Chapter 23
BINITIWAN ko ang stick ng sigarilyo at tinapakan iyon sa sementadongsahig. Nakasandal ako sa kotse ko at hinihintay ko talagang lumabas si Kara.Alam kong hindi siya papayag na hindi uuwi ngayon. Alam kong gustong-gusto niyanang umalis. Gustoniya ng bumalik sa Maynila dahil hindi niya ako gustong makita. Isa rin iyon samga dahilan kung bakit hindi talaga ako nagpapakita sa kanya sa loob ng ilangtaong umuuwi ako ng Pilipinas.I didn't want her to see mebecause I wanted her to forget everything about me. Pero hindi ko rin naman maiwasanghindi makibalita sa kanya. May ilang impormasyon namang nakakarating sa akin samga aksyong ginawa niya, ang pakikipag-relasyon niya sa apo ng gobernador ditosa Dalisay.
Wala naman akong magagawa kung ginusto niya ang mga ginagawa niya ngayon. Hindi ko hawak ang mga pasya niya. Iniwanan ko siya noon, kaya wala akong karapatang panghimasukan siya ngayon.
"You're leaving." Marahan siyang naglalakad bitbit ang kanyang shoulder bag.
Walang emosyong tumingin siya sa akin. "Nagpaalam na ako. May trabaho pa ako bukas."
Tumango-tango ako. Tiningnan ko ang suot kong relong pambisig. Alas-nueve na. "Gabi na, ihahatid na kita." Kinapa ko ang susi sa bulsa ng pantalon ko. "Saan ka ba?"
"'Wag na, kuya." Matipid ang ngiti sa mga labing sagot niya. Diretso ang kanyang tingin sa daanan patungo sa malaking gate ng Villa. "Papahatid na lang ako kay Mang Nestor sa bayan, marami na akong masasakyan doon."
"Kara..."
"Magpahinga ka na lang dito." Lumakad siya paabante pero may sariling utak ang mga paa ko para sumunod sa kanya at harangan ang kanyang daraanan.
Salubong ang mga kilay na huminto siya. "Look, mas lalo akong gagabihin kung di mo ako paparaanin."
"Saan ka uuwi sa Manila?"
"Sa apartment ko."
"Sa apartment mo?" Hindi ako umalis sa harapan niya.
"Hmn, sa condo ng boyfriend ko."
My jaw clenched. "Ilang taon na kayo ni Tyron Montenegro?" Alam kong sila, pero hindi ko alam kung kailan pa, gaano katagal o hanggang kailan sila. Kung seryoso ba sila sa relasyon nila.
Umarko ang kaliwang kilay niya at saka siya humalukipkip. "I'm sorry?"
Kumuyom ang mga kamay ko. Parang bigla-bigla ay gusto ko siyang hawakan nang mahigpit sa kamay at kaladkarin pabalik sa loob ng mansion. "Alam ba ng ate mo na halos doon ka na tumira sa lalaking iyon? Anong nangyayari sa'yo, Kara?! At saka sigurado ka bang seryoso siya sa'yo? Babaero iyon. Nakakatiyak ka ba sa kanya?"
Nanlisik ang mga mata niya nang ilang segundo bago siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Tila kinakalma ang sarili at saka siya muling tumingin sa akin.
"Ihahatid na kita, okay?" Mahina kong sabi. Gustuhin ko mang magpakahinahon ay parang hindi ko rin magagawa. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba nakikialam pa ako sa kanya. Siguro dahil nag-aalala pa rin ako kay Kara.
Umiling siya at saka lumampas sa akin.
"Kara!"
Lumingon siya na namumula ang mga pisngi at kunot ang noo.
"I..."
Umiling siya at saka huminga nang malalim. "Welcome home again, kuya. Sana isipin mo sina grandma, umuwi-uwi ka rito sa hacienda kahit para sa kanila na lang."
Nang muli siyang tumingin sa akin ay wala na namang emosyon ang kanyang mga mata. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"You're back." Aniya muli. "Ngayon mo lang naisipang tumuntong ulit dito kahit pa nakailang balik ka na sa bansa."
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...