Chapter 17

573K 14.2K 1.9K
                                    

Chapter 17

"HEY what's that?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumilip ang mukha ni Santi sa pinto. "Ah, wala..." Mabilis kong ibinalik ang brown pouch sa aking maleta. Tinabunan ko pa iyon ng mga damit at kung ano-ano ko pang gamit.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo dito at nagtatago ka sa akin?" Lumakad siya papalapit habang ang dalawang kamay niya ay nakapaloob sa magkabila niyang bulsa. Tumungo pa siya para sipatin ang maletang nasa tabi ko.

"H-hindi ako nagtatago ah... m-may inaayos lang ako." Inilagay ko sa ilalim ng kama ang maletang binili sa akin ni Santi. Marami na rin kasi akong mga damit mula sa mga binili niya sa akin habang naririto kami sa condo ni Kuya Cloud. Bumili rin siya ng maleta para kapag umalis na kami ay hindi na ako maghahagilap kung saan ko ilalagay ang mga gamit ko.

"Ano ba kasi iyang nandiyan sa maleta mo? Bakit hindi mo muna ayusin sa closet yan?"

"E, para di na ako mag-impake ulit kapag aalis na tayo papuntang Singapore." Tumayo ako saka lumapit sa kanya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang bewang at saka tumingala sa mukha niyang bahagyang nakayukod para abutin ako.

Kumawala ang isang kamay niya mula sa kanyang bulsa para hawakan ako. He kissed me on the head then he whispered to my ear. "Pumapayat ka na naman..." sabi niya habang hinahaplos ang braso ko.

"Sexy." Ngumiti ako kahit na biglang nangasim ang aking pakiramdam. Oo nga, pumapayat ako, at namumutla rin. "I'm sexy." I said with confidence. Ayaw ko siyang mag-isip ng kung ano-ano.

"Oo na." Sagli siyang tumawa saka hinapit ako gamit ang isang braso niya.

Sabay na kaming lumabas ng kuwarto. Dumeretso ako sa kusina para magluto. May iilang stocks pa pero paubos na rin. Nagtataka rin ako kay Santi dahil di na siya masyadong nagbibi-bili ng mga stocks naming unlike noong mga nakaraang araw. Last week puno pa iyong ref pero ngayon, mistulan na iyong gubat na kinalbo.

May kalahating manok pa sa ref kaya iyon ang napili kong lutuin. Pwede na iyon para ulam naming ngayon. May bigas pa rin kaya ayos na rin.

Naghahalo ako ng sabaw ng niluluto kong sinampalukang manok nang maramdaman kong may nagmamasid sakin. Inikot ko ang katawan ko at tama nga ang pakiramdam ko. Nakatayo si Santi sa dulo ng mesa at saka diretsong nakatingin sakin.

"Gutom ka na?" Malambing kong tanong sa kanya.

"Oo, ang tagal mo..." lumapit siya sakin at saka muling humalik sa ulo ko, sa buhok at sa pisngi. Ganito siya palagi. Ang sweet-sweet niya sakin.

"Ay!" Naitulak ko siya palayo nang maalala ko ang niluluto ko. "Saglit na lang ito, upo ka muna diyan ha?" Saka ko siya tinalikuran para muling harapin ang niluluto ko. Feel na feel ko na talaga na parang nagbabahay-bahayan kaming dalawa. Na ako ang umaasikaso sa kanya at sa lahat ng pangangailangan niya.

Pero sumunod siya sa akin. Maya-maya ay nakayakap na ang matitigas na braso ni Santi sa katawan ko. "Hmn, bango!" Hinawi niya pa ang buhok ko sa para mahalikan niya ako sa batok.

Para akong nakukuryenteng lumayo sa kanya. Kahit panay tulak ko, gitgit pa rin siya nang gitgit. "Tumigil ka nga diyan! Kakain na tayo."

Ngumuso siya. "Pwede bang ikaw muna ang kainin ko?"

"Hindi."

"Ang damot mo na."

"Liligo muna ako." Itinulak ko siya ulit, 'buti naman at binitawan niya na rin ako. "'Pag balik ko, luto na iyan. Kakain na tayo, okay?"

"Samahan kita?" Nakabuntot na naman siya sakin.

Kinurot ko siya sa tiyan niyang kasing tigas ng kanyang balikat. "'Wag na at baka saan pa mauwi ang pagligo ko." Sabi ko habang nagingiti.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon