Chapter 20

534K 15K 2.8K
                                    

Chapter 20


"KARA, please!"

I gritted my teeth. "Get out of my way!"

"Please, Kara! Let's talk! Natatakot lang naman ako na bumalik ka sa kanya."

"Just shut up!!!" Gigil ko siyang itinulak. "At bakit ako babalik sa kanya?! Bakit mo sinasabi sa akin ito? Ganoon ako kababa sa paningin mo, you asshole!"

How dare this man to ruin my day!

Mabilis akong pumasok sa loob ng elevator.

Sa pagsara niyon ay nakita ko pa ang naghihirap na mukha ni Tyron. Ang lalaking naging sandigan at kasama ko sa mahigit limang taon.

Mariin akong pumikit at pilit inalis ang agiw sa aking isipan.

Bakit ba ako apektado?

Bakit ba ako nagkaka-ganito? What the hell for?

That was ages ago! For heaven's sake!

Umalis si Santi sa Pilipinas at nakasali siya sa bandang iyon isang taon palang bago siya makaalis. Madalas sa Pilipinas ang bandang iyon pero hindi ako naligalig. Wala akong pakialam sa kanya, at hindi ako magkakaroon ng pakialam sa kanya!

Nang makababa ako ay dumeretso ako sa lobby at nagpahanap ng taxi sa isa sa mga security guards na naroon. Wala akong sariling sasakyan. Wala, dahil hindi ko afford na makabili ng kahit isang second-hand.

Hindi ako kailanman hihingi ng pera sa mga Montemayor para sa aking luho. Sapat na ang napagtapos nila ako sa pag-aaral. Sapat na ang pagkupkop at pag-aalaga nila sa akin at sa ate ko.

Ayaw ko pang umuwi saapartment ko. Ayaw kong mag-isa na naman akong tatanga sa kawalan. Hinugot koang cellphone ko mula sa aking sling bag. Isang tao lang ang maaari kongpuntahan ngayon, may isa pa bukod kay Tyron.

"Kara?" Isang inaantok na boses ng babae.

"Jen... can I crash there for tonight?"

Saglit itong nanahimik bago sumagot. "May problema ba kayo ni Ty?" Sa tono na tila nawala na ang kung ano mang ulap sa pakiramdam nito.

Palagi ko na lang nai-istorbo ang tulog ni Jen.

Ilang saglit lang ay may huminto ng puting cab sa harapan ng lobby.

Mabilis akong lumulan doon. "Sa Terrace Condominium tayo."

Tumalima naman ang driver.

Si Jen ang mismong nagbukas ng pintuan sa akin. Nakapantulog na siya at mukhang kakabangon lang mula sa kama. "Anong problema?"

"May alak ka diyan?"

Ngumisi siya at umiling. "Alam mo namang 'di na ako puwede niyon."

Oo nga pala, how stupid of me.

"Kumusta na pala iyang tiyan mo?" Sabay kaming pumasok sa malaking sala ng kanyang condominium.

May asawa na si Jen, kaklase rin namin noong high school ang kanyang nakatuluyan. Pangalawang anak na nila ang ipinagbu-buntis niya ngayon. Bago kami grumaduate ay nabuntis na siya ni William at masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Ito, malikot na si baby." Halata sa kanyang boses ang kaligayahan. "Lalaki nga ito, brusko." She's grinning from ear to ear. "Sa wakas mabibigyan ko na rin ng Junior ang makulit kong asawa!"

Bumagal ang aking paglalakad habang nakatingin ako sa kanyang malaking tiyan. "Can I touch it?"

Nakangiti siyang tumango.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon