Chapter 18

539K 14.9K 3.5K
                                    

Chapter 18

"WHY are you still here?"

Napatayo agad ako sa sofa. "Bakit ngayon ka lang?"

Wala siyang imik na naglakad papunta sa kusina. Kahit mahilo-hilo na ako sa antok ay mabilis pa rin ang paghakbang ko pasunod sa kanya.


Pinanood ko ang mga kilos ni Santi. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nakainom siya. Naamoy ko ang alcohol sa kanyang katawan na humahalo sa pabangong gamit niya.

"Nag-aalala ako sa'yo, hindi ka sumasagot sa mga tawag ko." Sabi ko habang sinusundan ng tingin ang mga kamay niya na naghahalungkat sa loob ng fridge. Lasing nga siya, ni 'di niya matandaang wala na kaming groceries.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko. "May pagkain pa diyan, bumili ako ng ulam sa fastfood, may natatabi pa kasi akong 500 at-"

Umikot siya at umalis sa harapan ng fridge. "Matutulog na ako."

"Santi..."

Inis siyang lumingon sa akin. "You know what? Dapat sumama ka na lang kay kuya Hunter!"

Natigilan ako. "Ano bang sinasabi mo?"

"Umuwi ka na." Sabi niya sabay talikod. Halos magkabunggo-bunggo pa siya sa mesa nang paalis na siya ng kusina.

"Bakit ako uuwi?" Habol ko sa kanya hanggang makarating kami sa harapan ng pintuan ng kuwarto. "Ayaw kong umuwi... dito lang ako sa'yo." Humawak ako sa polo niya. Bakit ba siya nagkakaganito?

Akala ko kapag umuwi siya at maabutan niya ako rito ay mag-uusap na kaming dalawa. Na sasabihin niyang nagbibiro lang siya ng tumawag siya kanina. Na ayaw niyang umalis ako. Na hindi totoo ang mga sinasabi ni kuya Hunter. Sobra na nga akong nabuhayan ng loob ng dumating siya ngayon kahit pa pasado alas-onse na ng gabi, ang importante ay hindi totoo ang sinasabi ni kuya Hunter na hindi na ako uuwiin ni Santi.

"Santi, magusap tayo..." pagsusumamo ko.

"Hindi mo pa ba naiintindihan?" Binaklas niya ang kamay kong nakakapit sa suot niyang polo.

Umiling ako habang nakikipagtagisan ng titigan sa kanya. Alam kong may dahilan kung bakit siya nagkakaganito. "Bakit mo ba ako itinataboy ngayon? Ang sabi mo sakin, mahal mo ako at hindi mo ako bibitawan? Bakit ka ganyan sakin ngayon?"

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Napahikbi na ako. Parang hindi ko kayang makipagusap sa kanya na ganito siya sa akin. Na para bang ayaw niya sa akin, na hindi niya na ako gusting makita. Nasasaktan kasi ako. Pinigil ko ang mga susunod ko pa sanang paghikbi. 

Muli akong kumapit sa suot niyang damit na parang batang nanlilimos ng pansin. "Santi... Anong nagawa ko? May nagawa ba akong mali? I'm sorry na... please, 'wag mo na akong paalisin. Sasama ako sa'yo kahit saan..."

"Ayaw ko ng makasama ka."

Napatungo ako sa sinabi niya. "You're lying..." bulong ko.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "I'm tired of you, Kara."

Sa nanlalabong sahig ay nakita ko ang pagkukumpulan ng mga luhang galing sa akin. Umiiyak na pala ako? Ni hindi ko naramdaman dahil pakiramdam ko ay bigla akong naging manhid.

"Napakabata mo pa para sa ganito." Napa-tsk siya saka siya sumandal sa pader na katabi ng pintuan. Ramdam ko ang pagala ng mga mata niya sa kabuuhan ko habang nakatayo siya roon.

"Pero ginagawa ko naman ang lahat... sige, kung gusto mo pagbubutihin ko pa. Mas magiging matured ako at-"

"Stop it."

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon