesang pinagkalatan ng cookies ni Ally.

Tumikhim si Jen at saka nilapitan ang walang kamuwang-muwang na anak sa pambata nitong silya. "Halika na baby Allison, lilinisan na kita."

Nilingon ito ni Santi. "Thank you, Jen. Iuuwi ko muna si Aya Karissa."

As if ay sasama na talaga ako sa kanya? Ang hudyo! Ano ba kasing ginagawa niya rito?!

"Sige lang, ingat sa biyahe niyo." Sa akin nakatingin si Jen. Sa mga mata niya ay tila nakikiusap na magtino ako.

Naiimbyernang tinawag ko siya. Bakit niya ako iiwan kasama ang lalaking ito? "Jen!" Pero hindi niya na ako pinansin. Dire-diretso ito sa banyo na nasa dulo ng kitchen.

"What are you waiting?" 

Bumalik ang tingin ko sa matangkad na lalaking nakatayo na sa harapan ko, nakatingin pa rin siya sa akin at hindi ko na mabasa ang naglalaro sa isipan niya. Iilang hakbang na lamang mula sa kinatatayuan ko, na sa sobrang lapit ay naaamoy ko na ang panlalaking pabangong gamit niya maging ang amoy ng kanyang buhok. 

"Bakit hindi mo pa inaayos ang mga gamit mo at ang iyong sarili? or gusto mo bang buhatin kita patungo sa kotse ko na ganyan ang itsura?"

Pumiksi ako. Hindi ko nagugustuhan ang pinagsasabi niya na para bang kahapon lang kami huling nagkita. Na para bang masaya kaming naghiwalay na dalawa. Na para bang hindi niya ako pinagtataguan kapag umuuwi siya ng Pilipinas. Nagpupuyos ang dibdib ko subalit hindi ko iyon masyadong ipinahalata sa kanya. I wanted to act normal and casual pero hindi ko yata magagawa iyon ng isangdaang porsyento.

"Stop acting like we're close or something." Mahina pero mariin kong saway sa kanya. "At huwag mo akong uutusan kung ano ang dapat kong gawin, Santi Montemayor. I am not coming with you."

He showed me his boyish grin. "Oh, really?"

"What the fuck." Sambit ko. 

Parang biglang dinagundong ang loob ng dibdib ko, and I don't like whatever I am feeling right now. Itinapon ko ang aking paningin sa adam's apple niya na may ilang butil ng pawis. Ayaw ko siyang titigan sa mga mata dahil iba ang nararamdaman ko. Gusto kong dukutin ang mga iyon at ipakain sa kanya.

Napailing siya habang dismayadong nakatingin sa akin. "At nagmumura ka na rin pala."

Tiningnan ko siya nang masama. Ano bang ginagawa ng lalaking ito ngayon sa harapan ko? Kasali ba ito sa mga bangungot ko? Is this really happening right now? Na kaharap ko ang demonyong ito?

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon